Chapter 22

199 6 2
                                    

   "Did you like it?" tanong ni Xavier sa kasamang si Margaret. Kumain at nag-gala din sila noong hindi nila alam kung saan pupunta. Nagda-drive na si Xavier papunta sa bahay ng pamilya Durr. Gabi na din sila halos nakauwi. Nawili kasi sila.

   "Yeah, super!" sabay tingin pa ni Margaret sakanya. "Na-post ko na pala sa IG 'yung mga pictures natin kanina. Tignan mo nalang mamaya.." dagdag pa nito.

   "Okay, okay. Sige, mamaya." sagot nalang nya sa kausap. Hindi sya makatingin dito dahil baka mabangga pa sila o di kaya ay madisgrasya.

   Kumain kasi sila sa isang park. Naglatag sila ng tela sa damuhan at bumili nalang sila ng kanilang mga kakainin sa isang fast food restaurant. Kumbaga sila ay nag pinic sa parke na 'yon, plus, nag bonding pa sila. Gumala din sila sa mall bilang dagdag.

   "Here we go.." sabi pa ni Xavier kay Margaret dahil nandito na sila sa tapat ng bahay nila. Una syang bumaba sa sasakyan at dali-daling pumunta sa kabilang side ng kanyang sasakyan para pagbuksan ng pinto si Margaret.

   "Thank you, Xave." ngumiti pa ito sakanya. Nginitian nya lang ito pabalik. "Uhhm, gusto mo pa bang pumasok sa loob? Nandyan naman na sina Mommy eii.." yaya pa nito.

   "Uhh.. No, thank you. Baka hinahanap na rin ako sa bahay eh." tanggi pa nya.

   "Ganun ba? Sige.." papasok na sana si Xavier sa kanyang sasakyan nang hawakan sya ni Margaret sa may balikat. Kaagad syang napahinto. Feeling nya kasi ay may kuryenteng pumasok o dumampi sa kanyang katawan.

   "Oh?" pansin nya sa dalaga.

   "Thank you. I have a wonderful time this afternoon and.. it's because of you." ngiting pasasalamat ni Margaret sakanya. Namula naman sya bigla dahil doon. At dahil madilim na rin at wala nang araw ang sumisilip sa kalangitan, hindi ito halata.

   "No problem. Till next time." medyo nahihiyang sagot nya rito. Tumango nalang si Margaret sakanya. Papasok na sana si Margaret sa kanilang gate ng magsalita ulit si Xavier. "Margaret?" tawag ni Xavier sakanya.

   "Hmm?" maikling sagot nya rito.

   "Uhh.. Wala. Goodnight!" pagpapaalam nito sakanya.

   "Goodnight din. Byee.." kaway nalang ang isinagot sakanya ng kausap bago tuluyang pumasok at ipaharurot ang sasakyan.

~~

   *TEXT MESSAGE*

From: Xavier Farrell

Hi Margaret! Have you eaten yet? I'm just wondering if gusto mo bang sumama sa Ocean Adventure.. with me? 2 days tayo doon, pwede ba? Tutal magnu-New Year's Eve na din bukas, so why not? Ask mo na din parents mo 'bout it. Just text back if gusto mong sumama and kung pumayag na din parents mo. Susunduin kita bukas. 10 am. =D

   Kaagad namang bumaba si Margaret para tanungin ang kanyang mga magulang ukol dito. Tila excited pa sya dahil first time nya lang din pumunta sa Ocean Adventure.

   "Mama, Papa.. Pwede po ba?" tanong ni Margaret sa kanyang mga magulang pagkatapos nilang basahin ang text ni Xavier sakanya. "Pumayag na po kayo, please.. please.." pagmamakaawa pa nya. Nagkatinginan muna ang kanyang mama at papa bago sumagot.

Gotta Be You // KathQuenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon