Chapter 21

198 6 2
                                    

PART II : "CLOSER"

   Ilang araw din ang lumipas simula noong maganap ang pag-video chat nila Margaret at Erich. Sinwerte naman sina Enchong, Jane, Francis, at Michelle noong makita nila na nagvi-video chat ang mga ito ng wala silang kaalam-alam. Kaya, mabuti nalang at nakisali sila sa usapan. At tinanong pa nila ng paulit-ulit si Margaret ng iisang tanong, kung bakit sya umalis ng walang pasabi.

   Kung nagbakasyon sina Margaret at ang kanyang pamilya sa England, nagbakasyon din naman ang iba pang myembro ng MPG at RB. Si Melanie, napagdesisyunan na magbakasyon saglit sa Germany kasama syempre ang kanyang mommy't daddy. Si Javier naman ay sa California muna nagbakasyon. Sa France naman nagbakasyon sina Lauren at Zander kasama ang ilan nilang mga kamag-anak. At si Xavier naman ay sa Spain nagbakasyon kasama ang kanyang pamilya.

   Sabay-sabay silang umuwi ngayon sa Pilipinas. At nagkataon namang sa iisang airport sila bumaba! Hindi nila alam na nagbakasyon din ang isa't-isa sa ibang bansa. Hindi na kasi sila nag-usap simula noong umalis si Margaret papuntang England. Atsaka, mahal din naman kung magi-international call sila.

   Kasalukuyang naglalakad papunta sa arrival area sina Margaret, Melanie, Lauren, Xavier, Javier, at Zander kasama ang kani-kanilang kapamilya. Hindi nila alam na nandito din ang isa't-isa.

   "Zander, sila Melanie ba 'yun? 'Yung naka neon green na tank top, naka white shorts, naka brown flat shoes, atsaka medyo curl 'yung buhok?" tila excited na paninigurado ni Lauren sa kasamang si Zander. Nasa likod lang nila na sumusunod ang kanilang mga kasamang kamag-anak.

   "Sya ba 'yun? Ayt. Oo, sya nga." pagkasagot na pagkasagot ni Zander kay Lauren, ay sumigaw kaagad ito.

   "Melanie!" malakas na sigaw ni Lauren. Sinaway pa nga sya ni Zander na huwag syang sumigaw dahil baka pagtinginan sila. Ngunit, pinabayaan lang sya ni Lauren. Tumingin naman kaagad sakanila ang babaeng kanyang tinawag. 

   "Laureeen!" tumakbo pa si Melanie palapit sakanya. Sinalubong naman nila ang isa't-isa ng isang mahigpit na yakap. "Nandito din pala kayo? Saan kayo nanggaling? Oh.. Hi po!" bati ni Melanie sa mga kasama nila. Kumaway lang ang mga ito sakanya.

   "Galing kaming France. Kasama ko syempre mommy ko, atsaka sina Zander at family nya." ipinakilala naman ni Lauren ang kanyang mga kasama. "Ikaw? Asaan sina mommy at daddy mo?"

   "Ayun, pinauna ko na. Maglilibot-libot muna kasi ako sa mall mamaya. Alam mo na.. bored." sagot naman ni Melanie sa ka-grupo. Nang walang ano-ano ay bigla namang sumigaw si Zander. May tinawag pala ito.

   "Javier, bro!" tawag ni Zander sa nakitang kakilala. Lumapit naman kaagad ito. Sinalubong nila ang isa't-isa ng isang manly hug.

   "Musta na? Nandito din pala kayo?" bati ni Javier sa ka-grupo. 

   "Heto, okay lang. Kakagaling lang namin sa France. Kasama ko 'yung pamilya ko, si Lauren, at 'yung mommy nya." pagpapakilala nya sa mga kasama. "Ikaw, saan kayo nanggaling? Hi po pala sainyo.." pansin ni Zander sa mga kasama ni Javier.

   "Galing kaming California. Oh, hi Lauren. Hi Melanie.." ngumiti pa si Javier sa nililigawang si Melanie.

   "Hi." maikling tugon ni Melanie sakanya. Ngumiti at kumaway naman si Melanie sa mga kasama ni Javier. Bineso-beso nya pa ito bilang dagdag.

   "Bro, si Xavier ba 'yun?" sabay turo ni Javier sa lalaking naka light blue long sleeved polo, black slacks, naka-itim na running shoes, at nakatabi sa isang gilid ang 'bangs' nito. Tumango lang sakanya si Zander. "Xavier Farrell!" 

Gotta Be You // KathQuenWhere stories live. Discover now