8.2 - TRAPPED

1.1K 41 14
                                    

To my previous readers (naks gumagan’on?), in-edit ko po ng bongga ang story na ‘to kaya mejj naiba ang nangyari. But the concept is still the same. Na-miss ko kayo!

 

OMG. After gazillion years. EXpired lang po kaya nakapag-update. :)

 

 

 

-=-=-=-=-=-=-=-

I can still remember the look on her face when I gave her the phone. Akala niya siguro umalis na ako n’un sa kusina. Tuwang-tuwa ang hanep. First timer?

Tinowel dry ko ang buhok ko bago humiga sa kama. I stared blankly at the ceiling.

Well, actually si Ate Alice talaga ang bumili n’ung phone. Alamang maglalalakad ako sa mall ‘di ba? Hindi naman sa pag-aangat ng building pero alam naman nating lahat na hassle masyado ‘yun sa isang katulad ko. Nagsinungaling pa tuloy ako na ako ang gagamit ng S4 na ‘yun. Ate Alice will surely freak out if she’ll know.

Take note, if she’ll know.

Pero bigla kong na-realize, ngayon na lang pala ulit ako nagbigay ng kahit ano sa isang babae, at ‘yun ay dahil... Question mark. Malay. Hanggang ngayon nagtatalo pa rin ang isip ko kung bakit ko ba ginagawa ang mga bagay na ‘to.

Ano ba siya sa’kin? Wala naman ‘di ba? Pero bakit ‘di maalis sa isip ko n’ung gabing nawala siya?

$hit.

No. Hell no. Hindi ‘yun ang dahilan.

I snapped my fingers. Tama! ‘Yun ay dahil naiwan ko dito sa bahay ang phone ko kanina. Ano ba naman Derek! Tinatanong pa ba ‘yan? Kung bibigyan ko siya ng phone eh ‘di mas madali ko siyang makokontak sa oras ng pangangailangan! Wala naman siyang ibang silbi sa’kin bukod d’un. Tsk.

Bumaling ako ng higa sa kanan. Then bumalik na naman ako sa dati kong posisyon at in-stretch ang mga kamay at paa ko. Kainis. Nagiging paranoid na ‘ko sa mga walang kakwenta-kwentang bagay.

I contemplated again. So much had happened this day. Naalala ko ‘yung mga nangyaring usapan sa recording studio kanina.

After several years, I never expected to see Darren once again.

I still can’t believe that my brother made it. He really became a music producer just like what he aspired to be. Bata pa lang kami lagi na niyang sinasabi ‘yun, that he wanted to become like our father. Pero hindi ko ‘yun nakitang nangyari, at akala ko hindi na ‘yun mangyayari. And now, it seems that fate is playing in our lives. Bizarre as it is, but I saw him now as the one who’s going to produce my album. I want to be proud of him. Pero pakiramdam ko wala akong karapatan na ipagyabang kung ano man ang narating niya ngayon. Alam kong nagtatampo pa rin siya sa ginawa ko sa kanya. Nakagat ko ang labi ko.

Awkward, but on the other hand, I felt a little excited to this reunion. Gusto kong makabawi sa kanya, matagal na. ‘Yun nga lang wala akong lakas ng loob. Kung ito lang ang magiging way para magbalik ulit ang relasyon naming magkapatid sa dati, why not pursue this?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANGKININ MO NAMAN AKO.Where stories live. Discover now