5 - BITCH

1.6K 55 25
                                    

Hi friends! Kumustasa? Pasensya na kung natagalan. May nangyari kasi sa’king masama…

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Na-trauma na yata ako sa kabaliwan ng babaeng ito. Alam kong mag-iingay ‘yan ‘pag ‘di napagbigyan kaya para matapos na binato ko na lang siya ng kumot at unan.

Bukas na bukas palalayasin ko na talaga siya!

Tumalon ako pabagsak sa kama at saka namaluktot dahil sa sobrang inis at panggigigil. Pero sa kabiia ng pagkairitang nararamdaman ko, surprisingly, I slept well that night. Siguro dahil na rin sa accumulated puyat ko nitong mga nakaraang araw.

Sa kasarapan ng tulog ko, bigla na lang akong nagising. Tumingin ako sa orasan. Wow, 4AM. Naunahan ko pa ng 30 minutes ‘yung cellphone alarm ko.

Hindi ‘to dahil sa body clock ko.

Kundi dahil sa naamoy kong mabango na kahit natutulog pa ako ay bigla akong nagutom. ‘Yun bang sa sobrang bango mapapagising ka.

Parang tagline lang ng commercial ‘yung sinabi ko.

Napabalikwas ako ng bangon. And a long-forgotten memory abruptly flashed in my mind. Agad-agad kong isinuot ang home slippers ko. Tumakbo ako palabas ng kwarto ko hanggang sa kusina.

Lumalakas ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang habang papalapit ako.

But, to my disappointment iba ang naabutan ko.

***

"O? Aga mo ah. Chura mo! Parang hinahanap ang kanyang nawawalang ina na katabi n'ya sa higaan."

Wala sa wisyong napaupo siya sa dining chair. Para bang biglang-bigla siya nang makitang ang pagmumukha ko ang andito sa kusina.

"Binangungot ka ba? Shot ka muna 'tol." Nagulat pa siya nang abutan ko siya ng isang basong tubig.

Ininom naman niya ng isang lagukan. Napahawak siya sa dibdib habang hinahabol ang hininga. Mukhang nabangungot nga si mokong. Buti nga.

Joke lang.

"M-may masakit ba sa'yo? Sabihin mo lang kung tatawag na ako sa 117 ah. ‘Di kita kayang buhatin!"

"'Wag ka ngang praning. I'm fine." At last! Nagsalita na rin siya. Nagbalik-normal na rin ang hitsura niya. Mabuti naman. "Anong ginagawa mo at ang aga mong nagising?"

ANGKININ MO NAMAN AKO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon