2 - HER

3.3K 70 35
                                    

Para sa pinakagusto kong wattpad author ng pinakamahirap na story genre (sa tingin ko), ang horror, miss rizzamaruja na dati ay iamnotrima. O di ba tanda ko pa ang username mo 2 years ago yata ‘yun. Hehe. Ang galing mo grabe. Hindi kasi ako pinatulog ng Secret of the Door! :D

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

 “Hoy… Hayop ka… Bakit mo ako… binato…”

“Hoy… Hayop ka… Bakit mo ako… binato…”

“Hoy… Hayop ka… Bakit mo ako… binato…”

Daig ko pa ang INAATAKE ng CARDIAC ARREST habang nagre-resound sa utak ko ang mga salitang iyon.

“Who the fvck is in there?!” Hindi ko naitago ang pangangatal sa boses ko.

Tuloy-tuloy na pag-ungol lang ang isinagot niya sa’kin. ‘Di ako makagalaw. Pati ulo ko parang nagka-stiff neck. Ayaw ko mang aminin pero nagsisimula na akong kilabutan. Ang malamig na ihip ng hangin, nakikisabay pa dito sa lugar na ito kung saan mag-isa lang ako, kasama ang kung sino mang impaktong ito.

“Gago ako ba’ng pinagti-tripan mo?! You’re bumping into the wrong person freak!”

Naman! Natatakot na ako ah!

Biglang umalingawngaw ang isang malakas na halakhak na nagpatayo ng balahibo sa bawat parte ng katawan ko. “Akala mo… Akala mo hindi masakit… ‘Yun? ” Nahihirapan niyang sabi. “Ayos ka ah…”

Diyos ko. Ano man pong nagawa kong kasalanan patawarin Niyo na po ako.

Pinihit ko sa magkabilang-banda ang ulo ko. Hanggang sa isang bulto ng katawan ang nahagip ng mata ko. Pakiramdam ko nilayasan ako ng kaluluwa.

Sa pinakagilid ng garbage area, and’un siya, ‘yung babae.

Malinaw na malinaw sa paningin ko ang hitsura ng payat niyang katawan, na halos mahubaran na sa suot niyang damit.

At higit sa lahat, na lalong nagpahindik sa akin, naliligo siya sa sariling dugo! Holy $hit!

Namimilipit siya sa sakit habang hawak-hawak ang kanang braso. Natulala ako. Feeling ko anumang oras susunduin na siya ni kamatayan.

PIlit niyang inangat ang ulo at tumingin sa akin. “Anong… itinatayo-tayo mo… pa d’yan…? Tulungan mo… ako dito…”

Nagising ang diwa ko sa sinabi niyang ‘yun.

“Ano?!” Pero iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla na nararamdaman ko.

ANGKININ MO NAMAN AKO.Where stories live. Discover now