4.2 - INTERROGATION

1.8K 68 30
                                    

After two weeks! At last! Na-miss ko makipagkulitan sa inyo!

Thanks for the long wait!

 

 

 

Ang cute-cute nila di ba? :)

 

------->>>>>>>

At ang tanging isinagot lang niya sa’kin ay isang malupit na…

HAHAHA.

Sa sobrang lakas ng halakhak niya ay daig pa niya ang naka-tira ng isang galong rugby.

“Adik naman ne‘to. ‘Di naman ako nagpapatawa ah. Seryoso kaya ak--”

“NO!” Mabilis pa sa alas tres niyang sagot. Nagulantang tuloy ang buong pagkatao ko. “HINDI! Against all the fvcking odds.”

Kitang-kita ko ang pagkabanas sa mukha niya. Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Nilalabanan na naman niya ako ng titigan. Gan'to siguro ang habit ng lalaking 'to

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Ang sakit sa kalooban! Pero alam kong wala naman akong ibang magagawa…

Kundi ang last resort na ito.

***

 

Anak ng!

“$hit! What do you think you’re doing?! T-tumayo ko nga d’yan! Wala ka na bang konting kahihiyan sa sarili mo?” I stiffened, habang nanlalaki ang mga mata ko sa ginagawa niyang pagpapatirapa sa harapan ko.

Agad naman siyang tumayo. Salamat naman. Matiim siyang tumingin sa akin.

“Wala. Wala talaga akong hiya. Kaya please! Nagmamakaawa ako sa’yo! Alam ko mabuti kang tao. Nakikita ko sa mga mata mo! Patirahin mo na ako kahit dalawa o tatlong buwan lang! Sige na!”

Napaismid ako. “Am I? Or should I remove these fvcking eyeballs to prove to you that I am not? Don’t get mistaken Edelle or whoever you are. Magsasayang ka lang ng oras. Umalis ka na. Peacefully, please.”

Nguni’t hindi niya pa rin inalis ang tingin sa akin. “’Pag pinatira mo ako dito… Iyo na ko!”

“What?!”

“Kita mo naman ang bahay pag-uwi mo 'di ba? Kaya ko maglinis ng ganyan dito araw-araw! Hindi mo na rin natatanong, magaling din ako magluto. At 'wag ka, marunong pa akong maglaba. Lalabhan ko lahat ng mga damit at brief mo without yucky feelings. Alipinin mo pa ako. Gagawin ko lahat! Kahit…" Napalunok siya. "Kahit pati paligayahin ka buong magdamag! ‘Wag mo lang akong paalisin! Sige na. Pumayag ka na!”

ANGKININ MO NAMAN AKO.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora