3 - WHY

2.7K 68 35
                                    

Nakahiga. Walang kahit na anong emosyon na mababakas sa hitsura niya.

Nakatulala lang siya sa puting kisame.

Inaalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

Ramdam na ramdam niya pa rin ang hapdi. Pinilit niyang bumangon at pinagmasdan ang sarili.

Siguradong mahihiya lahat ng mummy sa Egypt sa dami ng benda at gasa niya sa buong katawan.

Nanlalabo ang mga matang inilibot niya ang paningin sa paligid.

Maya-maya ay iniunat niya ang kamay at inabot ang note na nasa tabi ng Tupperware container sa ibabaw ng lamesa, kasama ang mga gamot at maraming pera.

Eat the porridge first bago ka uminom ng gamot. Kung nagugutom ka pa bumili ka na lang sa labas pag-alis mo. Kunin mo na lahat ng perang iniwan ko d’yan. I-lock mo nang maayos ‘yung pinto. Marunong ka naman siguro.

Hindi niya napigilang matawa.

Nilamukos niya ang papel.

***

“Mr. Zombie, thank you concealer na naman tayo ngayon ah. ‘Di ka pinatulog ng kunsensya mo ‘no?”

“Shut up Ate Alice. I’m not in the mood.”

“Taray!” Sinapak niya ang braso ko. Naman! Kababaeng tao ang bigat-bigat ng kamay! “Ikaw ang mag-shut up and drive d’yan.”

Pauwi na kami galing sa shooting ng commercial ngayong araw. Mahirap talaga ‘pag walang PA! Buti na lang and’yan si Ate Alice. Kahit magreklamo pa siya, sa tingin niya ba meron siyang magagawa? Oo na, pareho na kaming may kasalanan, pero siya talaga ang puno’t dulo n’un. Magtiis siya…

…at ako rin. Kahit bulagta na ‘ko, wala akong choice kundi ihatid siya sa bahay niya. Hindi na raw niya kayang mag-drive.

Pakiramdam ko tuloy nakalutang ako sa alapaap sa mga oras na ‘to. Wala rin kasi akong gaanong tulog kagabi.

O mas mabuting sabihing, pinilit ko, kaso hindi talaga ako makatulog kagabi!

‘Yung babaeng ‘yun kasi! Kailan pa naging clinic ang bahay ko aber?!

“Uhmm Derek…”

“What now Ate Alice?” Namumuro na talaga sa’kin ‘to si ate. Buong araw na akong iniinis. Ang sakit na nga ng bungo ko.

“Ano kasi…” Nagtama ang paningin namin nang sinilip ko siya sa rearview mirror. Hindi siya makatingin sa’kin ng diretso. “Pinag-isipan mo na ba?”

ANGKININ MO NAMAN AKO.Where stories live. Discover now