1 - HIM

13.3K 105 36
                                    

Para sa pinakapaborito kong wattpad author ngayon. Haha. Sana nga ho ay mai-publish na ang books mo. Belated happy anniversary po pala! More pop, pop, pops to come! :))

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

"Po? Hindi po magandang biro ito sir! Bakit niyo po ba ginagawa 'to? Ano pong kasalanan ko?!"

Ugh, I hate this.

"Sir! SIR!!!"

Utterly pissed, I turned my back almost immediately. Inayos ko ang suot kong Rayban sunglasses and marched down the hallway. Napatingin ako sa wristwatch ko. 9PM na pala. I had to waste 15 minutes of my life to carry on that senseless conversation.

Dumerecho ako sa dressing room at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Maya-maya ay nagulat ako nang marinig kong biglang bumukas nang malakas ang pinto. What...?

"What else do you want?!" I raised my voice and faced her with crooked eyebrows. Pero bago ko pa man din makita kung sino siya ay isang malakas na hampas ang lumanding sa kanang braso ko. Aray.

Her eyes met mine. I'm doomed.

"At ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo Derek Lopez?!" Damang-dama ko ang siksik, liglig at umaapaw na galit na bumabalot sa buong pagkatao ng manager kong si Alice sa mga oras na ito. Umiwas agad ako ng tingin. Kung tingnan niya ako ngayon parang gusto niya akong mag-evaporate. Nakakatakot. Tumalikod ako at kunwari nagpaka-busy na mag-ayos ng mga gamit.

Kailangan kong magsalita. Kailangan may sabihin ako. Patay na naman ako ne'to. "Sinabi ko lang namang mag-enjoy siya sa separation pay niya. Bakit? Kulang ba?"

"Gago ka talaga!" At isa na namang malakas na hampas ang dumapo sa braso ko. Sa kaliwa naman ngayon.

"Ate masakit!"

"Talagang masasaktan ka!" Pumamewang siya. "Aba'y ayos din 'tong trip mo eh 'no. FYI, pang-13 na PA mo na nitong nakalipas na 2 buwan si Ella. Pang-13! 'Wag mong sabihing paghahanapin mo na naman ako bukas ng pang-14?! O baka may balak ka pang sundan ng pang-15? Alam mo konti na lang paga-araruhin ko na 'yang panga mo. Daig mo pa nangongoleksyon!"

Napabuntong-hininga ako nang malalim. I don't know how to retaliate what she just said. "I'd prefer to. Kung nakinig ka sana sa'kin eh 'di sana di ka na nahihirapan."

"Aba't..."

"Uuwi na ako. Maaga pa tayo bukas 'di ba? Message message na lang." Binuhat ko na ang bag ko. "Look, I'm really sorry ate. But if you can really just pause for a while and take some time to understand me, then please. Please lang. Next time, ayoko na ng babae." Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at lumabas na agad ako ng kwarto.

I went down the parking lot and carefully turned my head on both sides. Media: CLEARED. Thank goodness, seems like what happened a while ago went unnoticed. I heaved a sigh a relief. Seriously gusto yata nilang gumawa ng documentary tungkol sa lahat ng PAs na tinerminate ko. At ang pinaka-bullsh*t pa d'un ay pagkalat ng balitang silahis daw ako. Ako? Bakla? Tsk. Just how worse should this get, eh?

I rushed to get inside my Audi at agad na pinaharurot palabas ng building.

The night is getting deeper and here I am, driving into an almost empty highway. I should be feeling down of this loneness but ironically, I find this drive relaxing. I opened my car window slightly upang madama ko ang simoy ng polusyon. Ang saya ng ganito - wala akong ibang iniisip. Naka-focus lang sa pagmamaneho. Although not totally. But still, naaaliw ako. Somehow my thoughts are being deviated from the cares of this world... Including my recollections from 10 years ago.

Damn. Naalala ko na naman.

I immediately shrugged off the ugly thoughts bago pa nito sirain ang mood ko. I beg to end this day on a happy note.

Huminto ako sa gate ng subdivision na tinitirhan ko at binaba ang bintana ng kotse.

"Hey, Johnny. Kape?!" Sigaw ko. Johnny's the subdivision's night-shift security guard bago pa man ako tumira dito. He's a decent guy, so to speak. Sobrang daling makagaanan ng loob and knows how to ride on my jokes. At higit sa lahat, he knows I live here but never dared telling a soul about it.

Very close relatives at si Ate Alice lang ang nakaka-alam ng address ng bahay ko. Even neighbors don't know about me. Maaga kasi ako laging umaalis, gabing-gabi na umuuwi. Besides, I have neither a reason nor intention na ipagkalat na tagadito ako.

But Johnny got me busted. Kada umuuwi ako dati lagi niyang tinutuktok ang kotse ko. Sa totoo lang pilit kong inunawa kung ano ba'ng trip nitong taong 'to at ginagawa niya iyon sa'kin gabi-gabi. Until it came to the point when he reached the limit of my patience. Napilitan akong lumabas ng kotse para kumprontahin siya. I can still remember how his face turned pale after seeing me. Turns out it was all a misunderstanding. Masyado raw akong kaduda-duda. Kahit isang beses kasi hindi man lang niya ako nakitang lumabas ng kotse o nagbaba man lang ng bintana. Aba'y malay ba daw niya kung miyembro ako ng sindikato na nanloloob sa mga subdivisions.

That's how it all started. Although I forgave him for what he did, I have to use tricks to maintain my privacy. I told him I'll use my connections para paalisin siya sa trabaho once na kumalat ang address ng bahay ko. I reminded him about it almost everyday just like how he taps my car every night. Who would have thought magiging close kami pagtagal.

"Marami pa! Salamat sir!"

Naka-salute siya sa'kin habang sinasara ko ulit ang bintana. This guy really. Well, I know pulling an all-nighter is hard, kaya ang maitutulong ko na lang sa kanya ay ang supply-an siya ng kape.

Pinaandar ko na ang kotse papasok at maingat na pumarada sa garahe.

I head towards the main door of my house and just as I am about to pull up my digital lock, may hindi kaaya-ayang bagay na nahagip ang mata ko.

This. Is. The. 5th. Time. Already.

WHY ARE MY TRASHES STILL HERE?

Nag-init ang mukha ko sa matinding inis habang nakapikit na sinapo ang ulo ko. I stood like that for a few minutes and started composing myself. I can't even. Binagsak ko ang bag ko sa tapat ng bahay at kinuha ang mga lintik na plastic bags. Inilagay ko silang lahat sa trunk ng Maserati ko at padabog na sinara. Wew.

I pulled off my Maserati from the garage. Until when will I have to do this myself?

Honestly, I have garbage issues for a long time now. I don't hire maids and have to do everything on my own given my situation. Nguni't sadyang mapang-asar ang mga garbage collectors dito. For the 5th time, 'di na naman nila tinapon ang basura ko! Kakatawa. Required ba may physical appearance ng nagtapon para makolekta? Funny enough, I can't make a formal complaint for obvious reasons.

Matapos makahanap ng malapit na garbage area at maitapon ang mga basura ay naglakad na agad ako pabalik sa kotse. Baka may makakita pa sa'kin dito.

Pero bigla akong natigilan. May narinig akong kumaluskos sa tabi.

Ano 'yun?

"Aray..."

Napalunok ako. Sinundan 'yun ng mahinang pag-ungol na parang pusang nire-rape.

I'm scared, yes, but at the same time curious kaya pinakinggan ko ulit nang mabuti. My mind must be playing tricks on me dahil sa pinahalong pagod at badtrip ko ngayong araw.

Or not...

Mga impit na hikbi, na naging pag-iyak.

As if crying for help. The kind of cry na hindi ka patutulugin buong magdamag.

I need to get out of here. Nakakasira ng bait ang mga nangyayari dito.

But my body refused to move. I froze in fear nang biglang may magsabing...

"Hoy... Hayop ka... Bakit mo ako... binato..."

ANGKININ MO NAMAN AKO.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant