6 - KNIGHT

1.5K 49 17
                                    

Para kay ineng na hanggang fb ay nagpapa-dedic sa akin. HAHA. Eto’ng sa’yo! Labyu! :*

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Hayop na Derek ‘yun!

Hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko ang ginawa niya sa’kin kanina!

Ako naman ‘tong si tanga, nagpa-uto para makiamot ng kaunting pera! Bwisit! Mayaman naman! Makapagdamot wagas!

Well, looking on the brighter side of the Earth, over ang pagkalunod ko ngayon sa kaligayahan! Finally! Natanggap ko na ang katibayan na enrolled na ako. Napatitig na naman ako sa registration card ko. Ilang beses ko na ‘tong hinalikan ngayong araw. Nakaka-overwhelm. Iiyak na naman ba 'ko? Haha.

“Delly girl!”

Napaangat ako ng ulo. “Ate Gracy! Bakit ang portugal mo?”

Tumayo ako sa kinauupuan ko at napatakbo palapit sa kanya. Nagtitinginan sa’min ang mga tao habang dinadama naming dalawa ang pagyayakapan sa gitna ng fastfood chain. Hinila ko si Ate Gracy papunta sa table ko.

“Sorry girl! Na-traffic ako eh!”

Pagkaupo niya ay inabot niya sa’kin ang isang bag. “Nandito na ba mga gamit ko? Naipuslit mo ba lahat?”

"Yeah... Kaso 'yung cellphone mo kinuha nila eh. Sorry Delly. Isa pa ‘yang dahilan kung bakit ako natagalan. Tumakas lang rin kasi ako para makipagkita sa’yo."

"Ano ka ba 'te! Ayus lang! Salamat talaga ah. Sorry rin sa abala. Nagui-guilty tuloy ako!” Pinisil ko ang kamay niya. “Nga pala, kumusta naman d'un sa bar?"

"Kung alam mo lang girl." Napabuntong-hininga siya. “Kung ako sa’yo, magtatago-tago muna ako. Ang alam nilang lahat deds ka na. Pati nga ako nagulat n'ung tumawag ka sa'kin. Akala ko minumulto na ako ng espiritu mo. Siguradong hindi ka na n’un sasantuhin ‘pag nakita ka.” Nakaramdam ako ng inis at takot sa dibdib ko. “Wait nga lang. Mukhang ayos ka na ngayon ah. Antay nga ako nang antay ng balita tungkol sa katawan mo.”

“Sira-ulo ka talaga ate!” Grabe naman. Sa lahat naman ng aabangan, ‘yun pa! “Mukha akong mummy ‘no? Ang sakit pa rin nga ng katawan ko. Pero buti naman gumagaling na ‘tong mga sugat ko. Konting kembot pa. Sana mawala na ‘to sa pasukan.” Ibinida ko sa mukha niya ang registration card ko. “Enrolled na rin ako sa wakas!”

Bigla siyang napabunghalit ng tawa. “At ipinush mo pa rin talaga ‘yang pag-aaral mo na ’yan ah. Patingin nga ako.” Kinuha niya sa kamay ko ang regi ko. “Bachelor of Music? In Music Education? Seryoso ba ‘to girl? Nagkakandarapa kang magkapera para mag-aral ng music? Grabe ah!” Nanlalaki pa ‘yung mga mata n’ya habang sinasabi ‘yun.

“Ano namang nakakagulat d’yan? Eh eto naman talaga ‘yung gusto ko ‘no. ‘Wag ka nga.”

ANGKININ MO NAMAN AKO.Where stories live. Discover now