7.1 - VISITOR

1.4K 53 23
                                    

Derek is so damn familiar with this feeling. Pero pilit niya pa ring ikinakaila ang totoong nararamdaman.

Paanong hindi niya malalaman? He grew up suffering with this $hit.

It’s his phobia. His greatest fear.

Fear of being left alone.

Why does everyone who promised to stay always thought of leaving in the end?

At bakit siya na lang ang palaging iniiwan?

No. Not again. But why? Why now? Why with that girl?

 

Napahigpit ang kapit niya sa steering wheel.

Napapikit siya, vigorously shaking his head while cursing repeatedly.

Pero…

***

Agad kong naapakan ang brake ng kotse ko.

Nasubsob ang mukha ko sa hand wheel. Fvck! Ang sakit! Nakalimutan ko palang ikabit ang seatbelt ko.

Nanggagalaiti akong bumaba ng kotse. Paano ka ba namang ‘di maaasar? Nakaharang ‘yung kahoy sa may gate ng subdivision! Buti na lang mabagal pa 'yung takbo ko. E ‘di kung nagkataon siguradong tepok na ako ngayon.

“Johnny!” Caught in the act na natutulog ang walang’ya sa guard house pagpasok ko. Kaya naman pala eh.

“S-sir Derek!” Naalimpungatan siya at biglang nataranta nang makita ako. “Ano hong ginagawa niyo dito?!”

“That.” Buong-pagtitimpi kong itinuro ang kotse ko. Mukhang na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.

“Ay nakupo!” Nagmamadali siyang tumayo sa kinauupuan at akmang lalabas ng guard house para itaas ‘yung kahoy.

Pero inawat ko siya at umupo sa bakanteng upuan. “Don’t bother. Wala na ako sa mood. Just give me something to drink.”

Pero imbes na sumunod agad ay luminga-linga pa siya sa labas. “Ano ba’ng problema mo d’yan ha Johnny?”

Nag-aalala ang mukha niya paglapit sa akin. “Ano ba kasing ginagawa mo dito sir? Paano ‘pag may nakakita sa inyo dito?!”

“Walang makakakita. Stop freaking out.” Umayos ako ng upo. “At kung sakaling may makakita man, just zip your mouth and pretend that nothing like that happened. Bigyan mo nga ako ng maiinom. Kahit kape.”

“O-opo.” Kakamot-kamot ang ulo siyang sumunod. Nakakainis. This impulse is $hit. Everything that happened on this day is hell. Paulit-ulit kong naisuklay ang kamay ko sa buhok ko.

ANGKININ MO NAMAN AKO.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon