Chapter Twenty-Eight- Meetings

Comenzar desde el principio
                                    

So our situation is hell.

"Wala talaga kayong balak mag salita?"

Nahimigan ko na ang inis sa tono nila dahil sa pananahimik namin. Ang totoo niyan ay sinabihan kami ni RR na kapag hindi namin sila gustong makausap ay wag na lang kaming magsalita para iwas daw sa gulo.

Hindi naman talaga kami mahilig makipag away--- except kay Kad, pero pag kami na ang inaway, aba go na!

"Anong nilalaro mo?"

Siguro ay naramdaman na nila na hindi talaga kami makikipagusap kaya nagsiupan na lang sila sa mga bakante pang upuan. And sad to say, bakante ang tabi ko kaya naman may hampas lupang naupo na dito. Gusto ko sanang sawayin kaso ayoko namang magsalita. Paniguradong sunod sunod na ang pagiingay ko at makakasira yon sa plano namin.

"Woaw! What the hell! Kalaban mo na ang mga Slytherin! Grabe! Alam mo bang hindi pa din ako makalagpas sa kanila dahil sa galing nila! Wow!"

Sa hindi ko malamang kadihalanan ay bigla akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niya. Siya lang sa bahay na ito ang nakakaintindi sa larong ito!

"Talaga?! Alam mo bang puspusan pa bago ko sila maka match!" Sigaw ko habang tinuturo ang laptop ko. Hinarap ko pa ito at kitang kita dito ang paghanga. At for the first time, humanga din ako sa itsura niya.

"Kasisimula ko pa lang din kasi sa match na yan kaya hindi ko pa masyadong kapa." Sabi nito. Hinarap ko sa kaniya ang laptop ko at pinindot ang restart. Gusto ko naman na kahit papaano ay may kavibes ako pagdating sa computer dito. At mukhang magkakasundo kami nito sa bagay na iyon.

"Dali try mo!"

Namangha pa ako ng makita ko ang napakabilis niyang pagtipa sa keyboard. At partida, hindi pa siya nakatingin. It seems like, hobby niya ito.

"Oh fvck! Natalo pa din ako!"

Bigla naman akong natawa dahil dito. Seryosong seryoso kasi ang itsura niya. Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya bago siya turuan.

"Dapat kasi unahin mo yung tower ng kalaban, kahit bigyan mo lang ng damage para pag nakalapit na yung mga kalaban may alas ka pa." Nagtipa ako ng mabilis at pinakita sa kaniya kung papaano gawin ang tinuro ko, "Yan! Try mo ulit!"

-

"Shit! Panalo na ako!"

Sabay kaming napatalon ng makita namin ang resulta ng kanina pa niyang paglaban sa laro. At nakakatuwa dahil nagtulungan pa kami!

"Pwede naman magsaya ng walang yakapan, hindi ba?"

Tila nanigas naman ako ng mapagtanto ko ang itsura naming dalawa.

Nakapalibot ang braso niya sa beywang ko habang ang mga braso ko naman ay nakapalibot sa batok niya. Unti unti akong napatingin sa kaniya na ngayon ay mataman ding nakatitig sa akin.

And shit. I hate to admit this pero sobra na ang paghanga ko sa kaniya. Hindi lang dahil sa nakakasunod siya sa trip ko, pati na rin sa pagiging gwapo niya.

He has this strong jawline, deep ocean-blue eyes that if I keep my eyes on him I'll drown myself, and he has pointed nose which makes him more attractive, natural rosy cheeks at ang napakapula at mukhang napakalambot na labi.

Parang nagslow motion ang paligid ko dahil doon. At korni man pakinggan, I think I have a crush on him.

-

Jason's Point of View

Kanina ko pa talaga gustong matawa dahil sa pagiging uto uto nitong nagtuturo sa akin. Kanina kasi hindi sila namamansin kaya naman gumawa ako ng paraan para kausapin naman nila kami. And hell yeah, my tactic is successful! Akalain mong nauto ko siya na hindi ako marunong?

I'm not Jason Rivera for nothing. Hindi ako magmamay ari ng isa sa pinakamalaking Computer Inc. lung hindi ako magaling doon.

Kanina ko pa gustong tapusin ang laban sa match na to pero ayoko namang masira ang laro namin. Kailangan magmukha talaga akong seryoso sa pakikipaglaban para hindi siya magtaka. Kahit na napakadali lang naman talaga ng match play na to ay nagpapapatay ako.

And hell, this is totally hell. Napakasakit sa ego ko na matalo agad agad.

"Shit! Panalo na ako!" Sigaw ko ng natapos ko na ang laro.

Tumayo ako at napatalon papunta sa kaniya at niyakap. Mukhang hindi niya pa rin napagtatanto ang pwesto namin kaya sinagad ko na. Nakita ko sa peripheral vision ko ang mga kasama kong nakangisi. May kaniya kaniya kaming target at r.i.p sa babaeng kayakap ko ngayon dahil sa akin siya napunta.

"Pwede naman magsaya ng walang yakapan, hindi ba?" Nang marinig ko ang boses na iyon ay bigla akong kinilabutan. Pero hinding hindi ako padadaig.

Tinitigan ko ang babaeng ngayon ay pulang pula na ang mukha at masasabi kong maganda naman siya.

She has this square jawline na mas pinaganda pa ng nunal niya doon, ang matangos na ilong at mapupulang labi.

Typically, my type.

Pero hindi ako papatol sa kanila. Kahit lahat pa sila ay dyosa ang itsura.

"So, how many minutes do I still need to wait? I'll count one to three. If you still won't put away your freaking hands to Zy's waist, you'll say good bye to your arms... one."

"Two..."

Hindi ko na pinatapos pa si RR dahil sa titig nito ngayon sa akin. Pero agad din niyang inilipat sa babaeng kanina kong hawak na hanggang ngayon ay nakatulala pa din.

Is it my effect on her? Well, I won't blame her. Lahat naman ng babae ay ganiyan ang epekto sa akin.

***

Mysterious TwinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora