XXX

2.9K 67 0
                                    

Chapter 30: Naughty Jonas.

Yana's POV

Nakangiting naglalakad ako papuntang cafeteria. Ibibigay ko na yung gift ko sa kanya. Ano bang meron ngayon? Well, it's just our 2nd Monthsary. ^_____^ May date nga kami mamaya eh. Ano yung gift ko sa kanya? Bracelet na ako ang gumawa. Hm. Personalize. Hihi.

Mag dadalawang linggo narin mula ng makabalik ako. Nagulat  pa nga ako ng biglang magsorry sakin sila Kyle eh. Kasama niya pa si Elijah. Pareho silang nagsorry. Kundi pa ikukwento ni Shai ay di ko talaga maiintindihan.

Napangiti ako ng makita ko sila Jon. Nagmamadaling lumapit ako sa kanila. Pasimple lang para magulat ko sila. Pero mukhang ako ang nagulat sa pinag uusapan nila. "Kung nakita mo talaga si Shiela. Grabe, Tol! Ang sexy!" Sabi ni Louis.

"I told you to come with us, Bro. You should've seen her. Flat tummy, long legs, perfect behind and future!" Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni Jon. What the..

Nag iba ang mood ko. Humalukipkip ako at pinakinggan sila. "Nawala lang si Yana saglit umariba na yang mata mo." Natatawang panggagatong ni Ken. Aba't!

"Di naman masamang pumuri ng sexy ah? Saka—" pinutol ko na siya.

"Saka ano, Jonas Alejo?" Seryoso ang mukha at nakatingalang tanong ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya. Namutla naman yung tatlo.

"B-Baby! Kanina ka pa jan?" Kinakabahang tanong niya sakin. Naningkit ang mga mata ko.

"Oo. Tuloy mo na yung sinasabi mo. Saka ano?" Pag uulit ko. Namutla na ng tuluyan si Jonas.

"Ah.. Ano.. S-saka.." Tinaasan ko siya ng kilay ng di siya agad makasagot. Nang mainis ako sa kanya ay binato ko yung kahon na pinaglagyan ko ng bracelet sa mukha niya.

"Bwisit ka! WAG MO KONG KAKAUSAPIN! LAHAT KAYO!" Napanganga sila sa sinabi ko. Nagmamadaling naglakad ako papalayo sa kanila. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko dahil naiinis ako ng sobra. Dinededma ko narin pati ang mga matang nakasunod sakin. Sanay nako sa kanila dahil lagi akong trip ng hinayupak na yon. =_______=!

Naririnig ko ang mga pagtawa niya dahil sa inaakto ko. Lalo namang nag init ang ulo ko kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Kainis! ><

"Yana Baby! Hintayin mo naman ako!" Tawag niya uli sakin. Sumama lalo ang mukha sa tinawag niya sakin. Damn it. -_-

Napakurap ako ng bigla ay nasa harap ko na siya. Lalo akong nainis sa sobrang lawak ng pagkakangiti niya. Sinubukan kong lagpasan siya kaso sumasabay siya sakin. Para na kaming nagpapatintero. Nang di ko na matiis ay sinigawan ko siya. "Ano ba!? Umalis ka nga jan!" Kumunot lalo ang noo ko dahil pokus na pokus sila samin ni Jonas. Campus Sweetest Couple na nga ang turing samin dito eh.

Kumuyom ang mga kamao ko dahil di talaga siya umaalis. He just keep on blocking my way. And he's really pissing me big time. "Talk to me, Baby. Please? Sorry na." Panunuyo niya sakin. Kaso naiinis na talaga ako eh. Kaya bahala siya jan sa buhay niya. Halata ring nagpipigil siya ng tawa. Ramdam ko ang malapit ng pagtulo ng luha ko.

Napansin kong lumunok siya ng di ko na napigilan pa ang mga luha ko. "AYOKO NA SAYO! DON KA NA SA BABAENG YON! MAS MAGANDA AT MATANGKAD NAMAN YUN EH! SEXY PA!" Sigaw ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at humihikbing maglalakad na sana pabalik sa pinanggalingan namin ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Baby. *smiles* Wag ka ng magselos. Maganda na cute ka naman eh. Sexy ka din naman. Kulang ka lang sa height." Nanggigigil na siniko ko siya. Napaigik siya sa lakas non. Kundi ba naman.. Argh!

"Bwisit ka! Bitawan mo ko! Ayoko na sayo!" Parang batang reklamo ko.

Nagulat ako ng bigla siyang bumitaw sa yakap. At napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "Okay. Sabi mo eh." Kinabahan ako sa sinabi niya. Anong sinabi niya?

Mabilis na humarap ako sa kanya. Nang makitang maglalakad na siya palayo ay hinabol ko siya at hinila ang laylayan ng uniform niya.. "Yes, Ms. Yana Jay Lorenzo?" Pormal niyang tanong sakin na mas lalo kong ikinakaba.

"S-seryoso ka?" Nauutal kong tanong.

"Sabi mo ayaw mo na sakin. Edi okay." Seryosong sagot niya sakin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Does that mean that we're breaking up? No! That's not what I mean! Seryosong seryoso pa ang mukha niya na nakatitig sakin. Oo. Nakatitig diretso sa mata ko.

Di ko na pinigilan ang sarili ko at napaiyak na ako sa takot. Umiling iling ako para sabihin na ayaw ko non. Kinakain ako ng takot. "J-joke lang yun, B-Baby.. *sniff* B-binabawi ko na.." Bigla siyang ngumiti saka niyakap ako ng mahigpit.

"Wala ng bawian yan ah?" Hindi ko pinansin ang pag ngisi niya at pilit kong di pinansin ang pagkailang ng ilapit niya ang mukha sakin.

Sumisinghot singhot na tumango ako at tumingin sa iba ng di inililihis ang ayos ng mukha ko. "You're really cute, Baby. Ang babaw ng luha mo at napaka pikunin mo." Kumunot ang noo ko sa tono ng boses.

Sinamaan ko siya ng tingin ng maintindihan ko ang pinapahiwatig niya. "Wala ka talagang matinong alam na gawin?" Naiinis nanaman na tanong ko sa kanya.

"Meron." Seryosong sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang nag init ang pisngi ko ng maintindihan ko ang sinasabi niya. Natawa naman siya. "Jonas!" Saway ko sa kanya at nahihiyang nag iwas na ako ng mukha.

"I love you, Mrs. Alejo." Malambing na sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi kaya lalo akong nailang.

Namumulang nilingon ko siya at saka bumulong. "I-I love you too.."

"I can't hear it, Mahal." Lalo akong namula sa tinawag niya sakin at sa kahihiyan dahil nasusulyapan ko ang mga nanonood saming kinikilig na sa mga pinag gagagaqa niya sakin.

"Sabi ko I love you too.." Malakas na sagot ko na ikinangiti niya.

"May kulang." Ipinatong niya ang noo niya sa noo koo. My eyes widen and I immediately shook my head no. "Please?" He pleaded then pout. Temptation. T____T

Wala na akong nagawa dahil ang higpit ng pagkakayakap niya sakin. Mabilis ko naman siyang hinalikan sa labi. Napanguso ako ng mapansin ko ang nakakaloko niyang ngiti.

Inirapan ko siya at saka tinanggal ang pagkakapulupot ng mga braso niya sakin pero di niya ako pinakawalan. Sinimangutan ko siya. "Let go." Utos ko sa kanya. Pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya.

"I won't, Baby. Kiss muna." Demand niya. I pouted. Kiss nanaman!

"Ayaw na. Puro ka nalang kiss." Nakangusong nag iwas ako ng tingin. Bahala siya sa buhay niya jan. Lagi nalang siyang may kiss.

"Dali na, Baby." Pagpupumilit niya.

"Woy! Bawal PDA!" Napangiti ako ng sumulpot na sila Grey. Napanguso naman si Jon. Kaya mabilis ko nalang uli siyang hinalikan bago kumawala at tumakbo papalapit kela Grey.

Pagkalapit ay isa isa ko silang binatukan. Napa aray silang lahat. "Para saan yon?" Nakangusong tanong ni Louis.

Nginisian ko sila. "Para saan? Sa pagkukunsinti niyo kay Jonas. Gusto niyo isa pa? Di porket matatangkad kayo ay di ko na kayo papatulan." Inismiran ko sila. Pero tinawanan lang nila akong lahat. Nginitian ko lang sila ng matamis.

Napalingon ako kay Jon ng kalabitin niya ako. Napakurap ako ng makita kong may hawak siyang malaking teddy bear na kulay pink. Di agad ako nakareact kasi yun yung pinag iipunan ko. "Surprise, Baby?" Tumakbo ako papalapit sa kanya. Akap akap niya yung teddy bear.

Inabot ko kay Grey yung teddy bear saka ko tinalunan si Jon at niyakap ng mahigpit. "Thank you, Baby! Oh God!" Natatawang inakap niya rin ako. Hinalikan niya ko sa noo.

"Ayieeeeee!" Namula ako sa kantyaw ng mha estudyante. "Happy Monthsary, JoNa!" Natawa ako ng marinig yung JoNa. Pwedeng pwede noh? ^_______^

——————

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now