XI

3.7K 100 3
                                    

Chapter 11: The Kid Is Sick

Yana's POV

Ilang araw na ang lumipas. Linggo narin actually. Almost 3 weeks na simula nang umuwi ako. Iniiwasan ko sila maliban kay Kuya. But Kuya always look mad kaya nagugulat nalang kami bigla siyang sumisigaw. And that made as a gap. Umiyak pa nga ako one time.

Kinukulit ko si Kuya na samahan ako magpuntang mall. Niyayaya ko siya kasi namimiss ko na siya. Di na kasi ako masyadong nalabas ng room ko. Iniiwasan ko sila Mommy na di ko alam kung malungkot ba talaga.

"Kuya! Sige na kasi. I miss you and we don't do bonding anymore!" Dedma si Kuya at nakatitig sa laptop niya. Napakamot ako sa pisngi. Wala sila Mom ngayon kaya lumabas ako at inaaya si Kuya. "Kuyaaaa! Pleaseeee~ Let's date. *pout* Di na—" I was stop when he shouted. Pati yung maid nagulat dahil never akong sinigawan ni Kuya.

"SHUT UP AND STOP! I'M BUSY OKAY?!" napaatras ako sa mga tingin na ipinukol niya sakin. Naramdaman kong ilang segundo nalang ay iiyak nako. Ang bigat ng dibdib ko. Biglang napalitan ng guilt yung pagkainis niya kanina. "J-Jayna.. I didn't m-mean to–" di ko na siya pinatapos at bumalik ako sa kwarto't nagkulong.

Buong maghapon akong umiyak non. Di sana ako titigilan ni Kuya kung wala siyang meeting sa mahalagang investor. Ramdam ko ang sakit pag naaalala ko yun. Feeling ko ayaw narin sakin ni Kuya.

Napabuntong hininga ako ng makarinig ng katok. Si Kuya yan for sure. He was really guilty with what he did kaya mas marami na siyang time sakin ngayon. Dito siya naglalagi sa kwarto ko. Minsan ngang nagising ako ng madaling araw at nakitang nakatulog siya sa sofa.

"KUYA." Pag gising ko sa kanya dahil halata namang hindi siya kumportable sa pwesto niya. Umungol lang siya. I sighed. Tinanggal ko yung suit niya. Pati sapatos. Tapos pumunta akong kwarto niya at kumuha ng pantulog.

Bumalik ako ng kwarto at tinabi muna yung damit niya sa kama. Kumuha ako ng towelette at binasa iyon. Pinunasan ko si Kuya dahil mainit pag di nakapaglinis bago matulog. Nagising siya ng sinusuotan ko siya ng pajama. "Baby Sis." Bigla niyang sabi kasabay ng pag bangon.

Nasuot ko ng maayos yung pajama niya kaya inabot ko nalang yung damit. "You shouldn't sleep there. Bukod sa di ka kasya, di ka magiging kumportable sa posisyon mo. At di ka pa nagpalit ng damit." Saway ko sa kanya. Nakatitig lang siya sakin. I rolled my eyes. "Suotin mo na yan at matulog na tayo." Mabilis nga niyang sinuot yon.

Isinara ko yung pinto at nilock. Nagtatakang tinignan ako ni Kuya. "Sa kwarto nako–" pinahinto ko siya at umiling.

"You'll sleep here." Biglang nanubig ang mata niya. I know why. I missed him. Hinila ko siya sa kama at tinabi ang life size teddy bear ko. Tas nahiga nako sa kama. Naghihikab.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumabi siya at niyakap ako. Inaantok na napangiti ako at humanap ng kumportableng posisyon. "I'm sorry, Jayna." He's cuddling me. *smiles* That's how we sleep.

Tinapik ko lang siya sa pisngi at pumikit.

MAHIMBING ang naging tulog niya non kaya di siya nakapasok. Di pala siya nakakatulog ng maayos. Masama man ang pakiramdam na tumayo ako at huminto sa pag iinternet para pagbuksan niya.

"Ang—" napatulala siya sa itsura ko. Matamlay at namumungay ang mga mata. Maputla rin ang labi ko at mukhang hinang hina. "You're sick." Wika niya sabay salat sa noo ko. Nag aalalang tinignan niya ko. "Ang taas ng lagnat mo." Bumuntong hininga lang ako at sumandal sa kanya.

Nagmamadaling inalalayan niya ko pabalik sa kama. Hindi na siya nagsabi at mabilis na lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang cp ko ng tumunog iyon. Yung sa messenger.

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora