VIII

3.8K 89 4
                                    

Chapter 8: The Story.

Jonas' POV

Di nako tinigilan ng mga baliw nato sa nangyari kanina. How the heck that boxer get there?! Kahit kelan hindi ako bumibili ng ganung design! Aish! Nabawasan ang pagkalalake ko dun sa nadampot ni Yajie. Joseph. Damn that cousin of mine!

"Dude. Ayos lang yan. Tanggap ka pa rin namin. *laughs* Ayos lang kung mahilig ka sa carebares." At naghagalpakan sila ng tawa. Mga siraulo talaga!

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Kumurap ako ng kumurap. Nag iwas ako ng tingin. Kung ano anong iniisip ko. Napalingon ako kay Ken na sinipa yung paa ko at ngumuso na parang may tinuturo. Sumandal ako sa sandalan ng upuan. "Ang cute mo, Yana. *chuckles*" sabi ni Grey.

Tinignan ko naman si Yajie na namumula. Hanggang tuhod niya yung T-shirt ko. Halos umabot naman sa siko niya yung manggas ng T-shirt. Sa laki nun, nakalaylay yung isa sa balikat niya. Natawa ako sa itsura niya. "Mukha kang gusgusing bata. *laughs*" sumimangot si Yajie sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo! Malaki ka kasing tao kaya ganto to kaluwag. Akina nga yung bag ko." Inabot ko sa kanya yung bag na dala niya. May kinuha siya don na lalagyanan ng contact lens? Pinanood namin siyang tanggalin yung suot niyang contact lens.

Kaya pala iba kulay ng mata niya. Bluish gray kasi kulay ng mata niya. Pero minsan, dark brown na mukhang black. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya ng matapos siya. Tinitigan ko yung mata niya. Napatango ako habang nilalayo yung mukha ko. Dark brown. "Oy! Anong ginagawa mo, Jonas?" Nagkibit balikat lang ako kay Louis.

Tumayo ako at hinila si Yajie. "Punta na kayong Entertainment room. Hihiraman ko lang ng damit tong si Yajie." Di sila nakaanga ng lumabas na kami ng pinto at hinila ko siya pababa ng bahay. Napalingon ako sa pinto. "Mom! Dad!" Sabay silang napatingin sakin tapos kay Yajie na inosenteng tinititigan yung vase. Kita kong tumawa sila Mommy bago lumapit.

Hinayaan ko lang si Yajie na yumuko pa para makita yung sinisilip niya sa design ng vase. Natawa ako ng hahawakan niya yon. "Ehem." Mas lalo akong natawa ng dumiretso ng tayo si Yajie at nanlalaki ang mga mata nakatingin kela Mommy. Yumuko siya at pilit inaangat yung T-shirt pero salitan lang yon sa pagkakalaglag.

Umusog siya sa tabi ko. Napangiti nalang ako. "G-good evening po, T-Tita Lei. Sayo din po.."

Ngumiti si Daddy. "Tito Alex." Tumango tango si Yajie at hinawakan na yung T-shirt. May binulong si Mommy kay Dad. Tumango naman ito. "I see." Lumingon si Dad sa butler na nakatitig nanaman kay Yajie. -_- "Jorge." Tawag nito sa kanya.

Agad itong tumingin kay Dad. "Yes, Master?"

"Bukas. Gusto kong makita na maayos na ang suot ng batang ito. Hiraman niyo muna para komportable naman sa hapag kainan. And buy her clothes. It looks like she'll stay here for a long time." Tinignan ko si Yajie na nanlaki ang mata.

"Hala! Wag na po, Tito. Nakakahiya naman po. Papadala nalang ako kay Kuya ng damit ko." Nahihiyang pigil niya kay Dad. Di pa siya masyadong nagkukwento sakin tungkol sa buhay niya.

Kumunot ako ng may mapansin akong peklat sa balikat niya. "I insist, hija. *smiles* Nag dinner na ba kayo, anak?" Napalingon ako kay Dad.

Umiling ako. "Di pa ho. Kakain palang sana kami sa taas pagkatapos ko siya hiraman ng damit. The PJ they prepare are too long and big for her." Tumango sila.

"Butler. Tell the chef to add the food he prepare. We'll eat with them. Padating ang mga kapatid ni Jonas kaya damihan niya." Nagulat ako sa sinabi ni Dad.

"Yes, Master." At umalis na siya.

"You look like you don't want us here, son. *laughs* What's with the face?" Biro ni Mom sakin.

Sumimangot ako. "Of course not! Nabigla lang ako. Then talagang uuwi sila Ate at Kuya, Mom?!" Di makapaniwalang tanong ko. It's been a year since I last saw them eh.

"Yes. Now if you excuse us three. May ipapahiram ako sa magandang dilag na nasa tabi mo." Di nako nakaangal ng bigla nilang hilahin si Yajie. Nang mawala sila sa paningin ko ay nagmamadaling umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Dinedma ko nalang yung tatlo.

Yana's POV

Nakayuko ako habang naglalakad. Napapagitnaan kasi ako ng parents ni Jonas. Nahihiya ako. "Yana." Napapitpag ako ng magsalita si Tita Lei. Tiningala ko siya. "You know, I remember someone who looks exactly like you."

Nabuhayan ako sa narinig ko. Kaya di ko maiwasang macurious. "Sino po?" Di ko mapigilang tanong.

"I'm really wondering where did you inherit that kind of look. Inisip kong sa paglilihi. But it don't looks like that. The girl I'm talking about is my very nice best friend." Napatitig ako sa kanya. "Noong una kaming magkakilala, sa park yon. She's crying cause her father was mad at her again. I ask my parents if I can talk to her. Napansin pala nilang huminto ako non sa paglalaro at tinignan yung tinititigan ko."

Narating namin yung kwarto nila at nauna yung asawa niyang magbihis. The room was awesome. It's theme is silver and gold. Di naman masakit sa mata. Mabibighani ka lang talaga sa ganda. Iginaya niya ako sa walk-in closet nila. "Bakit naman po galit sa kaniya Papa niya?"

"Her mother die after giving birth to her. After we talked, nalaman kong schoolmate kami kahit mahirap siya. Scholar siya ng school. *smiles* Tulad mo, maliit lang siyang babae ng lumaki kami. But you know what? She's more popular in our campus before we graduated in high school. Kinupkop siya non nila Mommy dahil naawa siya sa kanya. Nung elementary kasi kami, lagi siyang pumupunta sa bahay na umiiyak. Maraming pasa sa katawan niya. And what's worst, her father molested her." Napasinghap ako dun sa huli niyang sinabi.

"Kawawa naman po pala siya." Komento ko.

May kinuha siyang damit tapos inabot yun sakin. "Our friendship grew stronger and was tested a lot of times. Pero 5 years after we graduated in college. She was raped by her boyfriend and his friends." Lumungkot yung mukha niya at aura. "She got pregnant. *sigh* That time, 2 months nakong nagdadalantao kay Jonas. I help her find those bastards. But we failed on catching them. At dahil mabait si Elaine, hinayaan nalang niya." May kinuha siyang picture at inabot sakin yon. "That was captured on her Baby's Christening." Napakurap ako at tinitigan yung buhat niyang Baby. "Nung 5th birthday ni Baby Angie, nakidnap siya. Halos mabaliw siya non dahil ang anak nalang niya ang pinagkukunan niya ng lakas ng loob. Bumalik ng sugatan yung anak niya. And I was so hurt when they just disappeared. The last thing I knew about them, is someone insist to get that child. And I never know where she is now."

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ako yung batang nasa picture at tinutukoy niya. "I'm sorry to hear about that, Tita. Siguro naman ho ay nasa mabuting kalagayan sila." Nginitian niya ako.

"It's okay. Wear this. This sleep wear is hers. Maybe kasya parin sayo. Alam mo naman siguro kung nasan ang room ni Jonas?" I just nod then smile.

"Yes po. Una na po ako ha? See you on the dining room po!" Bago ako makaalis ay may narinig akong binulong niya pero di ko naintindihan.

"I have this feeling that you're her daughter cause you inherit too many traits of her."

- - - - - - - - -

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin