XII

4.1K 97 6
                                    

Chapter 12: Surprise.

Jonas' POV

Nakalabas na kahapon si Yajie ng hospital. 3 days lang naman siya don. And we made sure na di siya mabibinat kaya sinabi ko agad kay Kiesha na bukas na siya pasimulain na sumama sa practice. Saka.. Sa pad na ng Kuya niya siya titira. Silang dalawa.

I rushed to my parents room soon as I got home. Halos magkandadapa ako sa pagmamadali. Ayos lang naman yung lumipas na araw ngayon. Actually, kinikilig ako. Hahaha! Hinayaan niya ko mag alalay sa kanya kahit magaling na siya. Tinatawanan nga lang niya ako eh. ><

"MOMMY LEIIIII!!" sigaw ko habang papasok sa kwarto nila. Dito na muna ako sa mansion nag istay. Ewan ko ba. Simula ng tuluyan kong makilala si Jayna–este Yajie eh dito nako madalas umuwi since nandito sila Mom.

"O, anak. What's wrong? Why ate you shouting?" Gulat na tanong ni Mom. Inangat ko ang kamay ko na nagsasabing saglit lang.

Natawa naman siya at inabutan ako ng bottled water. Ininom ko yon at tumayo ng diretso. Bigla namang lumabas si Dad mula sa CR. "Mom! Ano magandang ibigay sa babae?" Bigla kong tanong.

Biglang ngumiti ng malaki si Mommy. Mukhang alam na niya kung para kanino yung ibibigay kong gift. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. "A gift full of effort, Son." Napatitig ako sa kanya. "Or the thing that she really wanted to have." Napaisip ako bigla sa sinabi niya.

Lumapit sakin si Dad. "Or just a simple thing that is her favorite." Napatango tango naman ako. "Ano bang meron, anak?" Tanong ni Dad.

"Birthday na po kasi ni Yajie sa 2nd week ng susunod na Month. Gusto ko lang po na maaga ng prepare ang regalo ko para bibitbitin ko nalang." They chuckled. Mom mess my hair then pinch my cheek.

"My Baby is now really grown up. He's now courting a lovely girl and smiling so wide." Napasimangot ako sa tinawag niya sakin. Nakakabawas ng pagkalalake. >_<

"Eh Dad. I want to surprise her tomorrow. What do you think will make her smile? Pano niyo ba niligawan si Mommy dati?" Pag uusisa ko sa kanya.

"Mahirap, anak. *laughs* Pero I'm sure it will be all worth it. But, I suggest you. Use the old courting style. Sa kaso ni Yana, mas trip niya ang makaluma at maeffort na mga bagay. Pero kahit simple naman siguro yan ay ngingiti na ang batang iyon. Masyadong mababaw ang kaligayahan non eh." Tumawa sila ni Mommy. Napangiti lang naman ako. Are you confuse why they know? Simple. Gusto nila para sakin si Yajie. Ang cute daw namin. Hahaha!

"May naisip nako. THANK YOU, MOM! DAD!" Hinalikan ko sila sa pisngi at niyakap sila. Napailing nalang sila.

"You're welcome, Son. *smiles* Good luck sayo." Nag thumbs up lang ako kay Mommy at saka lumabas ng kwarto nila at dumiretso sa kwarto ko.

Pagkaupo ay agad ako tumawag sa tatlo. Group call kami. Magkakasunod naman nilang sinagot iyon. "Hello. Oh. Group call?" Natawa ako dahil sabay sabay silang nagsalita.

"Malamang." Pamimilosopo ko. "Anyway. I need your help, guys. May gusto akong gawin bukas. Isusurprise at pakikiligin ko ng sobra si Yajie. *chuckles* Are you all game?" Tanong ko.

"Yep." -Grey.

"Call ako jan, Pre! Nakakatuwa pa naman yun kiligin at matuwa. Haha." -Louis.

"Game ako syempre! That's our princess." -Ken.

Napangiti ako ng malapad. "Yes! Thank you! You're all the best!"

"So, what's the plan?" Tanong ni Grey.

Ngumisi ako at sinabi na sa kanila ang balak kong gawin bukas para sa surprise ko sa kanya. Tuwang tuwa naman sila dahil for the first time of my existence. Gagawin ko yung plano ko in front of our classmates.

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now