Prologue

11.7K 225 9
                                    

A/N: Special thanks to MaViErr for the Book Cover. ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Third Person's POV


Nagmamamadaling naglakad palayo si Yana kay Jonas sa sobrang pagkainis dito. Nanggigigil na 'di niya pinapansin ang pagtawag nito sa kanya at hindi pinapansin ang mga schoolmate nila na pinapanood sila. Nasanay na siya sa atensyon ng mga ito dahil sa laging eksena na ginagawa ng kasintahan niya.

Natatawa namang sinusundan lang ni Jonas ang girlfriend niyang napaka-pikon. Trip niya ito laging asarin dahil ang cute cute nito pag naiinis. Kundi kasi nakasimangot ay nakanguso ito at masama ang tingin sa kanya.

"Yana Baby! Hintayin mo naman ako!" Muli niyang pagtawag sa nobya na namumula ang mukha dahil mukhang sumobra na ang pang-aasar niya dito.

Nang hindi parin siya nito pinansin ay tinakbo na niya ang pagitan nila para maabutan ito. Madalas na ganito silang dalawa. Tinambalan silang sweetest couple sa campus dahil sa mga pakulo niya para masuyo ito sa tuwing napipikon niya ito.

Napangiti si Jonas ng maabutan ang nobya na lalong sumama ang tingin sa kanya dahil hinarang niya ang sarili sa daraanan nito. Mukha na silang nagpapatintero dahil sa tuwing susubukan nitong lagpasan siya ay agad niyang inihaharang ang sarili. "Ano ba?! Umalis ka nga riyan!"

Pinigilan niyang matawa ng mapansing naluluha na ito sa sobrang pagkainis sa kanya. Kulang nalang ay sapakin siya nito dahil nakakuyom ang mga kamao nito. Bakit nga ba napikon si Yana? Nagkunwari kasi siyang hindi ito napansin at pinuri puri ang campus queen bee nila. "Talk to me, Baby. Please? Sorry na." Masuyo niyang sabi rito.

Napalunok siya ng makitang tumulo na talaga ang luha nito. "AYOKO NA SAYO! DON KA NA SA BABAENG 'YON! MAS MAGANDA AT MATANGKAD NAMAN YUN EH! SEXY PA!" sigaw nito at saka tinalikuran siya nito. Tutungo sa ibang direksyon kaya agad niya itong niyakap mula sa likod.

"Baby," malambing na tawag niya rito na may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "Huwag ka ng magselos. Maganda na cute ka naman eh. Sexy ka din naman. Kulang ka nga lang sa height," Napaigik siya ng sikuhin siya nito.

"Bwisit ka! Bitiwan mo 'ko! Ayoko na sayo!" Parang batang reklamo nito.

Binitawan niya ito dahil masakit pag-iba ang natamaan nito kakapiglas. "Okay. Sabi mo eh," aniya na may pagtatapos sa tono. Ipinasok niya pa sa bulsa ang mga kamay at tumalikod nang huminto ito.

Dahan dahan siyang naglakad hanggang maramdaman niyang may humila sa laylayan ng suot niyang T-shirt. Nilingon niya ang nobya na sumisinghot singhot pa na nakayuko. "Yes, Ms. Yana Jay Lorenzo?" Pormal niyang tanong.

"S-seryoso ka?" Nauutal nitong tanong.

"Sabi mo ayaw mo na sa akin. Edi okay." Sagot niya, sinasalubong ang mga nitong nakatitig sa kaniya. Pilit tinatago ang mga ngiting gustong umukit sa labi niya.

Halos isang minuto silang nagtitigan hanggang sa tuluyan na nga itong maiyak. Kinagat niya ang dila niya. "J-joke lang yun, B-Baby.." sumisinghot na pagbawi nito sa mga binitawang salita. "B-binabawi ko na.." Hindi niya pinigilan ang mga ngiti niya at niyakap ito.

"Wala ng bawian yan ah?" Nginisian niya ito at nilapit ang mukha sa mukha nito.

Tumango ang dalaga at tumingin sa ibang direksyon nang hindi iniiba ang posisyon nang mukha. He chuckled on how the way she looked like. She's so damn cute! "You're really cute, Baby. Ang babaw ng luha mo at napaka pikunin mo," Sabi niya para ipahiwatig na inaasar niya lang ito.

Ang kaninang nakaka-aliw nitong tingin ay napalitan nang tila nakamamatay na tingin. "Wala ka talagang matinong alam na gawin?" Tanong nito sa kanya. Halata sa tono ang inis sa kalokohang ginawa ng kaniyang nobyo.

"Meron," Sagot niya.

Mukhang alam na nito ang tinutukoy niya kaya tumawa siya. Nanlalambing na inilubog niya ang mukha sa leeg nito. "Jonas!" Saway nito.

"I love you, Mrs. Alejo." malambing na wika niya sabay halik sa pisngi nito.

Namumulang nilingon siya nito at bumulong. "I-I love you too.."

"I can't hear it, Mahal." aniya na lalong ikinapula ng mukha nito.

"Sabi ko I love you too.." mas malakas na sagot nito kaya't ngumiti siya.

"May kulang," Isinandal niya ang noo sa noo nito. Nanlaki naman agad ang mga mata nito at sunod sunod na umiling. "Please?" Ngumuso siya.

Wala na itong nagawa dahil mahigpit ang pagkakayakap niya dito. Mabilis na hinalikan siya nito sa labi at saka ngumiti ng nakakaloko dahilan para humaba ang nguso nito.

------------


A/N: Hi! ^_^ First story ko about romance. Hehehe. Hope you'd like it. ;) Vote kayo ah? Mehehehe. :D

-Kii.

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now