XX

3.3K 71 3
                                    


Chapter 20: New Friends.

Jonas' POV

Masayang pinapanood ko si Yajie na nakikipag kwentuhan sa pamilya namin. Lahat kami nag eenjoy dahil parang batang nagkukwento siya. Pabida at nagmamalaki. Natatawa lang kami kapag ngumunguso siya na parang nagtatampo.

Hinihintay nalang namin yung dessert. "Ay naku, Tita! Dapat lagi kayong nadaan sa school!" Napakurap ako sa sinabi ni Yajie. Nginusuan ko siya. Ibubunyag ata nito yung mga kalokohan ko. ><

Tumingin sakin si Mommy. Tinaasan niya ko ng kilay. "Bakit, hija?" Tanong niya.

"Ang saya po kasi. Sikat na sikat po yung anak niyo. *pout* Kaya nga po may nang aaway din sakin. Masyado daw siyang pogi sakin! Aba! Akala mo naman naka angat na sa kagandahan ko." Napatawa kami ng bigla siyang umirap.

"Talaga, hija?" Natutuwang tanong sa kanya ni Mommy.

"Opo, Tita! Eto namang anak niyo, naipunan ata ng hangin ang ulo! Lakas mang asar. Pero alam mo, Tita? Nakakatuwa din kasama silang apat. *giggles* I have a personal clown!" Napahalakhak sila Mommy samantalang napasimangot ako.

"So clown na pala turing mo sakin ngayon?" Kunwaring nagtatampong sabi ko. Lagi tong may pang counter attack na lambing eh. Hahaha. At nakakatuwa yan maglambing. :D

"Hindi ah! Halos langgamin na kaya ako pag naglalambing ka. *blush* Lagi ka ngang nakakakuha ng kiss eh. Di naman ako talo kaso nawiwili ka. *pout* Naaadik ka na sa lips ko no?" Napangisi ako. At dahil katabi ko lang siya, umakbay ako sa kanya.

"Nakakaadik nga naman kasi, Baby. Pakiss nga." Nanlalaki ang mga mata na bigla niyang nilayo yung mukha niya sakin. Lalong namula yung mga pisngi niya. Hahaha!

"Isa! Tita oh!" Napatawa ako ng tawagin niya si Mommy.

"Naku. Sige lang. Pipikit kami." Pang aasar din niya na lalo pang ikinamula ni Yajie.

"Oo nga naman, Bunso. Pipikit nalang kami." Pagsakay pa ni Ate. Pigil na pigil ang mga tawa ko dahil mukha ng pulang mansanas si Yajie.

Tumango tango silang lahat bago pumikit kunwari. Nakangising tinignan ko si Yajie. "Oh ayan, Baby. Nakapikit na sila. Pakiss nako dali." Pang aasar ko.

"Ayaw. Mahiya ka nga, Jonas!" Nahihiyang pasigaw na bulong niya.

Ngumuso ako at nilapit pa ang mukha ko sa mukha niya. "Kiss mo nako dali. Isa lang." I tease her more. She's really cute when she's embarrassed. She's blushing.

"Jonas naman eh! Tigilan mo nga ko!" Nakanguso na niyang reklamo. Mabilis na hinalikan ko siya sa labi na kinagulat niya. Narinig ko namang nagsimulang tumawa sila Mom.

"Ang cute mo talaga, Baby. I love you. *grins*" impit na tumili sila Ate habang si Yajie ay nagkakamot ng pisngi.

"Oo na. I love you too." Kinikilig na tumili sila Mommy. Pasaway. Hahahaha!

Natapos ang dinner na yun na halos puro tawanan. Nakakatuwang nag enjoy sila Kuya. Masyado silang natutuwa sa ugali ni Yajie na isip bata. Haha.

Nauna na sila Mom sa kotse. Nagpapaalam ako kay Yana. "Thank you, Baby." Naglalambing niyang sabi habang nakayakap sa bewang ko.

Nakangiting sinuklay ko ang buhok niya. Lambot. "You're welcome, Baby." Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at niyakap. "I'll see you tomorrow." Tumango tango siya saka tumingkayad at hinalikan ako sa pisngi. That make me smile more.

"Ingat kayo ha?" I just wink at her and wave to her family.

- K I N A B U K A S A N -

Yana's POV

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now