X

4.1K 95 0
                                    

Chapter 10: Home.

Yana's POV

Ang higpit ng yakap ko sa teddy bear ko. Ang sarap sa pakiramdam kasi nakayakap din sakin. Ramdam ko yung init kahit na matigas. Init? Matigas? Agad agad akong napamulagat. Namula ako ng makitang pinapanood ako ni Jonas. Yeah. Di ako makatulog ng wala yung teddy bear ko. Nananaginip ako ng masama.

"Morning." Nakangiting sabi niya. Tumango lang ako at naghikab. Kinusot ko ang mata ko ng maramdamang inaantok pako.

Ramdam ko ang pagpikit muli ng mga mata ko. At nakatulog ako ulit. Maya maya ay nagising ang diwa ko at naririnig kong may nag uusap. Di ako dumidilat dahil nararamdaman kong hinahaplos ang buhok ko. I love the feeling of it.

"It's already 9. She should be awake already." Sabi ng kaboses ni Kuya.

"She cried again last night. Baka di agad nakatulog sa takot." Sabi naman ni Jon.

Natahimik sila ng gumalaw ako at niyakap ang nakaupo sa gilid ko na humahaplos sa buhok ko. I heard the first one chuckled. "Gusto niya talagang ginaganito siya. Kumportable at gustong may katabi o may yakap na stuff toy. Good thing di siya nailang sayo." Bango..

"Nagulat nga din ako, Kuya. Haha. Para siyang bata na walang pakealam kundi makatulog at kumportable siya sa ayos niya. Yesterday, when I woke up. Nasa ibabaw ko na siya. Haha. Nakasiksik pa ang mukha sa leeg ko. Hinanap ka nga niya ng gisingin uli ako eh."

Inunat ko yung katawan ko maliban sa kamay. "That's her favorite position. Basta gusto niyang siksik na siksik siya. *chuckles* This lil girl will wake up any time now." Si Kuya ata to eh.

Nagkusot ako ng mata pero di ko iyon iminulat. Umupo ako at naghikab. Mukhang pinapanood nila ako. Napanguso ako at sinilip yung niyakap ko. Si Kuya nga. Hila hila yung kumot na gumapang ako paupo sa kandungan niya. Ibinalot ko yung kumot hanggang balikat bago ako yumakap kay Kuya. "Ingay.." Inaantok kong bulong.

Natawa lang si Kuya. "Baby Doll. Time to get up." Aniya. Umiling lang ako at siniksik ang mukha ko sa leeg niya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya para di niya ako alisin. "Hays. Pasaway." Alam kong nakangiti na yan.

Naghikab ako at ngumiti malipas ang ilang minuto. Nawawala na antok ko. Nag unat ako ulit habang naghihikab. Kinusot kusot ko pareho ang mata ko bago dumilat at nilingon si Kuya. Ngumuso ako. Alam na niya yon.

Agad akong napangiti ng halikan niya ang ilong ko. Sunod ay ang magkabilang pisngi ko. "Morning. Let's go eat some breakfast." Tumango lang ako at nagpabuhat.

"Seriously? *laughs*" dinedma ko si Jon na di makapaniwala na nagpabuhat ako kay Kuya.

Nakapikit at nakasiksik muli ang mukha ko sa leeg niya. Nag uusap parin sila. "If you'll court this kid, you should work out more and get used to carrying things. Hilig niya iyon. Lalo na ang piggyback. Inaantok o naglalambing yan pag ganon."

Natawa si Jon sa sinabi ni Kuya. "Talaga? *laughs* Pano pag bigla siyang nangyakap, Kuya?"

Seryoso ba sila? Parang di ako nag eexist dito ah. "Sweet mood. Yakapin mo lang pabalik. Nagpapalambing yan pag ganun. Masyado kasing clingy ang isang to. Tignan mo. Hahaha!" Kinagat ko nga si Kuya. "Aw. Bad ka, Jayna." Ngumisi lang ako. Tulog pa utak ko.

Bigla akong napatalon pababa ng marinig ko ang boses ni Tita Lei. "Good Morning. *chuckles*" namula ako na ikinatawa lang nila. Napanguso ako ng tumawa sila.

"Good Morning din po, Tita. *smiles* Tapos na po kayo kumain?" Tanong ni Kuya. Tumango lang sa kanya ni Tita. "Sige ho. Kukunin ko na po tong batang to." Napalingon ako kay Kuya at lumayo.

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now