XXI

3.1K 65 3
                                    

Chapter 21: Acquaintance Party.

Yana's POV

Kasalukuyan akong nasa cafeteria kasama sila Shai at Des. Simula nung nangyari yung insidente last week ay di na nila ako iniiwang mag isa. Baka daw may sumunod sa yapak nung mga germs. Napailing ako sa term nila. Germs talaga eh noh?

"Ang tagal naman ng mga prinsipe mo, Ate Yana." Nakangusong reklamo ni Des. I giggled. Mga freshmen sila so they call me 'Ate'. But my attitude doesn't fit my age. *pout*

"Oo nga, Ate. Saka share mo naman sila. Wag mong solohin. *giggles* Kahit si Grey lang." Natawa ako sa hirit niya. Aba. Mga fans pala to nung apat.

"Sakin si Ken." Pinanood ko silang magpantasya dahil nakakatuwa silang tignan. Talagang kinikilig pa kasi eh. Haha!

"Yieee! Sana siya escort ko sa debut ko next year!" -Shairene.

"Me too. Pero si Kenny ko syempre ang escort ko. Kung pwede lang, papakasalan ko na siya kahit ngayon na! Eeehhhh!" Napahalakhak nako. The boys arrived. At nasa likod na nilang dalawa ngayon yung apat.

"Ate naman eh! Kanina mo pa kami tinatawan." Sabay nilang ngitngit. Nakatanga lang si Ken dahil malay niya bang ganun kaattract sa kanya si Desiree. May pet name pa siya. Ayiieeee!

Humagikgik ako tapos kumaway sa likod nila. "Papasok na yung langaw, Kenken." Biglang nanlaki yung mga mata nung dalawa tapos namula ang mga pisngi nila ng lumapit sakin si Jonas. Ngumuso ako. "Where did you go? Pareho tayo ng sched pero ako pa nauna. And our teachers are the same!" Nagtatampong reklamo ko.

Inakbayan niya lang ako saka hinalikan ako sa pisngi. "Inutusan lang kami. Sorry." Ngumiti na ako at sinandig ang ulo sa balikat niya. Gusto kong maglambing ngayon eh. Hihihi.

Pinanood kong tabihan nila Grey sila Shairene. Hindi ko mapigilan ang paghagikgik dahil pulang pula ang dalawa sa sobrang hiya. Halatang di nila inaasahan ang maling oras na pagdating nila. Si Louis naman ay nakasimangot dahil lonely siya. Hahaha!

Inakbayan ni Grey si Shai. "Osige. Pagbibigyan kita, Shai. I'll be your escort on your debut basta wag lang magbago ang isip mo." Grey said with his famous smile. Gwapo! Hihi.

"Mas gwapo ako jan, Baby." I giggled when Jon suddenly speak. Nabulong ko ata. Hahaha!

"Of course not!" Natakman bigla ni Shai ang bibig niya at lalong namula sa biglaan niyang pagsigaw. "Ahe. Ano.. Ahm.." Natawa kami sa reaksyon niya.

"Crush mo pala ako ah?" Hirit ni Grey.

"Kuya naman eh! >////////<" Ang cute ni Shai! *u*

Napalingon naman ako kela Kenken na sobrang lapit sa isa't isa. Nakangisi na si Ken. "Dali na. Ayaw mo ba yun? I'm going to court your, Dessy ko." Hindi maipinta ang mukha ni Des sa hirit ni Ken. Di alam kung o-oo o hindi. Hahaha!

"Sus! Di na dapat yan tinatanong, Brad. Halata namang 'oo' ang isasagot niyan." Nakangising wika ko. Magpapaka cupid ako. Hahaha! Yieee! GreShai and KenRee love team! <333

"Tuwang tuwa ka masyado jan." Singit ni Louis na inismiran ako. Natawa lang kami ni Jon sa kanya. Bitter ang Lolo niyo. *grins*

Matapos ang asaran ay naglunch na kami. Masaya ang naging kwentuhan namin dahil ngayon lang kami nagkasabay sabay. As in, kumpleto kami. ^_______^

Napahinto ang lahat ng biglang tumunog yung speaker. Mukhang may announcement.

ATTENTION, STUDENTS. AFTER 2 WEEKS, WE WILL HAVE OUR ACQUAINTANCE PARTY. ALTHOUGH LATE NA SIYA, DI PARIN NAMIN HAHAYAANG WALA TAYO NON THIS YEAR. THEME AND MOTIF OF THE PARTY ARE ALREADY POSTED ON THE BULLETIN BOARD. DANCE TROUPE MEMBERS, EXCUSE KAYO SA AFTERNOON CLASS NIYO. MEETING WILL BE HELD ON THE STUDIO. THAT'S ALL. THANK YOU. SEE YAH GUYS!

Natawa kami sa huli niyang sinabi. Kahit kelan talaga si Ate Kiesha. Pasaway.

Nilingon namin ni Jon sila Grey. Kasama naming tumayo si Ken. "Alright! Excuse tayo! Hahahaha!" Tuwang tuwang sigaw ni Ken.

"Masyado kang masaya jan." Nakataas ang kilay na sabi ni Louis.

"Ligtas ako sa recitation today. *smirk* Wala kong review eh." Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Kaya pala eh.

Napailing nalang si Grey sa kalokohan ni Kenken at tumayo na din. "Una na kami. Hahatid pa namin tong dalawang magandang dilag." Napangiti ako.

"Salamat sa oras, Ate Yana! See you later!" -Des.

"Shopping tayo minsan, Ate ah?" Tumango lang ako kay Shai at kinawayan sila. Kumaway lang din si Louis at sumabay sa tatlo. Tahimik nun. Bakit kaya?

"Tara na?" Napalingon ako kay Jon na kababalik lang at bitbit ang pinabili Kong Dutch Mill. Kinuha ko yung Dutch Mill bago kinawit yung braso ko sa braso niya.

Busy ako sa Dutch Mill habang naglalakad kami papuntang studio. Busy naman mag usap sila Jon. Napahinto ako ng may maramdaman akong nakatingin sakin. Nagpalinga linga ako. Wala akong nakitang nakatingin samin. Saka imposibleng may estudyante pa dahil nandito kami sa building na tapos na ang break time or lunch break.

"Baby? Something's wrong?" Napatingin ako kela Jon na pinapanood na pala ako. Umiling lang ako at ngumiti.

Nagkibit balikat naman sila saka kami tuluyan ng pumunta sa studio. Magkatabi kaming naupo sa sulok. Nang makumpleto kami ay nagsimula na si Ate Kiesha.

"So isa lang dance number namin sa A.P. Ang MOB na gagawin natin." Wow! Ang galing. "But before that. We have a new member. He's a transferee from F.U." napakunot ang noo ko.

Namutla ako ng pumasok yung lalake. No way!

- - - - - - - - - -

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDWhere stories live. Discover now