VII

4.1K 87 2
                                    

Chapter 7: Alejo Family Mansion

Yana's POV

Bago pa kami umalis ni Jonas ay humarap ako uli sa Mom niya. "Ahm.."

"Call me Tita Lei. *smiles* What is it?" Ang bait talaga ng Mom niya.

"Wag mo pong sabihin sa kanila kung nasaan ako, please? Kay Kuya lang, Tita. I can trust him with that." Pakiusap ko sa kanya. Nangyari na to dati. At sa condo ako ni Kuya nag stay nun. And he keep where I stay. Wala siyang sinabi kela Mom.

"Hm. Kung yan ang gusto mo, hija. I guess, they trust your brother that you're safe and sound. And you trust your brother to keep it a secret." Nag nod lang ako. "Sige na. Alis na kayo. I know they're looking for you. Use the private elevator, Son. Papasunurin ko nalang mga kaibigan mo don." Tumango lang si Jonas at inakay nako.

Tahimik lang ako sa buong durasyon. Simula pababa papuntang sasakyan at papuntang mansion nila. I still feel embarrassed. "Jon.." Tawag ko sa unang lalake na having kaibigan ko. Nakakahiya nga at nakita nila yun. I bet, they are the one who throw the party.

"Hmm?"

"Nasira ko yung party.." Out of the blue ay gusto ko nanamang maiyak. Just by thinking how mad they are. It hurts really bad.

"No, no. You didn't. That girl ruined it. Maraming nakakita sa ginawa niya sayo. At halos lahat ay expected yun dahil mukhang alam nila na sobrang iniingatan mo yang dress mo." Pagkocomfort niya sakin.

I shook my head. "N-no.. *sob* Dad's right.. I-I'm being a b-brat again.. *sob*" tinakpan ko yung mukha ko dahil nahihiya nako sa itsura ko. I look horrible.

"No. You're not, Yajie. Alam ng karamihan yon. Nabigla lang siguro parents mo."

"They're not my parents, Jonas. Pinaampon lang ako ng half sister ni Mommy sa kanila. Kaya mainit ulo nila sakin madalas." Natahimik ang sasakyan. Tanging makina lang ng kotse ang maririnig. Pati na ang mga hikbi ko. Ang alam nila ay inosente ako sa mga sikreto nila. But no, alam ko na lahat.

Pagkarating sa mansion nila ay di ko mapigilang mamangha. Labas palang ay nakakamangha na yung mga disenyo ng pader. Tapos marami kang makikitang halaman sa kabila ng nagtataasang bakod. Pagkapasok ng gate ay may kalayuan pa ang bahay. "Wow." Feeling ko nakalimutan ko yung problems ko sa ganda ng paligid. Punong puno ng halaman ang paligid. At di ka maliligaw kasi may pathway at ang gilid non ay may direksyon at halata yung pathway dahil sa halaman.

Hindi ko napigilan na gumapang papunta sa kabilang side para makakita lang ng isang tree house. Yung puno non ang pinakamalaki sa mga puno dito. Kahit gabi ay kita ko siya dahil sa mga ilaw. Napalingon ako sa harap ng lumiko kami, hawak ako ni Jon sa bewang dahil baka malaglag ako. My mouth flew open as I saw the fountain! Oh my! Its so.. "Yajie.. *chuckles* Andito na tayo." Napakurap ako ng marinig ko boses ni Jon. Agad na napabalik ako sa upuan ko ng mapansin ang ayos ko. Nag iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.

Pinagbuksan kami nung driver na natatawa sa reaksyon ko kaya napanguso ako. Napakamot sa pisngi kahihiyan. Ang careless ko talaga kahit kailan! ><

Napaangat ako ng tingin ng may magsalita. Lalake. Mga nasa 30+. "Good Evening, Young Master." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad ko siyang nilapitan at kinulbit. Nakayuko siya ng konti.

"Kuya.. Kuya.. Ikaw po ba butler nila?" Mukhang nagulat siya sakin kaya napatayo siya ng diretso.

Kumurap siya at nilingon si Jonas na tumatawa. "Ahm.. Yes, Mam." Sagot nito.

Napalingon ako kay Jon. "Wow! RK talaga!" Tumakbo ako palapit sa kanya. "Jonas! Pwede mo ko ilibot dito? Please, please, pleaseeeee?? Itour mo ko dito?" Inangat ni Jon yung kamay niya na parang may pinipigilan.

His Childish Girl; Her Bully Boy - COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum