Chapter twenty-three

12.6K 310 3
                                    

Pumunta ako sa lugar kung saan ako nakatira noon. Kung saan ko iniwan sina nanay, Aron at Angela. Pagbaba ko pa lang sa mamahaling kotseng sinakyan ko ay pinagtitinginan na agad ako ng mga tsismosa dito sa may looban.

May ibang tingin na humahanga meron namang nanghuhusga. Pero gaya ng dati kong ginagawa ay hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa bahay nina nanay.

Nasa may pintuan na ko ng bahay nang dumating ang landlady namin noon.

"Ang nanay mo ba ang hinahanap mo? Naku, matagal ng wala sila dyan. Matagal na silang umalis. " pagbibigay alam nya.

"Umalis po? Saan daw po nagpunta? "

"Aba'y malay ko. Nakita nalang namin isang araw na may sumundo sa nanay at mga kapatid mo. " paliwanag nya.

Nagtaka naman ako sa mga sinabi nya. Bakit may sumundo sa kanila? At sino ang mga ito.

Gusto ko pa sanang magtanong sa landlady namin tungkol kina nanay pero pinag-pepyestahan na ko kaya ay umalis nalang ako at umuwi na. Kailangan kong malaman kung nasaan sina nanay ngayon. Kailangan kong malaman ang lahat lahat upang maging panatag ang loob ko at para malinawan na rin ako sa mga nangyayari.

Pagdating ko sa bahay ay agad kung tinawagan si Lucia. Gusto kong itanong sa kanya kung alam ba nya kung nasaan sina nanay at kung sino ang mga sumundo sa kanila. Gusto kong malaman kung okay lang ba sila. Gusto kong malaman kung hindi ba galit si nanay sa akin.

"Pasensya ka na, Ana, hindi ko rin alam e. Hindi na kaya ako masyadong umuuwi dun sa lugar natin. Bakit hindi mo subukang tanungin si Luigi. Balita ko nakalaya na raw sya. " ani Lucia sa kabilang linya.

Nagpaalam na lamang ako sa kanya.

Sa pagbanggit palang nya sa pangalan ni Luigi biglang bumigat ang paghinga ko. Hindi ko alam na ganito na ang epekto ni Luigi sa akin. May takot na ko sa kanya dahil sa ginawa nya sa akin.

Pero kahit na ganoon kailangan ko pa rin syang harapan. Kailangan naming mag-usap upang malinaw na namin ang tungkol sa aming dalawa.

Umalis ulit ako agad pagkatapos kung tawagan si Lucia. Bumalik ako para makausap si Luigi. Pagdating ko pinagtitinginan na naman ako. Pero nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ko sa bahay nina Luigi.

Unang katok ko pa lang lumabas na agad sya. Napasinghap ako sa gulat kaya napaatras ako ng kaunti. Ganun din ang nakita ko sa mukha nya. Alam kong nagulat din sya ng makita ako.

"Anong kailangan mo? " malamig nyang tanong.

"U-Uhm... P-Pwede ba tayong mag-usap? "kinakabahan kong tanong.

"Nag-uusap na tayo, Ana. Ano pa bang klaseng pag-uusap ang gusto mo? "

"Luigi, alam kong galit ka sa 'kin pero please naman, kahit ngayon lang. Kailangan ko ng tulong mo tungkol kina nanay. Alam kung nasaan sila? " pagsusumamo ko sa kanya.

Nakita ko ang pagliwanag sa mukha ni Luigi. Nilakihan nya ang awang ng pinto, sakto lang para makapasok ako.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ang una kong napansin ay ang katahimikan. Gusto pa sanang magtanong kung nasaan ang nanay at ang kapatid nya ngunit mukhang labas na iyon sa pakay ko sa kanya.

"Gaya nga ng sabi ko kanina, alam mo ba kung nasaan sina nanay at ang mga kapatid ko? " pag-uumpisa ko.

"Hindi eksaktong sinabi ni Angela sa akin kung saan sila pupunta pero ang sabi lang nya ay titira sila sa bahay na binigay ng kaibigan ng nanay mo. Noong una nagtaka ako kung sinong kaibigan ang tinutukoy nya hanggang ngayon nagtataka pa rin ako. May sumundo kasi sa kanila dito. " litanya nya.

"Alam mo ba kung saan sila lumipat? "

"Ang sabi lang ni Angela sa akin malayo raw dito. Hindi nya sinabi ang address. "

Nanghihinayang akong napapikit sa aking mga mata.


"Pasensya ka na. Yung lang din ang alam ko. " aniya.

"Okay lang, Luigi. Salamat na r—" naputol ang pag-uusap namin ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa aking bag at agad na tinignan kung sino ang tumatawag. Agad na nag-appear ang name ni Damon. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

"Boyfriend mo? " nagulat ako kay Luigi kaya napindot ko ang reject.

Natataranta kong binalik ang phone sa bag ko.

"U-Uhm... It's just... Wala. Si Lucia lang. " nakita ko ang pagtango nya at umiwas ng tingin. Biglang namayani ang katahimikan sa aming dalawa ngayon ni Luigi. And it feels awkward.

"Uhm... Luigi, about sa nangyari noon. Alam k—"

"Alam kong kasalanan ko. I'm sorry, Ana. Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa 'yo. Nabulag ako sa galit at pagkamuhi. I'm really sorry, Ana. " paghihingi ng paumanhin ni Luigi.



I smiled and reached for his hand. "Naiintindihan ko. Napatawad na kita, Luigi. I'm just thinking for the years na pinagsamahan natin. Bestfriends pa rin naman tayo hindi ba? "


"Oo naman. "


____________

Hinatid ako ni Luigi sa aking sasakyan. Marami na namang mga tsismosa ang nanonood sa amin.


"H'wag mo ng pansinin ang mga 'yan. " aniya habang nakahawak sa pintuan ng aking sasakyan.



"Salamat ulit. Mauuna na ko. "paalam ko kay Luigi.




Nasa kalagitnaan ako ng byahe nang tumunog na naman ang phone ko. Kinuha ko ulit ito sa bag at sinagot.



"Where the hell are you, Ana? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Are you okay? " bungad agad ni Damon sa kabilang linya.



"I am fine, Damon. Don't worry. Atsaka pauwi na rin ako. "




"Okay. See you at the mansyon. Take care, okay. I love you. "


Parang huminto ang mundo ko sa huling sinabi ni Damon. He said 'I love you'. Yung salitang gusto kong marinig mula sa kanya. Parang may nagsiliparan sa tiyan ko dahil sa mga salitang iyon.


At ngayon may nakuha na ko sa sagot ko. Iyon lang pala ang hinahanap ko. Ang mga katagang iyon.



Damon loves me. He loves me.




____________


v(=∩_∩=)フ
d=(´▽`)=b
٩(●˙—˙●)۶L(*OεV*)E

SECRET LOVER [FINISHED]Where stories live. Discover now