Chapter twelve

13K 337 4
                                    


Mahigit isang linggo na ang lumipas mula nung aksidenteng nangyari sa bahay. At kumalat na rin sa buong barangay ang nangyari kaya halos kada labas ko may bulong-bulungan at pangdidiring tingin akong natatanggap. Tiniis ko nalang lahat kasi alam ko namang huhupa din ang tsismis na 'to,e. Hindi rin ito magtatagal.

Pero napapansin ko pati mga kapatid ko ay nag-iba na rin ang turing sa 'kin. Hindi man nila sabihin ay kitang-kita naman sa mga kilos nila at iyon ang nagpapasakit sa kalooban ko. T'wing gabi ako umiiyak para hindi nila makita at marinig ang mga hikbi ko.

At kada gising ko sa umaga namamagang mata ang bubungad sa kanila.

"Wow, sarap ulam natin ngayon, ah! Makakain ba yan na hindi kami nasusuka. " bungad agad ni Angela sa kusina.

Kagagaling lang niya sa eskwelahan. Ayokong patulan siya dahil alam kong masama ang loob niya sa 'kin. Ayokong ma-stress si nanay kaya ako nalang ang magpakumbaba.

"Haysst! Ayoko na nga lang kumain at nawalan na ko ng gana. " wika atsaka tumalikod.

Kusa namang pumatak ang luha sa mga mata ko. Ang sakit pala kapag kapamilya mo na ang huhusga sa 'yo. Masakit palang malaman na ang pinanghuhugutan mo ng lakas ay siyang tatalikod sa 'yo. Masakit isipin na sa sakripisyong ginawa mo sa kanila sila pa ang hindi marunong umunawa.

Nagulantang naman ang sistema ko nang may marinig ako na isang malakas na kalabog na nagmumula sa sala. Agad akong lumabas sa kusina at tinungo ang sala. Doon nakita ko si Angela na nasa sahig habang hawak hawak ang pisngi nito. Si nanay ay nasa tapat nito at nagpupuyos sa galit.

"N-Nay... "

"Wala kang karapatan na pakitunguhan ang ate mo ng ganyan, Angela. Hindi mo alam ang buong pangyayari kaya h'wag ka nalang makialam. Kung naniniwala ka sa mga sinasabi ng ibang tao, mabuti pa ay lumayas ka nalang. Umalis ka nalang dito! " galit na saad ni nanay kay Angela.

Dinaluhan ko si nanay para pakalmahin siya. Makakasama ito sa kalusugan ni nanay.

"Nay, tama na po. Bumalik na po kayo sa kwarto niyo at magpahinga. Ako na po ang bahala dito... "

Iginiya ko na sana si nanay sa loob ng kanyang silid nang magsalita si Angela.

"'Yan naman kayo nay, e. " aniya. Nilingon namin si ni nanay. Nakatayo na siya at bahagyang inayos ang kanyang uniporme. "Wala kayong ibang nakikita kundi ang babaeng 'yan, ni hindi nga natin kadugo 'yan, e. Tapos ngayon kakampihan niyo na naman siya kahit na may ebidensiya na na binenta niya ang sarili niya. Alam kong excuse niya lang tayo dahil sa kalandian niya. "

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dumapo ang palad ko sa pisngi niya dahilan para pumutok ang labi nito. Hindi ko maramdaman ang kamay ko na namanhid dahil sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya.

"Oo, hindi ninyo ako kadugo pero nagmamalasakit ako sa inyo. Kung wala ako, saan kaya kayo ngayon? Sa tingin mo may tutulong sa inyo? Sa tingin mo may magbibinta ng katawan para tulungan kayo? Wala, Angela... Ako lang. Ako lang kasi, ako lang ang nagmamalasakit sa inyo. Ako lang kasi, ako lang ang nagturing sa inyo na sarili kong pamilya. Pero kung kinakahiya mo ko dahil lang sa pagmamalasakit ko! Sige, aalis nalang ako para naman makabawas sa kahihiyan mo. "

Narinig ko ang pagtawag ni nanay sa akin pero hindi na ko lumingon pa. Ayokong makita si nanay na nasasaktan ng dahil sa 'kin. Paglabas ko ng bahay tinginan at bulong bulongan agad ang sumalubong sa 'kin. Pero wala na kong pakialam sa kanila at sa mga mapanghusga nilang tingin. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang umaagos ang luha sa 'king mga mata.

Kailan ba matatapos ang sakit? Kailan ba huhupa ang hapdi? Kung pwede lang sanang ibalik ang lahat sa dati ay ginawa ko na. Kung matalino lang sana ako gaya ng iba na nakaka-ibento ng time machine ay sana doon ko nalang nilaan ang oras ko sa paggawa para wala ng gulo. Pero hindi, e. Ordinaryong tao lang din ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman ko na may nakasunod sa 'kin. Pinalis ko ang luha ko na walang humpay sa kakaanggos. I clear my vision para makita kung meron ba talagang nakasunod sa 'kin pero bigo ako dahil wala akong makita.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Malapit na ko sa may labasan. Konti nalang at nasa main road na ko. Isang hakbang ang ginawa ko ng may biglang humawak sa magkabilang kong braso at marahas na sinandal ako sa simentadong pader harang.

"Ah. " napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman.

Napakurap kurap ako para makita ang lalaking pangahas na gumawa sa 'kin nito. Napabilog agad ang aking mata nang makilala ko si Luigi. Amoy alak ito at parang wala sa katinuan.

"Heh! Alam mo bang matagal ko ng pinangarap na mahawakan itong maganda mong katawan, huh! Alam mo bang gabi gabi kitang pinagpapantasyahan sa mga panaginip ko? " wika sabay pasada sa aking braso ng kanyang magaspang na mga kamay.

"Luigi, b-bitawan mo ako... " isang mahinang boses ang pinakawalan ko sapat lamang na marinig niya. Tahimik sa lugar na ito at medyo madilim pa.

"Ohw, wag mo nga akong daanin sa ganyan mo. Alam ko namang gusto mo rin itong ginagawa ko. " aniya sabay halik sa akin pero agad akong umiwas kaya ang magulo kong buhok ang nahilakan niya.

Isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa kanya na nagpahagolgul sa akin. "Putang... Alam mo bang pinangarap kong ako ang makauna sa 'yo, ha?! Pero binenta mo lang sa walang hiyang lalaki ang b*lat mo! " galit niyang sigaw.

Napapikit ako dahil sa takot. Kilala ko si Luigi dahil sabay na halos kaming lumaki pero ngayon ko lang siya nakita na ganito. Hindi ko halos maisip na magkakaganito siya.


Tumawa siya sa harapan ko na parang demonyo. Hinawi niya ang buhok kong nakatakip sa mukha ko. Hinanap niya ang dalawa kong kamay at marahas na tinaas malapit sa may ulo at ginapos iyon gamit ang sarili niyang mga kamay.



"L-Luigi, p-please... H-Huwag mo kong saktan. P-Pakawalan mo na ako, parang-awa mo na... " pagmamakaawa ko sa kanya.



Akala ko ay makikinig siya sa 'kin pero isang suntok ang natanggap ko sa aking sikmura dahilan para mawalan ako ng ulirat...




••••



"Dude, i think she's awake. " isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko.



Gusto ko sanang dumilat pero kay hirap ibuka ng aking mga mata. Sobrang bigat ng mga talukap ko. Gising ang buong diwa ko pero pinanatili ko munang pikit ang aking mga mata.




"Let her rest, man. Sobra ang inabot niya. Mabuti nalang at nakita mo siya kung hindi baka grabe pa ang inabot niya sa hayup na lalaking 'yun. " rinig kong wika ng isa pang lalaki.





Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero ramdam ko ang lambot ng aking hinihigaan. At hindi ko rin alam kung ilan ang kasama ko ngayon.




"Nakulong na ba ang lalaking 'yun? "




"Sigurado. Hindi papayagan nitong si Damon na makatakas ang gagong 'yun. "




So, andito rin pala si Damon. Pero paano? Ang natatandaan ko ay si Luigi...


Speaking of him... Agad akong napabangon sa pagkakahiga at agad na niyakap ang sarili. Namulat ko na rin ang mga mata ko. Pero kasabay ng pagmulat nito ay ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak sa aking mga mata...



"Hey! Your safe now... " he tried to touch me pero agad akong umilag.




"'Wag... " hindi ko alam ang nangyayari pero ayokong may lumalapit sa 'kin. Parang anytime ay sasaktan nila ako.




"Ana, it's okay... Hindi ka namin sasaktan. " wika nito at tumabi sa akin. "Hindi kita sasaktan... " aniya na nagpakalma sa 'kin.




Kusang humilig ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit. I find comfort in him - Damon.

SECRET LOVER [FINISHED]Where stories live. Discover now