Chapter four

15.2K 378 6
                                    

 

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Naabutan ko si Luigi na pinapakain na si nanay. Ang mga kapatid ko naman ay tahimik na kumain din sa hapag. Tahimik lamang sila pagdating ko. Tanging ang ingay na galing sa TV lang ang maririnig mo at ang tunog ng kutsara kapag tumama sa babasagin naming plato.

"Salamat, Luigi. " saad ko sa kanya tsaka kinuha ang plato na nasa kamay niya.

"Saan ka galing? " tanong niya.

"Sa kaibigan ko. 'Yong kasamahan namin sa restaurant. Bakit? "

"Wala naman. S-Sige, mauna na ko. " paalam niya.

Inilapag ko ang plato sa maliit na lamesang nasa harap ko at sinundan siya palabas. Nasa hamba siya ng pintuan nang huminto siya at lumingon sa 'kin.

"Hindi ka ba kakain muna? " tanong ko sa kanya.

"'Wag na, sa bahay nalang. "

"Salamat talaga, ha. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa kabaitan mo. "

"Ana, hindi naman ako humihingi ng kapalit, e. Sapat na sa 'kin na makita kang masaya at maayos na ang nanay mo. "

I extend my arms para mayakap siya. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya.

Pag-alis ni Luigi ay pinagpatuloy ko ang pagpapakain kay nanay. Pagkatapos ay pinainom ko na siya ng gamot at pinatulog. Ang mga kapatid ko ay nag-aaral habang ako naman ay nagliligpit ng kinainan namin kanina.

Kahit busy ang mga kamay ko ang utak ko ay nakafocus lang sa iisang pangyayari. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa amin kanina. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang bagay na iyon sa kanya. Siguro ay nadala lamang ako sa sitwasyon o sa mga halik niya na mapupusok. At aaminin kong nagustuhan ko ang mga nangyayari. Wala akong pinagsisihan doon.

"Ate! "

"Aayyyy! " nahulog ang basong hawak ko dahil sa gulat.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabasag ng baso.

"Bakit, Angela? May problema ba? " tanong ko sa kanya.

"Si Ate Lucia nasa labas. Hinahanap ka. " aniya.

Napabunga na lamang ako ng hangin. Akala ko kasi may nangyaring masama. Niligpit ko na muna ang basag na baso bago lumabas ng bahay. Doon ko nakita si Lucia na naghihintay habang naninigarilyo.

"Anong kailangan mo? " tanong ko sa kanya.

"Wala naman at nangungumusta lang. Ano? Tinawagan ka na ba ni Damon? "

Umupo muna kami sa mahabang silyang nasa gilid ng apartment namin.

"Oo. Tumawag siya kanina. Taxi pala ang negosyo niya, noh. "

"Sa opisina ka niya pumunta? " takang tanong niya.

"Oo. Doon niya kasi ako pinapunta, e. "

"Ah. " aniya sabay ngiting aso sa 'kin. "So, may nangyari na sa inyo? "

Inirapan ko siya at nahiyang ngumiti. "Wala. "

"Ano? Anong wala? " bagsak balikat niyang tanong.

"Walang nangyari sa 'min pero... " nahihiya akong sabihin sa kanya ang nangyari sa 'min kanina. Nahihiya akong ekwento.

"Pero? " naningkit na ang mata niya.

"Pero, i give him a blowjob. Ang sabi niya kasi ayaw niya kong galawin sa opisina niya. Kaya, 'yon lang ginawa namin. " hiya kong litanya sa kanya.

Natawa naman bigla si Lucia dahil sa sinabi ko. Nangunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon niya.

"Anong nakakatawa? "

Tumawa pa siya bago niya ko harapin at sagutin.

"Mas nauna pa niyang kantutin ang bibig mo kesa sa pempem mo. "sagot niya habang natatawa pa rin.

"Ewan ko sa 'yo. "

••••••••••'



     

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa resto. Pagdating na pagdating ko ay pumunta agad ako sa office ni sir Keejan. Wala kasi si Miss Karrie dahil nasa honeymoon pa siya ngayon. Kakakasal lang niya kay Sir Athos noong nakaraang linggo.

"Oh! Ana, anong kailangan mo? " tanong agad ni Sir Keejan sa 'kin pagpasok ko sa opisina niya.

"Magandang umaga po, sir. Uhm, babayaran ko lang po sana ang inutang ko po sa inyo. Hindi pa po nito mababayaran lahat pero sana po ay mabawasan man lang. " saad ko.

Tinitigan niya muna ako bago nagsalita.

"Sigurado ka ba diyan? Hindi ka ba nangangailangan ng pera ngayon? Okay lang naman sa 'min kung hindi ka pa makakabayad. Hindi ka naman namin sinisingil. "

"Pero po sir, sobra po kasi ito sa mga nabayad ko na po na utang at sa pagpapatingin ko kay nanay sa ospital. "

"Ganun ba. Pero kamusta naman ang nanay mo? Okay lang ba siya? "

"May gamot na po siyang iniinom ngayon at sana magtuloy tuloy na ang paggaling niya. "

"Sana nga. Pero are you sure about that? "

"Opo, sir. "

"Okay. Tatanggapin ko iyan. But I'm sure if Karrie is her won't accept that. Pero mapilit ka kaya kukunin ko nalang. Pero kung kailangan mo ulitng tulong don't hesitate to approach us, okay? "

"Opo, sir. Salamat po. Babalik na po ako sa trabaho. " paalam ko atsaka tumalikod na.

"Ana! "

Napahinto ako dahil sa pagtawag ni sir Keejan ulit sa 'kin.

"Po? "

"May mga bisita ako mamaya, mga kakilala ko sa college before. They're planning to invest in the resto, gusto ko sanang ikaw ang umasikaso sa kanila mamaya sa mga gusto nila. " aniya.

Ngumiti ako kay Sir Keejan at tumango. "Okay po, sir. Wala pong problema. "

''Thanks. "

Lumabas na ko sa opisina ni sir Keejan at nagtungo sa resto. Sinimulan ko na ang trabaho ko since may mga costumers na na nagsisidatingan.

Lumalapit ako sa mga customers ng bagong dating at sabay bigay sa menu. Naghahatid din ako ng mga orders nila kapag dumarating na. Ito lamang ang ginagawa ko buong araw. Hanggang sa tinawag ako ni sir Keejan mga bandang alas tres nang hapon. Sinabi niyang dumating na ang mga bisita niya.

"Nasa VIP room sila ngayon. Ihatid mo muna ito sa kanila. " utos ni sir atsaka binigay sa 'kin ang tray ng pagkain.

Nagtungo ako sa VIP room gaya ng utos ni sir Keejan. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakatalikod ako ngayon habang sinisirado ang pinto. Naririnig ko ang pag-uusap nila pero hindi ko naman naintindihan dahil puro negosyo lamang. Pero napahinto ako sa isang boses na pamilyar.

Kahit na bago lamang kaming magkakilala alam ko na ang boses niya. Dahan dahan akong lumingon sa kanila. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko siya.


Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?





  

 

______________

Comments and votes!

SECRET LOVER [FINISHED]Where stories live. Discover now