chapter nineteen

12.8K 336 3
                                    

Kailangan ko pang pigilan ang paghinga ko para maproseso lahat ng mga nangyayari. Si Damon ang hinihintay namin na apo ni Don Roman.

Wow!

Tadhana ikaw na talaga. Ang galing mo rin, e! Sa dami ba namang lalaking nabubuhay sa mundo bakit si Damon pa. Sya ang kahuli-hulihang taong gusto ko sanang makita pero bakit nauwi sa ganito.

At sya ba ang gustong ipakilala ni lolo sa 'kin? Wow lang talaga!

Nabalik ako sa huwisyo ng tanungin ako ni Don Roman na lolo ni Damon kung okay lang ba daw ako.

Tumango na lamang ako at binalik na lamang ang aking atensyon sa aking plato. Gusto ko sanang mawala nalang bigla dito para hindi ko na makita ang pagmumukha ni Damon.

"Good evening too, hijo. Have a seat. " alok ni lolo sa kanya.

Umupo naman sya katabi ang lolo nya. Bali magkaharap pa kami ngayon. Si lolo Franco kasi ang nasa gitna namin. Si Aunt Elaine sa kaliwa at si Don Franco ang nasa kanan ni lolo.

"Kamusta ka naman, Cyper? Matagal-tagal na rin 'di tayo nagkita. " tanong ni Aunt Elaine kay Damon ng maupo na ito.

Nararamdaman ko ang paninitig nya sa 'kin dahilan para mabalisa ang sistema ko. Bakit ba ganito ang epekto ng mokong na 'to sa 'kin. Minsan nakakainis na rin ah! Hindi man lang marunong pumili ng lugar kung saan pwedeng maging kalmado at hindi manginginig ang katawan ko sa presensya nya.

"Okay naman po ako, tita. I mean... Mas okay po ako ngayon. " aniya at nakatitig pa rin sa 'kin.

Dahan-dahan na lamang akong sumubo ng pagkain para naman magkalaman ang tyan ko. Ayokong magutom dahil sa kanya. Nasaktan na nga ako gugutumin pa nya ko. Swerte nya.

"Good to hear that, hijo. Well, how's the business? " si lolo Franco naman ngayon ang nagtatanong sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin. Hoping na sana hindi sa kanya tumingin ang mga mata ko. Pero traydor ang mga mata ko dahil sa kanya pa rin lumanding.

At nalunok ko ng buo ang nakain ko dahil sa nakikita ko sa kanya. Agad akong uminom ng tubig dahil sumasakit ang dibdib ko dahil sa chicken wings na bumara dito. Sana naman hindi ito ang ikamatay ko.

"Okay ka lang ba, hija? " tanong ni Don Roman sa 'kin habang umiinom ako ng tubig.

Tumango ako ng malapag ko na ang baso pagkatapos kong uminom.

"What happen, apo? " tanong ni lolo.

Naramdaman ko rin ang paghagod ni Aunt sa likod ko. Ngumiti ako ng tipid kay lolo at sinabing nalunol ko ng diretso ang kinain ko.

Tumawa ang dalawang matanda sa sinabi ko. Pati si Aunt Elaine ay marahan ding tumawa.

Namumula na ang mukha ko dahil sa reaksyon nila sa 'kin. At nahihiya ako sa kung ano ang naging reaksyon ni Damon. God! Bakit ba kasi gwapo nya. Ayan tuloy at nabulunan ako.

Kung gwapo sya noon mas gumwapo sya ngayon. Over man pakinggan pero iyon talaga ang totoo. Iyong malinis nyang mukha noon, iyong palaging well-shaved nyang mukha ngayon ay parang pinabayaan na nya. Tumubo na ang balbas nya. At mas naaatract ako sa kanya na ganito ang itsura nya. Paano kaya kung...

Shit!

Bakit ba naisip ko ang kahalayang ito. Umiling-iling nalang ako trying to erase my thoughts.

"Anyways, bakit hindi mo ipasyal si Damon, apo. " ani lolo pagkatapos naming kumain.

"P-po? " gulat kong tanong. Nanglaki pa ang mata ko.

Bakit kailangan pa syang ipasyal dito. I'm sure naman na nakapunta na sya dito sa mansyon ni lolo. At bakit ako pa ang inutusan e hindi ko pa nga kabisado ang pasikot-sikot dito.

"Tour him around. " gusto ko pa sanang tumutol ng tumayo na si Damon at nauna na sa 'king umalis.

Napaka-walang modo ko naman kung hindi ko iyon susundan gayung guest iyon ni lolo. Napipilitan man ay tumayo na lamang ako at nagpaalam sa kanila at agad na sinundan si Damon.

Saan naman kaya nagpunta ang isang iyon. Sinubukan ko syang hanapin ng may katulong na lumapit sa akin at sinabing nasa may garden si Damon.

Nagpasalamat ako dito bago ako lumabas papunta sa garden. Kung may nakabisado man ako dito sa mansyon ni lolo ay iyong garden lang. Dito ko mostly ginugugol ang oras ko sa buong araw.

Paglabas ko ay agad ko syang nakita na naninigarilyo. Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. Sa lahat pa na lugar dito pa talaga sa garden. Agad akong naglakad patungo sa kanya at inagaw ang sigarilyo nya.

"Pwede ba kung maninigarilyo ka 'wag dito sa garden. Ipupollute mo lang ang hangin dito, e. " sabi ko sabay tapak sa sigarilyo nya.

Hindi sya nagsalita at bigla na lamang hinaklit ang braso ko paharap sa kanya. At ang bilis ng mga nangyayari dahilan iyong labi nya ay nakadampi na sa mga labi ko.

It's just light kiss. Pagkatapos nun ay niyakap nya ko ng sobrang higpit. Gulat pa rin ako sa ginawa nya.

"I missed you. " bulong nya sabay halik sa ulo ko.

Parang natunaw ang puso ko dahil sa sinabi nya. Pero biglang sumagi sa isip ko na hindi ako pwedeng magpadali sa mga malalambing nyang mga salita. Galit akobsa kanya dahil manloloko at sinungaling sya.

I pushed him na nagpagulat sa kanya.

"Ana, anong problema? " tanong nya ng dumistansya ako sa kanya.

"Really? Tinatanong mo talaga 'yan? Wow, naman ang bilis mo naman atang makalimot. " sagot ko habang nakahalukipkip.

Lumapit sya sa 'kin at pilit nyang inaabot ang kamay ko pero mabilis akong lumayo sa kanya.

"I'm sorry, okay. Vanessa was just lying. She's obsessed with me. Pero ilang beses ko na rin syang linayuan. That time ay hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa unit ko. Pagbalik ko sya nalang ang naabutan ko. Pinakulong ko na sya ngayon kaya 'wag ka ng mag-alala. And about that fiancee thing hindi iyon totoo. Yes, itinakda akong ikasal sa isang babae pero nasisiguro kong hindi sa kanya." paliwanag nya.

Okay na sana e, maliban lang sa huli nyang sinabi.

SECRET LOVER [FINISHED]Where stories live. Discover now