Chapter eight

13.4K 306 2
                                    

"Bakit kailangan mong makipagkita?" tanong ni Damon pagdating na pagdating niya.

Hindi na muna ako nagsalita at kinuha ang sobrang pera na naitabi ko. Sobra iyon sa bayad niya sa 'kin. Inilapag ko iyon sa lamesa at dahan dahang kong inilapit sa kanya.

"What's that?"

"Natira sa bayad mo. Kunin mo ulit. Tapusin na natin 'to. Nakuha mo na ang gusto mo sa 'kin, tapos na rin ang problema ko. " wika ko atsaka tumayo. "Sana kung magkita man tayo ulit let's just pretend that we don't know each other."

Hindi ulit ako pumasok ngayon dahil gusto kong tapusin ang lahat ng 'to. Gusto ko munang ayusin ang problema ko para makapagsimula ulit. Akala ko madali lang ang pumasok sa trabahong 'to pero ang hirap pala. Ang hirap kung hindi naiintindihan ng mga taong nasa paligid mo.

Gusto ko lang naman tulungan ang pamilya ko. Pero pangako at hinding hindi na ko uulit sa trabahong iyon.

Pagdating ko sa bahay si nanay lang ang naabutan kong mag isang nanonood ng TV. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya sa gilid. Kung saan ako komportable.

"Nay, gusto ko po munang magpahinga. Ang hirap, e! Nakakapagod din. Pero nay, huwag po kayong mag-alala kahit na pagod na pagod na ko hinding hindi po ako susuko gumaling lang kayo. "kwento ko nanay.

Gusto ko kasing kwentuhan siya sa mga nangyayari sa 'ming magkakapatid. Gusto kong malaman niya ang masasayang nangyari para gumaling siya agad. Yun din kasi ang sabi ng doctor. Balikan ang masasayang panahon naming pamilya para may kakapitan siya.

"Ana... " napatingin ako kay nanay. Nagsalita siya!

"Nay?!" lumuhod ako sa harapan niya para makita ko ang mukha niya. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Nay, bakit po kayo umiiyak? May masakit po ba sa inyo? Nay?! " nag-aalala akong tumabi ulit sa kanya sa pag upo.

"Ana, s-sorry... " aniya habang umiiyak.

"Nay, okay lang po. Huwag po kayong mag-alala. Gusto niyo po bang magpahinga? " tanong ko kay nanay.

Nag aalala talaga ako sa pinakitang emosyon ni nanay ngayon. Bigla bigla nalang siyang umiiyak. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.

"Uminom po muna kayo... " binigay ko kay nanay ang tubig. Ininom naman niya agad. Kaya ngayon parang nahimasmasan na siya.

"Okay na po ba kayo?" tanong ko kay nanay. Tumango naman siya at may kinuha sa maliit na lamesang nasa gilid naman.

Isang long brown envelope. Ibinigay iyon ni nanay sa 'kin. Ako naman ay nagtataka dahil sa ginawa niya ay nakuha ko pa ring tanggapin ang binigay niya.

"Ano po 'to? " isang pagtataka kong tanong.

"Ang katotohanan. Anak, patawarin mo sana kami ng tatay mo dahil sa ginawa namin sa 'yo. Alam kong isang malaking kasalanan ang ginawa namin sa totoo mong magulang. Pero anak, tandaan mo kahit galit kami sa totoo mong mga magulang ay minahal ka namin ng totoo ng tatay roberto mo. Sana mapatawad mo kami anak. "litanya ni nanay.

Kahit hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari ay kusa na lamang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni nanay pero bigla na lamang bumigat ang puso ko.

⤵️⤵️

Iniwan ko si nanay na nasa salas at pumasok ako sa aking kwarto dala ang brown envelope na bigay ni niya. Nanginginig ang kamay ko habang dahan dahan na binubuksan ang envelope.

Live Birth, NSO, Birth Certificate at iba pang mahahalagang dokumento ang laman ng envelope. At lahat iyon ay nakapangalan sa iisang tao. Analise Myracle Sebastian...

Tinignan ko ang mga nakasulat, ang araw na pinanganak si Analise Myracle ay kapareho din kung kelan ang birthday ko. Ang pinagkaiba lang ay ang pangalan ng mga magulang na nakasulat dito.

Napatingala ako habang humihikbi. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Totoo ba ang lahat ng ito? Parang kailan lang ang iniisip ko ay ang kalagayan ni nanay. Dahil sa kagustuhan kong gumaling siya ay bininta ko ang katawan ko sa taong hindi ko kilala. Ngayon naman ito... Kailan ba matatapos ang surpresa sa buhay ko.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Ang isang araw na absent ay ginawa ko ng isang linggo dahil hindi ko pa kayang humarap sa sino man. Pinatay ko na rin ang phone ko dahil sa ingay nito. Damon was always calling. Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya. Tinapos ko na naman kung ano ang naging ugnayan namin.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng aking kwarto. It was Angela. Tinatawag ako para sa hapunan pero hindi ako sumagot hanggang sa umalis na lamang siya.

Nakatulog ako ng walang lamang ang tiyan. Kinabukasan ay maaga akong bumangon at lumabas ng bahay. May importante akong lalakarin. May importante akong pupuntahan.


Nakarating ako sa aking destinasyon na papasikat pa lamang ang araw. Agad akong pumasok sa loob ng simbahan at taimtim na nananalangin. I was praying na sana panaginip lamang ang lahat ng ito. Na sana may gumising sa akin at sasabihing bangungot lang ang lahat.


Hindi naman ako humiling ng labis. Sapat lang para sa pamilya ko pero bakit nagkaganito. Bakit umabot sa katotohanang ampon lang ako. Na meron pa akong ibang mga magulang na hindi nakikilala.


Hindi ko na napigilan ang hikbi na lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Uuwi ba ko sa kinagisnan kong pamilya at umakto na wala lang ang lahat o hahanapin ko ang totoo kong pamilya?


Ang hirap. Kung sana ay pwede nalang tumakas at 'wag harapin ang katotohanan. Kung sana ay pwedeng talikuran ang realidad. Pero hindi e, kailangan kung harapin ang lahat. At kailangan kong harapin na mag-isa.


Kaya naman sa paglabas ko ng simbahan ay buo ang desisyon ko. Kailangan umpisahan sa pinaka-una. Kay nanay...


Kailangan kong itanong sa kanya kung bakit at kung sino ang totoo kung mga magulang. Nang makauwi ako sa bahay ay tahimik ang buong paligid. Hindi pa siguro sila nagigising. Nagpunta na lamang ako sa kusina at maghahanda na sana ng agahan ng may makita akong dugo sa sahig.

Agad sumibol ang kaba sa aking dibdib ng makita ko si nanay na nakahandusay sa malamig na tiles at naliligo sa kanyang sariling dugo.

"Nanay... "




_____________

Advance merry christmas... Hindi ko alam kung makaka-update ba ko sa darating na araw. Pero susubukan for all of you. At pasensya na rin sa matagal na update.

So ito na, sana magustuhan niyo. Votes and comments nalng kayo. Love you guys... Mwaaahugsss!!!!

SECRET LOVER [FINISHED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin