Chapter seventeen

12.8K 353 4
                                    

"Kamusta ang pag-uusap nyo?" tanong ni Lucia pag-uwi ko sa bahay nya.

I shrugged before answering her question.

"Tinapos ko na."

Simple ko lang sagot sa kanya.

Pagod na kasi akong magtiwala sa kanya. Sa mga kasinungalingan nya.

"Pero bakit?"

"Ayoko na. Pagod na ko. Sarili ko na muna iisipin ko ngayon."

Sagot ko sa kanya at pumasok sa kwarto na nilaan nya sa 'kin simula nung dumating ako dito sa bahay nya.

Maghahanap siguro ako ng trabaho bukas para naman hindi na nakakahiya kay Lucia ang pagtira ko dito sa bahay nya.

Ang labo ng simula namin ni Damon at sa malabo din magtatapos. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa.

Siguro ang ugnayan lang namin ay yung naging costumer ko sya. At naging parte ako ng manandaliang aliw sa buhay nya.

Masakit isipin na sa konting panahon na napagsaluhan naming dalawa nahulog na ng tuluyan ang puso ko sa kanya.

At masakit ding isipin na hindi pa nga nagsisimula ang istorya namin ay natapos na agad.

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay ni Lucia. Ngayon ako magsisimulang maghanap ng trabaho.

Una kong pinuntahan ay isang fast food chain. I passed my resume at ang sabi nila tatawagan lang daw nila ako.

Mostly sa mga napapasukan ko iyon ang laging sinasabi. Na tatawagan lang daw ako.

Hindi ko na napansin ang oras. Kung hindi pa kumalam sikmura ko hindi ko mapapansin na mag-aalas dos na pala ng hapon.

My god! Ang dali namang tumakbo ng oras. Konti palang ang napupuntahan ko.

Kumain muna ako sa saglit sa isang karenderya. Iyon nalang kasi ang afford ko ngayon. Habang papatapos ako may biglang lumapit sa 'kin.

Sinusuri nya lang ako. Nagtaka ako at naiilang dahil pinagtitinginan na kami ng ibang costumers dito sa karenderya. Akala ko nga baliw sya kung hindi ko nakita ang mamahaling bag na nakasabit sa braso nya.

"Ikaw nga! Ikaw'ng ikaw nga! " wika nya. "After all dad was right. Your alive. "pagpapatuloy nya.

"I'm your auntie. I'm your mom's sister. Your biological mother." siwalat nya na kinagulat ko.

Nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Excuse po, baka po nagkakamali lang kayo. Hindi po ako ang tinutukoy nyo."

"Believe me ikaw ang matagal na naming hinahanap. Your Analise Myracle Sebastian."

Namilog ang mata ko dahil alam nya ang buo kong pangalan. Iyong nakasulat sa NSO certificate ko na binigay ni nanay.

"P-Paano m-mong... "

"I know 'cause your my niece. You are my blood. At kahit pa na hindi kami nag-hired ng mga PI alam kong makikilala kita agad agad. Kamukhang kamukha mo si Ate nung kabataan nya. Your chocolate eyes, your pointed nose. Your  innocent face. Just like hers." aniya at hinaplos ang aking mukha ng kanyang palad.

"Come with me. We'll go home. To the place we're you really belong."

I DON'T know what got into me na sumama sa kanya. Baka nagsisinungaling lang ito or something.

Baka myembro ito ng sindikato o ano. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali.

Halu halo ang naging emosyon. Takot na baka sindikato ang mga 'to, na-iintimidate sa katabi ko dahil sa sobrang class at sa Rolls Royce na sasakyang sinasakyan namin.

Kahit mahirap lang ako may alam din naman ako sa mga sasakyan dahil kay Mr.Google. This car is so much expensive.

Ganun siguro sila kayaman dahil afford nila ang ganitong sasakyan.

"We're here." pagbibigay alam ni Aunt Elaine nang malagpasan namin ang arko na may nakasulat na SEBASTIAN.

HINDI nga sya nagsisinungaling. Totoo nga lahat ang sinabi nya.

Pumasok kami sa isang malawak na lupain. Sobrang ganda ng paligid. Na kahit unang apak mo palang sa lugar hihilingin mo na wag ng umalis pa at dito na tumira.

"Your lolo preserve the beauty of the place. Nung buhay pa kasi ang mama mo sya ang namamahala sa lahat ng lugar dito. Beautiful and different flowers, green grass, tall trees. Your mom loves nature." pagbibigay alam na naman nya sa 'kin.

Sobrang manghang mangha ako sa lugar na halos hindi ko na namalayan na nakanganga na pala ako.

Kung hindi lang huminto ang sasakyan e hindi ko pa napansin na nasa harapan na kami ng malaking bahay.

"Dad is waiting for us." naramdaman ko ang paghagod ni Aunt Elaine sa likod ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.

Nakangiti sya sa 'kin at hindi ko maiwasan na mapangiti rin. Nakakahawa ang ngiti nya.

Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga naka-uniform na mga katulong.

Aunt Elaine asked them wheres his dad. May tinuro ang mga katulong sa taas at nagtungo kami roon.

Siguro mawawala ako dito kapag gumala ako. The whole place was extravagant. Nalulula ako dahil sa laki.

Even the furnitures were big. May portrait pa sa gitna. I think sya ang nanay at tatay nina Aunt Elaine.

Kahit may pakiramdam akong nanggaling na ko dito hindi pa rin mawala sa akin ang manibago.

Hindi ako sanay sa lahat. Calling him lolo or Aunt Helga was very new. It feela awkward.

Matagal na panahon akong nawalay sa kanila kaya hindi na ko sanay.

Binuksan ni Aunt Helga ang malaking pinto na nasa harapan namin.

Bumugad sa 'min ang malawak na silid na may maraming mga libro. Maybe this is a library or a study room.

"Dad, andito na po sya." tawag ni Aunt Elaine sa daddy nya. "Si Myracle."

Dahan dahang lumingon ang matanda. May tungkod sa kabilang kamay nya.

Hindi naman sya gaano katanda pero siguro nasanay sya na may laging dalang tungkod.

He slowly walked papunta sa 'kin. Nang malapit na sya sa akin doon ko nakita ang mumunting luha na nasa pisngi nya.

"Oh, Myracle. My precious little Myracle."

SECRET LOVER [FINISHED]Where stories live. Discover now