Chapter thirteen

13.2K 315 1
                                    

 

Dalawang araw ang lumipas ng makalabas ako sa ospital. Oo, dinala ako ni Damon sa ospital. Mabuti nalang at nakita niya ko habang sinikmuraan ako ni Luigi. He's there.

Ang hindi ko lang alam ay kung bakit nandun siya. At pano niya nalaman ang lugar namin gayo'y hindi paman siya nakapunta sa 'min.

"Magpapadala na lamang ako ng katulong dito para may makakasama ka at may mag-asikaso sa 'yo. Babalik na ko sa trabaho bukas at ayokong mag-isa ka lang dito. " saad ni Damon.

Nagtataka ako kung bakit niya ko dinala dito sa unit niya. Nagtataka ako kung bakit inaalagaan niya ko. Pwede naman niya kong iwan sa ospital pero bakit hindi? Ang daming tanong sa isip ko. At ngayon naman maglalagay sya ng katulong dito para may makasama ako. Bakit?

At ngayon magpapadala siya ng katulong para alagaan ako.

"Damon, okay lang ako dito. Maayos na naman ang pakiramdam ko." Sagot ko dito.

"Ayoko lang na mahirapan ka. " sabi niya habang papalapit sa 'kin.

"D-Damon? Bakit mo ginagawa sa 'akin 'to?" taka kong tanong.

Tinignan ko ko siya kung ano ang magiging reaksyon niya pero i can see a very calm image of Damon. Tila ba handa siya sa tanong kong ito.

"Days. Weeks passed, i have this strange feeling. Unnamed feeling towards you. Everyday i figured this out until the night i saw you being harrased. At doon ko napangalanan ang nararamdaman ko." hinanap niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit. "Ana, i think... I like you."


Isang linggo na ang nakalipas nang magtapat si Damon sa kanyang nararamdaman. Sa ilang araw kong pamamalagi dito sa puder niya ay masasabi kong napakamaasikaso niya. Matagal ng maayos ang pakiramdam ko pero hindi nawawala kay Damon na alagaan pa rin ako. Minsan nga nahihiya na ko sa kanya dahil ako pa 'tong nakikitira ako pa 'tong parang pabigat sa kanya.

"Ano na namang binubusangot mo dyan? Ang aga-aga Anak ha." Aniya habang nagluluto ng agahan namin.

"Pwede namang ako nalang ang magluto bakit kailangan mo pang magising ng maaga." Sambit ko.

I tried so hard na mauna sa kanyang magising pero everytime I attempt lagi rin namang akong palpak. Last day, nagising siya ng mga alas singko ng umaga kaya kinabukasan nag alarm ako ng 4:30 para ako na ang magluto para sa kanya pero it turns out na pinakialaman niya ang phone ko kaya nagising ako ng 5:30. Kaya paggising ko, tapos na tuloy siya. Nakaka-inis hindi ba.

"Ayan ka na naman,ha! Lagi nalang natin 'to pinagtatalunan. " aniya at lumapit sa 'kin. He spread my legs a bit wider at pumwesto siya sa pagitan ng mga hita ko. "Babe, let me serve you kahit sa umaga lang. Afternoon and evening your alone here. Kaya kahit ngayon lang, hmmm?" Aniya at hinalikan ako sa may ulo.


Bumalik na siya sa pagluluto at maya-maya pa ay nag-ayos na siya ng lamesa. Kahit pag-aayos ng lamesa at ayaw niya kong makialam. Sinasanay niya ko masyado sa kasweetan at sa pagka-caring niya. At natatakot ako. Dahil alam Kong masasanay at masasanay ako.



 
 
• • •

 
 
Nanunuod ako ng Tv sa sala ngayon. Ito lang ang lagi Kong ginagawa dito sa condo unit ni Damon. Kain, tulog, nuod ng Tv. Minsan nga kapag buryong buryo na ko ay naglilinis na ko ng buong unit niya. At nung nalaman naman niya na nilinis ko ang unit niya ay nagalit siya. Pinapagod ko daw ang sarili ko, may katulong naman daw.


Pero sinabi ko sa kanyang hindi ako sanay na walang ginagawa kaya nakiusap akong kahit maglinis lang ay gagawin ko. At napapayag ko naman sya.



At sa trabaho ko naman, nag-send na ko ng email kay sir Keejan at kay ma'am Karrie na mag-resign. Wala pa kong nakuhang sagot dahil siguro kapwa busy ang dalawa sa kanya-kanyang pamilya.



And speaking of family, miss na miss ko na si nanay. Si Angela at Aron. Kahit na nagkasagutan kami ni Angela nung huli ay di ko pa rin kayang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Mabait na bats si Angela, naging masama ang loob ng niya dahil sa mga nalaman niya.



Kamusta na kaya sila ngayon? Si nanay? Nakainom na kaya yun ng mga gamot niya? Miss na miss ko na talaga siya.



"Ma'am Ana, may bibilhin lang po ako sa baba. May ipapabili po ba kayo?"


"Uhm... wala po manang."



"Ah! Sige po. Mabilis lang po ako." Aniya at lumabas na ng unit.

Paglabas ng katulong meron agad akong naisip na ideya. Agad akong nagtungo sa loob ng kwarto at nagbihis. Dali-dali akong bumaba upang hindi ako makita ni manang. Nang matagumpay ang pagbaba ko ay pumura ako ng taxi at nagpahatid sa 'min.


Pagbaba ko pa lang ng taxi agad na pinagtitinginan ako ng mga tsismosa naming mga kapitbahay. Gaya ng ginagawa ko noon ay hindi ko na lamang sila pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.


"Hindi man lang naawa sa nanay at mga kapatid ni Luigi."

"Oo nga. Balita ko hindi hinayaang makapag-pyansa si Luigi dahil daw sa pagtataka sa buhay niya."



"Inakit lang niya naman si Luigi. Hindi naman napatunayan na ginagawa niya."


"Pokpok talaga. Hindi na naawa sa mga inosente. Salot..."



Inilabas ko na lamang ang mga salitang narinig ko mula sa kanila at nagpatuloy. Hindi ko kailangan magpaliwanag sa kanila. At wala akong dapat ipaliwanag sa kanila.



Isang hakbang na lang ang kailangan ay nasa tapat na ko ng pintuan namin nang harangin ako ng mama ni Luigi. Kita ko ang galit sa mukha niya at kita ko rin ang pagpipigil niya na ilabas iyon. May namumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.



"Ilang araw akong naghihintay dito sa pagbabalik mo,Ana. "Panimula niya at bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Please,Ana... maawa ka sa anak ko. 'Wag mo ng ituloy ang demanda sa kanya. Kailangan namin siya ng mga kapatid niya. Wala na kong maaasahan na iba kundi siya lang. Please... Ana... "


Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "Tumayo po kayo dyan. Alam ko pong may kasalanan din ako sa kanya dahil sa pagsisinungaling ko pero mali po ang ginawa niya sa 'kin. Sinaktan at pinagtangkaan niya po ang buhay ko."




"Dahil lang iyon sa galit at impluwensiya ng alak,Ana. Please... maawa ka sa anak ko. Maawa ka sa bestfriend mo, Ana. "


_____________

A year ender UPDATE. LOVELOTSS!!! ENJOY!

SECRET LOVER [FINISHED]Där berättelser lever. Upptäck nu