Chapter eighteen

12.6K 345 5
                                    

Si lolo at si Aunt Elaine ay dinala ako sa kwarto ni mama. Ngayon, biglang nag-iba ang lahat. Kung noong una ay naiilang akong tawagin silang lolo at Aunt ngayon ay mukhang nasanay na ko. Ilang linggo na rin akong nandito.

At sa ilang linggo kong pananatili dito ay wala akong ibang ginawa kundi ang magpakwento tungkol sa mga magulang ko.

"Aunt Elaine, bakit po naging Sebastian ang apelyedo ko gayo'y... "

Hindi ko na natapos ang aking tanong ng magsalita si lolo.

"Hindi naikasal ang mama at papa mo. "

Sagot nito. Napatingin naman ako kay Aunt Elaine na nakahawak sa kamay ko.

"Mala-Telenovela ang istorya ng pag-iibigan ng mama at papa mo. "

Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Anong ibig nyong sabihin? "

Tumabi sa pagkakaupo sa akin si Auntie.

"Aksidente lamang ang pagkakakilala ng mama at papa mo. Iyon kasing mga panahon na iyon kakahiwalay lang ng mama mo sa nobyo nya. Syempre nasaktan sya kaya nag-aliw ng sarili. Nagpunta sya sa isang bar at nalasing. Ang kwento ng papa mo kung sino sinong lalaki daw ang nilalapitan ng mama mo para maisayaw.

Hanggang sa lumapit ito sa kanya. Your papa knows your mama already. Noon pa lang daw ay crush na ng papa mo ang mama mo. Hindi nya lang sinabi dahil nahihiya sya. At alam mo bang ng gabing ding iyon ginawa ka? "sumilay ang pilyang ngiti ni Aunt Elaine. Napangiti na rin ako dahil sa sinabi nya.

"At nang sumapit ang umaga ay naiwan na lamang ang papa mong mag-isa sa kwarto. Umalis ang mama mo dahil sa kahihiyan. Nahihiya sya sa sarili nya dahil nagpadala sya sa kanyang damdamin ng mga panahong iyon. Pero alam mo ba kung ano ang nagpabago sa isip nya? " para akong batang nakikinig ng kwento sa teacher nya at sumasagot kapag may itatanong ito tungkol sa kwento nya.

"Noong nalaman nyang may anghel na nabubuhay sa loob nya. Hindi man nya alam ang gagawin sa mga panahong iyon dahil gulong-gulo ang isip nya nagiging matatag pa rin sya dahil dumating ka. You were three months that time nang nagkita ulit ang mama at papa mo. The rest of their story was history. 'Wag kang mag-alala may biniling journal ang mama mo para sa 'yo. Para mas malaman mo ang love story nila. "

Tumango tango na lamang ako at ngumiti. May mga bagay pa kong gustong malaman. Kung paano ako napunta kina nanay at tatay. At kung paano nawala ang mga magulang ko.

Napansin siguro ni Aunt Elaine ang naging reaksyon ko kaya ti-nap nya ang likod ko.

"Alam kong nagtataka ka sa mga pangyayari pero kailangan ay 'wag na muna nating biglain lahat. Ang importante ngayon ay ang nandito ka na. " saad ni Auntie at niyakap ako.

Bigla rin kaming naputol nang magsalita si lolo na kanina pa tahimik at nakatayo sa may balkonahe.

"Maghanda ka apo at may bisita tayong darating ngayon. Ipapakilala kita sa kumpadre ko at sa apo nya. " ani lolo at naglakad na sya palabas ng kwarto.

Napatingin ako kay Aunt Elaine. Ang mga tinging nagtatanong.

"Maghanda ka nalang. Your dress is ready. " ani Aunt at nauna ng lumabas sa 'kin.

Gusto ko pa sanang manatili dito sa kwarto ni mama pero kailangan ko na ring maghanda. Hindi naman gaano ka tagal ang paghahanda ko at lumabas na. Pagdating ko sa dining area si lolo palang ang naabutan ko. Masyado naman ata akong excited at nauna pa ko kay Aunt Elaine.

Humalik muna ako kay lolo bago umupo sa upuan ko.

"Andito na ang kumpadre ko maya-maya lang. Ang apo nya ay malalate ng kaunti dahil may inaasikaso sa opisina. " pagbibigay alam ni lolo sa 'kin.

Hindi naman gaanong istrikto si lolo. Makikita mo ito sa mukha nya. Napaka-calm lang ng aura nya. Hindi ka mapepresure kapag kasama mo sya. Ganun din si Aunt Elaine. Napapaisip tuloy ako kung ganun rin ba si mama noon.

Biglang naagaw ang atensyon namin ni lolo ng may pumasok sa dining area. Agad tumayo si at sinalubong ang kasing edad nyang matanda. Siguro ito na ang kumpadre nya. Tumayo na rin ako. Pagbibigay galang sa pagdating nya.

"This must be your grandchild, kumpadre. She's just like her mother. Hello, hija. " bati nya sa 'kin.

Yumuko na lamang ako at ngumiti dito. "Good evening, po. "


"I'm very much sure that my grandchild will like you. Your pretty. " aniya.



"I agree with you, kumpadre. By the way where is he? "


"Papunta na daw sya dito. "



"Ganun ba. O sya at maupo na tayo. " ani lolo.


Umupo na nga kami gaya ng sabi ni lolo. Uminom muna sila ng wine at nag-uusap tungkol ng kung anu-ano. Hindi naman ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila dahil kapwa silang dalawa lang ang may alam. Nagtaka naman ako kung bakit hindi pa kami kumakain gayung nakahanda na naman ang mga pagkain.


Sana pala hindi nalang akong maagang bumaba para hindi ako ma-torture ng ganito.


"Good evening Don Roman. " batin ni Aunt Elaine na kalalabas lang galing sa kusina at may dala-dalang bowl ng fried chicken wings.


Mas natakam naman ako dahil sa dala nya. Favorite ko kasi yan e. Pagkalapag ni Aunt Elaine sa dala nya ay lumapit sya sa tinawag nyang Don Roman at humalik dito bago bumalik dito sa tabi ko.


"It's been a long time. How's Cyper? " tanong ni Aunt at umupo na.


"He is good. Pero medyo may pagkasuwail lang minsan. Alam mo na. "



Nagtawanan na lamang sila at pagkaraay nag-aya ng kumain si lolo. Thanks God! Gutom na gutom na talaga ako pero hindi ko naman pinahalata na GG na ko.



"Here. " sabay abot ni Aunt sa 'kin nung dala nyang chicken wings. "Ni-request ni Dad na ipaluto dahil favorite mo daw. " ani Aunt.


Tumungin ako kay lolo at ngumiti ganun din ang ginawa nya.


"Thank you po, lo. Pero, paano nyo nalaman? " takang tanong ko dito.

"I just have my ways, apo. " sagot nito.



Nagsimula na kaming kumain ng may biglang pumasok. Kahit hindi ko tignan ay nakikita naman ng pehiperal view ko.



"Good evening, Don Franco. "


Napahinto ako sa aking pagsubo nang marinig ko ang boses nito. It can't be. Baka kaboses lang nya or something.


Binaba ko ang kutsarang hawak ko at tumingala.



Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaking maiging nakatingin din sa 'kin.

SECRET LOVER [FINISHED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα