Chapter two

18.4K 436 6
                                    

 

Buong byahe namin ay tahimik lamang. Seryoso siyang nagmamaneho habang ako naman ay sumusulyap sa kanya paminsan-minsan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang manibela. Halos mamuti na kanyang kamao dahil sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Gustuhin ko mang magtanong sa kanya ay hindi ko magawa dahil sa takot ko.

Gusto ko rin sanang malaman kung saan kami tutungo. Natatakot ako sa aura niya. Kahit gwapo siya ay natatakot pa rin ako at kinakabahan. Baka kung ano ang gawin niya sa 'kin. Baka saktan niya ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon sa totoo lang.

"Saan ka nakatira? "

Tanong niya na nagpabigla sa akin. Anong?!

"A-Anong sabi m-mo? "

"Saan ka nakatira? Ihahatid kita. " ulit niya.

"P-Pero... " hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya.

"I know. Pero ayokong makipagk@ntot sa 'yo na ganyan ang itsura mo. Look at yourself, kahit anong kapal ng make-up mo kita ko pa rin kung gaano ka putla ang itsura mo. Just give me your number. Tatawagan nalang kita. " paliwanag niya.

Napabaling na lamang ang aking tingin sa labas. So, hindi ko rin mababayaran ang utang ko dahil inayawan ako ng costumer ko. Napabuntong hininga na lamang ako at binigay na sa kanya ang aking cellphone number. Nagpahinto na rin lang ako sa isang mall.

Ayokong magpahatid sa bahay na ganito ang itsura ko. Kahit na gabi na alam kung may mga tambay pa rin sa may labasan. Ayokong pagpyestahan nila ako. At ayoko ring malaman nila na pumasok ako sa trabaho na tulad ng kay Lucia. Liliit ang tingin nila sa 'kin.

Sa parking lot pa siya huminto. Hindi ko alam kung bakit pero nakayuko akong tinanggal ang seatbelt ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse niya pero naka-lock ito.

"Salamat sa paghatid mo. Kailangan ko ng bumaba. "

Nakatalikod ako sa kanya. Nahihiya ako dahil sa sinabi niya kanina. Alam kong first time ko ang ganito pero parang na-insulto pa rin ako.

"Here. Take this. " may inabot siya sa 'kin na puting sobre.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya,kita ko pa rin dahil inabot niya sa gilid ko na sapat lang para makita ko.

Umayos ako ng pagkakaupo at kinuha ang inabot niya. Tinignan ko ang laman nito at laking gulat ko nang makita ang maraming pera. I don't know kung magkano pero sobrang dami.

Natutukso akong tanggapin pero para saan. Ni wala nga akong nagawa. Tapos hinatid niya pa 'ko.

"Para saan 'to? " tanong ko.

"Your payment. " simple niyang sagot.

"Payment? Ni wala nga akong nagawa. Hindi ko matatanggap 'to. " ibinalik ko ang sobre sa kanya.

Pero ni hindi niya rin tinignan ito at tuwid lang na nakatingin sa labas.

"That's my advance payment for your service. I'll call you one of these days and make it sure you're ready. Ayokong makipagtalik sa isang tuod. I like to explore in bed so dapat game ka. " aniya.

Seryoso niya kong tinignan. Wala akong nakita na kahit na anong emosyon sa kanyang mga mata. Pero sobrang awtoridad ang hatid ng boses niya.

"Sobra 'yang bayad ko sa 'yo. Pero kapag magaling ka, may malaking tip ka rin sa 'kin. "patuloy niya.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa sobre. Salita palang niya ay kinakabahan na ko. Pero wala na kong magagawa, kailangan na kailangan ko ang pera na 'to.

SECRET LOVER [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon