Chapter eleven

13.6K 315 5
                                    

[DAMON]

HINDI ko alam kung bakit sa lahat ng babae presensiya niya ang hinahanap ko. Hindi lang naman siya ang nagdaan sa 'kin. Pero meron akong kakaibang nararamdaman sa kanya. Isang pakiramdam na hindi ko matukoy. Hindi man kami nagsasama buong araw pero sa t'wing nagkikita kami sumisibol ang tuwa sa 'kin. Sumisigla ako kapag nakikita siya. At hindi ko alam kung normal pa ba itong nararamdaman ko.

"Dude, what's the real score between you and that... you know... the girl? Tanong ni Marco.

"There's nothing between us. It's purely sex. " wala sa sarili kong sagot.

"Yeah, sex. But your face speaks different... " James.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "What are you talking about? "

"Pare, fool someone but not us. We've been friends for what? Kilala ka na namin kaya alam namin na may someting na sa inyo nung babae. What's her name again? "

"Ana. "

"Yeah, Ana! "

"Pare, wala nga. Tinulungan ko lang siya at bilang kabayaran niya sa tulong ko she should submit her self to me. "

"Pero, ni minsan ba pare hindi mo naisip na makagusto sa kanya? Ikaw ang nakauna sa kanya kung iisipin. "

"Yeah, like i don't fuck virgins before. Dude, pang-ilan na ba siya na nakantot ko na birhen. Hindi ko na mabilang... "

"Oo, nga pero iba naman yun. Once na nakuha mo na ang gusto mo sa kanila, e hindi ka na nagpapakita pero with this girl you keep seeing her. Which is odd... "

"Mga pare, nanghingi siya ng tulong at bilang nagmamalasakit ay tinunulungan ko. I'm a handsome man with a heart. "

Nagsitawanan ang dalawa kong gagong mga kaibigan.

"Heart my ass. "

• • •


Nag-iimpaki na kami ngayon para sa paglabas ni nanay. Simula nung nagkamalay si nanay malimit na naman siyang magsalita.

"Ate, si Lucia laging pumupunta sa bahay hinahanap ka. " ani Aron.

Napalingon ako sa gawi ni Luigi. Kahit nakatalikod siya sa 'kin kita ko ang pag-igting ng panga niya.

"H-Ha? Uhm, bakit daw ba niya ko hinahanap? "

"Di rin naman alam, hindi naman niya sinabi, e. " wika nito at nagpatuloy sa ginagawa.

Ano na naman kaya ang kailangan ni Lucia.

Naging maayos naman ang byahe namin pauwi. Pinasakay lang kami ni Luigi ng taxi dahil may pasok pa siya sa trabaho. Naging iba na ang turing ni Luigi sa 'kin simula nung gabing pumunta ako kay Damon at humingi ng tulong.

Hindi ba dapat ako ang may karapatang magalit dahil sa panghuhusga niya sa 'kin, e bakit ngayon ako pa ang lumabas na masama. Oo nga at bininta ko ang katawan ko, para rin naman kay nanay yun, a. Hindi ko naman bininta ang katawan ko dahil gusto ko. Dahil sa tingin masarap ang sumiping sa ibang lalaking hindi mo kilala.

"Andyan na pala kayo, Ana. Kamusta na ang nanay mo? " salubong ng mga kapitbahay namin na walang ibang ginawa kundi ang mag-tsismisan buong araw.

SECRET LOVER [FINISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora