Chapter Twenty-Seven- Saved

En başından başla
                                    

"Gusto lang po namin kayong paalalahanan na nasa loob ng mansyon ang isang kalaban."

"Okay. I'll help, but first, get the hell out of my room before I cut your freaking head."

Sunod sunod na yabag ang narinig ko bago ang pagsarado ng pinto. Mukhang umalis na nga sila. Pero hindi ko pa sigurado kung makakaalis ako dito. Maaaring patibong lang ito o palabas.

I'll never trust that easy again. He might do the same like Rovanno did.

"May alam akong pwede mong labasan sa impyerno na to."


-

Rhinna's Point of View

"Magpahinga na muna kayo sa mga silid ninyo bago kayo kumain. May pangalan naman sa pintuan ninyo kaya agad niyong malalaman kung saan kayo matutulog."

Nginitian ko ng tipid si Lola Jeda ng matapos na siyang magbilin sa amin. Siya ang naging caretaker ng bahay na to simula ng malipat ako sa Dimond University. Hindi ko na din kasi ito masyadong napupuntahan dahil sa mas marami akong kailangan tapusin sa maynila kaysa dito.

At masyado din akong nasusuffocate sa lugar na to.

Ito kasi ang madalas na pagbakasyonan namin noon. Sariwa ang hangin at malayo sa tao kaya naman masarap sa pakiramdam. Pero nang dahil doon ay hindi ko na ito napupuntahan dahil hindi ko maatim na tirhan ang bahay kung saan napakasayang mga alaala ang bumabalik sa akin.

I don't want to be sad anymore.

"Maraming salamat po Lola Jeda, mauna na po kami." Paalam nila Lj sa matanda. Hindi na muna ako sumunod dahil sa mga kasama pa namin.

Dalawa na lang ang sobrang kwarto at napakaimposible namang magkasya silang katorse doon. Kahit naman papaano ay may awa ako pagdating sa ganitong bagay.

Nilapitan ko ang lalaking kaninang kinakapitan ni Chris at kinalabit.

"You're Jan, right?" Tumango lang ito bilang sagot.

"Stay at Chris' room. Masyadong crowded kung sa dalawang room lang kayo magsisiksikan." Sabi ko bago ito tinalikuran. Nakarinig naman ako ng hagikgikan mula sa mga kaibigan niya. Akala siguro ay hindi ko narinig, "But, sleep on the floor. Pagnalaman kong magkatabi kayong natulog, bukas na bukas din ay wala ka ng ulo. Go."

Nakita ko pang napanganga ang mga kasamahan niya bago siya sumunod. Tss.

"How about us? Sa dalawang kwarto talaga kami magkakasya?"

Tinitigan ko ng matagal ang kasamahan nilang malanding hudyo bago ngumisi.

"Then, stay at Jell's room. Maluwag don."

Aangal pa dapat ito nang mismong mga kaibigan niya na rin ang nagtulak sa kaniya paakyat.

I know there's something between them. Nakita ko kasi itong naguusap noong kapapasok ko pa lang ulit ng school. At mukhang hindi sila magkasundo. And that is the something I smell.

"So anim anim kami sa isang room?" Tanong ng isa pa.

"If you want, pakiusapan niyo ang ibang girls na sa kanila kayo makikitulog. Pag pumayag, then go. Pag hindi, sad to say, magsisiksikan talaga kayo." Sabi ko bago naglakad paalis. Kailangan ko pang icheck ang basement kung nandoon pa ang mga kagamitan ko.

"Wait, RR."

Napatigil ako sa paglalakad ng pigilan ako ng prinsipe ng mga epal habang hawak ang braso ko.

Remind me to take a bath hundred times later.

"Hands off." Madiin kong sabi bago siya hinarap. Marahan pa akong napasinghap ng mapagtanto ko ang lapit namin sa isa't isa.

Mukhang pati ito ay nagulat din dahil agad din itong lumayo sa akin. Good for him, dahil nahanda ko na ang tuhod kong manipa ng kinabukasan.

"C-can I sleep to your room? Promise, hindi ako gagalaw ng kahit ano."

Kusa namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Siguro noong umulan ng kakapalan ng mukha ay buong puso siyang sumalo.

Sakop lahat eh.

"And do you think papayag ako?"

"Uhm, maybe. But--"

"No buts. Hindi ako nagpaptulog ng kahit sinong lalaki malapit sa akin. So, get lost."

Inirapan ko muna ito bago tinalikuran pero narinig ko pa itong nagsalita.

"That's good. Sleep well."

Lumingon ako sa pwesto nito pero wala na akong natagpuan na tao roon. Ni hindi ko man lang napansin na umalis na siya.


"Who are you?" I whisper.

-

Mysterious TwinHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin