Thirtieth Teardrop

Comincia dall'inizio
                                    

Pinanliitan ko siya ng mata. Bwiset, Drew. Ang ganda ng gising ko ngayon, 'wag mong sirain! Sasakalin talaga kita!

"H-hindi, no!" Sabi ko at tumayo na ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos manlumo ako sa nakita ko. May tuyong panis na laway ako sa kaliwang parte ng labi ko. Pababa ito hanggang baba. Putek, binaha ba ang bibig ko kagabi habang natutulog ako?

May muta rin ako. Parehas na mata. Tinakpan ko ang mukha ko at lumabas ako ng kwarto. Bigla naman akong hinawakan ni Drew sa bewang. He hugged me from the back.

"Nasabi ko na sa'yo 'to, Nate. No matter how gross you seem, you'll always look presentable." Sabi nya.

Natigilan ako. Naalala ko 'yung sinabi nya sa akin noon.

Kahit magsuot ka ng sira-sirang damit, you'll always look presentable.

Drew. Mukhang ikaw pa ang tutunaw sa mahina kong puso.

"S-sinasabi mo ba na ang gross kong tingnan ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot nya at saka sya tumawa.

Putek. Inirapan ko sya at pumunta na ako ng banyo. Naghilamos ako ng bongga at napatingin ako sa salamin.

Na-miss ko siya. Na-miss ko ang tawa nya. Ang ngiti nya, ang tingin nya sa akin -- na-miss ko nang sobra. Na-miss ko ang dating Drew.

And somehow, I'm glad that he's back.

I sigh. It's all worth the pain and tears.

~*~

"Anak, may pupuntahan pa daw kayo ni Drew. Umuna na kayo. Susunod na lang kami ng mga kapatid mo." Sabi ni nanay.

Napatingin naman ako kay Drew. Nginitian lang nya ako. Ano na namang balak nito?

"Sige nay." Sabi ko at niyakap ko siya.

"Anak, masaya ako para sa'yo." Sabi ni nanay sa akin.

"Salamat, nay." Sabi ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at humiwalay na ako sa yakap nya.

"Oh bro, ingatan mo si bakla ha. Yari ka sakin kapag nawala 'yan," sabi ni kuya Mac.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Nawala talaga?"

Drew chuckled, "I will, I will."

Hinawakan na ni Drew ang kamay ko at sumakay kami sa kanyang kotse. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko, sabi niya pagkatapos daw niya akong dalhin sa kung saan ay didiretso na kami sa sementeryo kung saan nakalibing ang aking tatay.

Tumigil kami sa tapat ng bahay nila na ikinataka ko.

"May kukunin lang ako saglit," sabi nya.

"T-teka, sama ako!" Bumaba kami ng kotse ni Drew at pumasok na kami sa bahay nila.

Pagkapasok na pagkapasok namin papunta sa kanilang sala, unang bumungad sa amin ang kanyang kuya na si Dandrev. Nakaformal suit ito and yes, like Drew, he looks so stunningly gorgeous.

"Napabalik ka?" Tanong nito kay Drew.

"May nakalimutan lang ako." Tumingin sa akin si Drew, "Upo ka muna, hintayin mo na lang ako." Sabi nya.

Pain ☑️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora