"OA naman nito. Makasigaw talaga?" napasimangot ako kay Aj. Hinawakan nya rin noo ni Alexa. "Kaya pala nanghihina ka. Akala ko talaga inaantok ka lang, ayun pala ay nilalagnat ka na." sabi nya.

"Kayong tatlo bakit kayo tumigil?" napatingin kami ni Aj kay Ate Ali na nagjo-jog na hindi umaalis sa pwesto. Doon ako napahanga dahil hindi sya tumitigil sa pagjogging na pwede naman nyang gawin dahil wala sila Ate Ella.

"Si Alexa po kasi may lagnat." sabi ni Aj. Tumingin si Ate Ali kay Alexa. Nilapitan nya ito at hinawakan din sa noo.

"May lagnat nga sya. Bakit hindi nya sinabi? lalo syang magkakasakit nyan." sabi nya. Tumigil na rin sya sa pag-jog at tinignan ang relo nya tsaka nagpipindot. Akala ko LED watch lang 'yon, ayun pala smartwatch na pala.

Bigla akong napakapit kay Alexa ng maayos nung bigla syang nawalan ng malay. Lumapit sakin si Aj para tulungan ako kay Alexa.

"Yeah, I'm with Zoe and Aj." rinig kong sabi ni Ate Ali. "Si Zoe na lang magbabalik sa kanya sa hotel. Susunod kami ni Aj." tumingin ako kay Aj na biglang sumimangot. Natawa ako. Akala nya siguro makakatakas sya sa training. "Okay, bye."

Pagkababa nya ng tawag ay samin naman sya humarap. Nung nakita nyang wala ng malay si Alexa ay kita sa mukha nya ang pag-aalala kay Alexa.

"Sige na Zoe ibalik mo na sya sa hotel. Alagaan mo sya at wag mo syang iiwanan hangga't hindi kami nakakabalik okay? Pakainin mo sya at painomin ng gamot." sabi nya.

"Okay po." binuhat ko na pabridal style si Alexa. Nagulat ako na hindi sya mabigat.

"Samahan ko na sila sa pagbalik sa hotel, baka hindi kayanin ni Zoe si Alexa." sabi ni Aj.

"Hindi, kaya 'yan ni Zoe. Hindi ka pwedeng tumakas sa training." napa-smirk si Ate Ali. "Tara na, nang maabutan natin sila. Zoe, ikaw na bahala kay Alexa okay?" tumango ako kay Ate Ali. Umalis na silang dalawa kahit ayaw ni Aj.

Ako naman ay nagsimula ng bumalik sa hotel. Mabuti na lang ay hindi pa kami napapalayo kaya mabilis lang kami nakarating sa hotel.

Maingat kong ibinaba si Alexa sa higaan nya pagkapasok ko sa room nila. Inayos ko ang pagkahiga nya. Tinignan ko ang suot nyang damit. Nakasuot sya ng jacket at jogging pants na hindi nya naman sinusuot tuwing nagtra-training kami. Siguro nga kanina pa sya nilalagnat at hindi nya lang sinasabi.

Nailing akong kumuha ng bagong damit nya. Nasa cabinet ang mga gamit nila ni Torey. Kumuha ako ng tshirt at pants. Kumuha na rin ako ng planggana na may maligamgam na tubig at towel. Lumapit ako kay Alexa at sinimulan syang tanggalan ng jacket at jogging pants.

"Zoe." napatingin ako kay Alexa na mahina syang nagsalita. Tumingin sya sakin tapos dinuro ako. Nagtaka naman ako.

"Ano 'yon?" tanong ko pero ibinaba nya lang kamay nya at pumikit. Napakamot ako ng ulo. Lasing ba 'to? parang lasing eh.

Nung matanggal ko ang suot nya ay pinunasan ko ang katawan nya at sinuotan ng bagong damit. Hindi ko na pinalitan ang undergarment nya. Mahirap na. Kinumutan ko sya ng maayos nang matapos ko syang bihisan. Kinuha ko ang planggana para ibalik sa banyo.

"Stay." napatigil ako sa paglakad at tumingin kay Alexa. Nakapikit sya kaya hindi ko alam kung nanaginip ba sya o ano.

Hindi na sya nagsalita pagkatapos non kaya pumunta na ako sa banyo. Lumabas ako pagkatapos kong itabi ang planggana at tumawag sa service na magluto ng lugaw o kahit anong pagkain na ipapakain sa taong may sakit at dalhin dito.

Lumapit naman ako kay Alexa nung maka-order ako. Chineck ko kung gaano sya kainit. Mabuti na lang ay hindi masyadong mataas pero mainit pa rin. Paano kaya 'to nagkasakit? iniisip ko tuloy kung ano ginawa nito para magkasakit.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon