36.2

6.7K 98 2
                                    

36.2

"Let's Start." Utos ko. 

Humalo ako sa grupo na mga naglalaro sa may table na malapit sa may V.I.P room. Nanatili lamang akong nakatayo roon at inaabangan ang pagdating ni Samantha. 

 Lumipas ang 5 minuto ay nakita ko ng parating si Samantha kasama ang amega nitong si Anina Perez. Hinahatid ang mga ito ng isang staff ng casino. 

Nakatingin sa akin ang staf na syang naghahatid sa mga ito habang si Anita naman ay napasulyap lang. 

"Sam alam nyo na ang gagawin ha?" Utos ko sa mga ito gamit ang wireless headset. 

_____________________________________________________________________________

Nobody's POV

Hinintay muna ni Sam ang go signal at nang makita nito na tinanguan na sya ng staff na papalabas ng VIP room agad na syang umalis sa pwesto. Ito ang staff na nag asist kay Samantha papasok sa sa VIP room. 

Habang si Sera naman ay namamatyag lang at nakahalo sa mga taong naglalaro sa labas. 

 Pagpasok ni Sam nakaupo na sina Samantha at ang amega nitong kasama. Si Samantha ay agad ng naglaro. Habang si Sam naman ay nagseserve ng mga alak sa ibang player. 

Makalipas ang ilang rounds ng laro. Makikita mo sa mukha ni Samantha ang saya dahil sunod sunod na ang pagkapanalo nito. 

"napakaswerte mo naman Ngayong gabi." Nakangiting puri ng may katabaang lalake kay Samantha. 

Ngumiti lamang ito ng tipid. 

Muling natapos ang isang game ng tumayo ang isang lalake. 

 "Im off." 

"BAkit? Wala ka nabang ipupusta?" Patudyong sabi ng bading na punong puno ng alahas ang katawan. 

 Tumalikod na lamang ang lalakeng tumayo at lumabas na. 

Napatingin si Samantha kay Anita. "Sigurado kaba sa mga taong kalaro natin Anita? Saan mo ba nakilala ang mga ito?" Pabulong na sabi nito. 

 "Relax Samantha. Nakalaro ko na ng minsan ang mga taong ito at saka wala namang kaibahan sa dati to ah? Nakikipaglaro ka din naman sa mga hindi mo kakilala dito."

"Sabagay. Oh sya maglaro ulit tayo mukhang napakaswerte ko ngayong gabi." Nakangiting sabi ni Samantha. 

"Okay lang ba na mag dagdag tayo ng player?" Tanong ng isang ginang na kasama din nila sa laro. 

Magsasalita sana yung bading para tumutol ngunit agad ng naagapan iyon ng ginang. "Malaki ito pumusta kaya mas masaya ang magiging laro natin."

Nagkibit balikat na lamang ang lahat. 

"Ms. Gusto ko sana ng Mango Juice." Utos ni Anita kay Sam.

"Yes Maam." lumabas na si Sam para kumuha ng order. Pagkalabas nito sa VIP room tinanguan nito si Sera. 

"I think this is my lucky day Mare. Aba sunod sunod na akong nanalo dito." Nakangiting sabi ni Samantha kay Anita. 

"Bawing bawi mo na ang mga natalo mo noon ha? Isang game pa?"

"Tama na siguro dahil malaki na ang napanalunan ko." Tanggi ni Samantha kay Anita.

"Hihinto kana? Aba sayang yan! Lalo pa't may bagong dating at magtataya daw ng half a million." Tuwang tuwa na sabi ng bading. 

"Talaga? Game. Sana makabawi ako." Singit noong may katabaan na lalake. 

"Sayang yun Mare. Baka makuha mo iyon ngayong gabi." Pangungumbinsi pa ni Anita dito.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon