chapter 24

9.4K 100 6
                                    

24

"Yanna nasa loob ba si Tito Alfred?" Tanong sa akin ni Nathan.

Hindi ko maiwasan na mapatitig dito ng mataman. Napakagwapo nya talaga. Lagi ko naitatanong sa sarili ko. Paano ba humalik ang isang Nathan Won? At ano kaya ang pakiramdam na mayakap nito?

Nakakainggit si Janna.

"Hey. Yanna?" Nakakunoot noong tawag sa akin nito.

 

Sa pagtawag nito bago lang nag sink in sa isip ko na may itinatanong ito sa akin.

"Ah-eh. Ssir aano na nga po yun?" May pagkabulol pa na tanong ko.

Tumawa ito ng mahina. "Ikaw talaga Yanna hindi ka pa din nagbabago natutulala ka pa din minsan. Sino ba yang inisiip mo?" Tudyo pa nito.

Todo iling ako. "Wala ho sir."

"Anyway nasa loob ba si Tito Alfred?"

"Yes Ssir. He's waiting inside." Sagot ko. Kanina pa ito inaantay ni Mr. Perralta dahil pinacancel nito ang lahat ng afternoon appointments nito.

"Thanks." Naglalakad na ito papasok sa loob ng opisina ni Mr. Perralta ng lumingon muli ito sa table ko.   "You look good Yanna. Anlaki na ng pinagbago mo and I'm happy na natupad na ang pangarap mo." Nginitian muna ako nito bago pumasok na sa loob.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Natupad ang pangarap ko? Ang makatapos at magkaroon ng magandang disposisyon sa buhay. OO natupad. Pero ang pangarap ko na mapansin nya ako bilang Yanna na isang babae hindi bilang Yanna na isang kababata nito.

Sa totoo lang gusto ko syang komprontahin tungkol sa mga sulat nito sa akin. hindi ko maiwasan na mag aasume na may pagtingin sya sa akin noon dahil sa mga reply nya sa sulat ko.

Bago umalis si Nathan para mag aral sa ibang bansa nangako ito na susulat parati. Tatlong buwan din kaming nagpapalitaan ng sulat hanggang sa dumalang at wala na akong natatanggap.

Nang bumalik si Nathan para magbakasyon hindi na ako nito kinakausap na katulad ng dati. Hanggang ngayon marami pa din katanungan sa isip ko.

Gusto ko itanong kung may nagawa ba akong mali sa kanya? Dahil nagbago nalang ang turing nya sa akin mula ng magbakasyon ito noon.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon