chapter 25

9.8K 152 12
                                    

25

“sino yung kausap mo?” tanong sa akin ni TH pagkapasok nito sa suite ko. Last day na ng convention nito kaya maaga itong nakabalik.

“Construction Company.”

“para saan? May bago kabang business na ibalak ipatayo?” tumabi ito sa sofang kinauupuan ko.

“para sa bagong bahay.” Tipid kong sagot. Pinag-aaralan ko yung pinadala sa akin thru email na mga designs ng architect na nakausap ko.

“bagong bahay? Saan?” sunod-sunod na tanong nito. Kinuha nito ang laptop na hawak ko. “saan ka magpapatayo?”

Di ko na tinangka pang kunin ang laptop dahil hindi naman nito ibibigay iyon.

“Remember nabili ko ang dulong bahagi ng Hacienda See? Nagbabalak akong patayuan ng bahay iyon.”

“Para saan pa? Diba kapag natapos mo na ang Mission mo sa Amerika kana maninirahan at magbabagong buhay?”

Humarap ako dito. “ganoon pa din ang plano ko pero hindi ko basta pwedeng talikuran ang lupang iyon.”

Hindi ko masabi kay TH na ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ko papatayuan ang lupang iyon dahil gusto kong Makita ng mga See na hindi ako basta-bastang kalaban. Gusto kong ipamukha sa kanila kung ano na ang narating ko. At ang isa ko pang dahilan kaya papatayuan ng bahay ay para mapalitan na kahit papano ang mga ala-ala ko sa lupang iyon.

At matutupad ko na din ang pangarap ni Mama na magkaroon ng magandang bahay sa lupang iyon.

“Di mo ba naisip na mas lalo kang tatagal sa pilipinas kapag nagpatayo ka pa?”

“Napaghandaan ko na TH, kelangan ko tong gawin para sa sarili ko at kay Mama. Pangarap nyang magkaroon ng magandang bahay sa lupang iyon at tutuparin ko yun. Para kahit papano masabi ko sa sarili ko na may nagawa ako para sa kanya.”

Tahimik lang na nakatitig sa akin si TH.

Inabot ko ang kamay nito at hinawakan iyon. “Bakit di kana umiimik dyan?” di ako sanay na ganito si TH sa akin.

“Kung iyan ang desisyon mo susuportahan kita. Pero ang iniisip ko lang naman ay ikaw. Ayoko lang na tumagal ka pa dito dahil baka sa huli ikaw pa ang masaktan sa paghihiganti mo.” Paalala nito.

Bakit naman ako masasaktan? Nasaktan na ako noon ng sobra-sobra at hindi ko na hahayaan ang sarili na maulit iyon. Kelangan sila naman ang makaramdam ngayon ng sakit at kahihiyan lalo na ang mag-inang See.

“Mamasyal nalang tayo dahil mamaya babalik ka na sa Amerika.” Aya ko dito para makaiwas na din sa pinag uusapan namin.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon