"Ano ka ba, calm down. Tayo na nga yung mabait diba?"

Oo nga naman. Umiwas ako nang mapansin kong nakatingin sakin si Craig.

Natapos agad yung flag ceremony. Nauna akong pumunta ng special class ko dahil ayokong harangan ng grupo nila Georgette. Sabi ko nga, hindi pa ako makikipag-away hangga't hindi pa nakakauwi sina Krissy. Asan na kasi sila?

Pero mali pala ako. Hindi pa ako nakakarating ng room, nakaharang na sila, kasama na doon si Craig.

"Anong gagawin niyo?"

Tumawa si Georgette. Uminit bigla ang ulo ko.

"Well, bagong taon bagong simula. Gusto lang namin kamustahin yung pagiging mahina mo. Nag enjoy ka ba sa bakasyon mo?"

"You know what, if you are talking nonsense right now I'd better go. Bagong taon bagong buhay. Matagal na ang nakaraan but still you're in the middle of your past. Move on bitch!"

Tsaka ako tuluyang pumasok ng room. Tama siya, bagong simula. Pero sisiguraduhin ko na ang bagong simula ay magiging mas matindi. Hindi niya ako matatalo at ipaglalaban ko ang trono bilang.. QUEEN OF GANGSTERS.

Maaga kaming pinauwi dahil maraming meetings ang professors namin. Naglakad ako sa hallway upang hanapin ang ibang kasama. Pababa na ako ng hagdan nang nadatnan ko si Seth. Ano bang ginagawa niya dito? Diba may practice sila ni Clyde sa basketball?

Nakaupo siya sa hagdan. Halatang may iniisip siya. Siguro tungkol 'to sa sinabi niya sakin. Lumapit ako sa kanya at umupo. Medyo nagulat siya sa presensya ko at ngumiti.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ah, hinihintay kita. Ihahatid sana kita pauwi bago ako pupunta ng gym"

Ganun ba? Hinintay niya ako para ihatid pauwi?

"Uhm Seth, wag na. Kasama ko naman sina Lily at susunduin din ako ng driver. Doon daw muna sila para naman may kasama ako sa bahay at saka may practice kayo sa basketball diba?"

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha matapos kung sabihin ang mga katagang iyon. Aalis na sana siya pero nahawakan ko ang braso niya. Lumingon ulit siya at yumuko.

"Alam ko naman na hindi mo ako mahal. Sorry kung nabigla kita pero–"

"Alam ko. Pero kung pwede bigyan mo ako nang konting oras para mag-isip. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin"

Niyakap niya ako. Niyakap ko na rin siya at nagpaalam na. Umalis na rin ako at naghintay sa sasakyan. Ilang minuto na rin, dumating na. Agad akong sumakay sa front seat.

Tahimik lang ako buong biyahe. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Bakit ganito? Bakit iniisip ko agad? Sa kalagitnaan ng biyahe, napansin ng driver na may iniisip ako.

"Uhm, Mam Kristen, may iniisip po ba kayo? Tahimik niyo kasi"

"Pagod lang ako", saka ako ngumiti. Humarap na lamang ako sa bintana para hindi na niya ako mapansin.

Biglang nag-ring yung phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng bag at sinagot.

"Oh bakit Violet?"

"Wag ka munang umuwi. Nakita kong pupunta sina Georgette sa bahay niyo"

Ano na naman bang binabalak nila?

"Uuwi ako"

"Please, Kristen. Wag muna ngayon"

"I'm going"

At saka ko inend yung call. Nakarating na kami ng bahay at nakita ko agad ang grupo sila. Talagang hinihintay nila ako ha? Tssk.

Campus GangstersWhere stories live. Discover now