Chapter 3: The Music Academy

78.3K 3K 515
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong makapasok dito sa Music Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong makapasok dito sa Music Academy. Nakakagulat nga dahil tandang-tanda ko ang lahat ng masasakit na komento sa akin ng mga evaluator. Ano kayang masamang hangin ang pumasok sa utak nila at naipasa nila ako?

"Yes, 'Ma, okay lang po ako rito." Kausap ko sa kabilang linya si Mama dahil kinukumusta niya ako kung okay lang ako rito. Kakalipat ko lang din kasi sa dorm at unti-unti akong nag-a-adjust sa bagong tirahan ko.

"Oh, sige, anak. Mabuti naman at okay ka lang diyan. Basta lagi kang mag-iingat diyan. 'Yong allowance mo ay tipirin mo dahil limitado lang ang budget natin, huwag kang magpapagutom diyan."

Ilang beses nang pinaalala ni Mama sa akin ang bagay na iyon. "Opo, 'Ma, magtitipid po ako. Sige na po, b'bye na po."

Ini-end ko na ang tawag at naglakad papalabas ng dorm at nagsimulang mag-ikot sa buong campus ng Music Academy. Although, nakapag-ikot na ako noong Entrance Evaluation ay may mga lugar pa rin naman akong hindi nadadaanan o hindi napupuntahan.

Mula sa main gate, matatanaw mula rito ang apat na building ng paaralan.

Ang una ay ang Vocal department—Anim na palapag ang building na ito na kulay mustard yellow, may malaking logo ng mic sa gitna at may mga music notes na disenyo sa dingding nito. Ang sabi sa akin, dito raw sa building na ito hahasain ang galing namin sa pagkanta. Bali-balita ring sampu sa pinakasikat na singer sa Asia ang magiging tagaturo sa Vocal Department.

Ang pangalawa ay Dance Department— Kulay asul ang building na ito na may anim na palapag din kagaya ng Vocal Department, mas mahaba nga lang ito dahil may mga dance studio sa loob nito kung saan makapagpa-practice ang mga estudyante. Mukhang ito ang building na ayokong pupuntahan dahil na rin sa tigas ng katawan ko sa pagsayaw. Kapag naaalala ko na naman ang pinaggagawa ko noong Entrance Evaluation ay kinikilabutan na agad ako.

Ang pangatlo ay ang Music Department—Dito sa building na ito ay tuturuan kami gumamit ng mga Musical instruments. Dito rin sa department na ito ituturo ang composing, writing lyrics, producing ng mga kanta. Mukhang ito ang department na iiyakan ko linggo-linggo dahil anjg hirap kaya mag-isip nang magkaka-rhyme na words para sa lyrics!

Ang pang-apat ay ang Academics Department—Dito ituturo ang mga normal na subjects. Atleast, may normal pa sa school na ito at mukhang dito ako mag-e-excel.

May isang linggo pa naman bago magsimula ang klase. Sadyang nauna lang ako dahil excited ang gaga (Dream school ko, eh) at para ma-familiarize din ako sa mga pasikot-sikot dito sa Music Academy.  Habang nag-iikot ako ay isang babae ang pumukaw ng atensyon ko na hirap na hirap sa bitbit niyang dalawang maleta.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon