Te Amo (I Love You)

106 1 0
                                    

Panimula

Lahat nang nangyayari sa mundo ay parang nakasulat lang sa isang papel kung saan nakaplano na lahat.

Hindi mo alam kung ano.

Hindi mo alam kung may mangyayari bang masama o mabuti sa araw na iyon.

Minsan ayaw mo pa iyong nangyari/mangyayari o kaya gusto mo.

Lahat kasi talaga dito sa mundo ay may oppositions.

Hindi ka mawawalan ng kaagaw, kaaway, o kahit ano pa diyan na sobrang laki ng pagkaiba sayo, kasi lahat naman talaga tayo dito sa mundo may kanya-kanyang pag-uugali, masama man o mabuti.

At siyempre, meron rin tayong kanya-kanyang destiny - destiny na kung saan hindi natin alam na doon tayo dadating sa buhay natin. Basta-basta na lang mangyayari sa 'tin ang isang bagay na talagang kailangang mangyari.

Ang tanong ay may magagawa pa ba tayo?

Paano kung ayaw natin yung nangyayari? Mapipigilan ba natin iyon?

O susunod na lang tayo sa agos nang panahon?

Magpapatangay na lang ba tayo?

Paano kung puso mo na ang nakasalalay?

Susunod ka pa ba sa agos?

---

Edited: July 31, 2020

Te Amo (I Love You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon