String #13 (Confession)

Start from the beginning
                                        

Namula ako sa sinabi nya. Baka naman gumagawa lang ng kwento 'tong mokong na 'to. Pero pano kung totoo. Waaaah, katapusan ko na. (/____\)

"Anong.... pinagsa--sasabi m-mo?" 

"Gusto mong proof?" Kinuha nya yung cellphone nya sa bulsa at pinakita sakin ang isang picture. Picture ko na nakanguso habang natutulog.

Waaaah! Totoo nga! Ano ka ba naman Elle?! Ang gaga mo! Kahit tulog, pinagpapantasyahan mo si Shin.

Ha?

Kelan ko pa pinagpantasyahan si Shin?

Over my dead sexy body.

"Ierase mo yan hoy!" Inaagaw ko sakanya yung cellphone nya kaso nabawi na nya agad yung kamay nyang may hawak ng cellphone.

"Ayoko nga. Ipopost ko pa 'to sa Freedom Board sa school e." Sabi nya sabay biglang bukas ng pinto ng kotse at nagtatakbo paalis.

Mapapatay kita, Shin Guzman! Hintayin mo lang! Ihanda mo na yung libingan mo!

Nagtatakbo na ko palabas at hinabol sya. 

"Hoy Shin! Wag ka lang papaabot sakin, kasi ipapatikim ko sayo ang impyerno!"

"Mauuna ka don no." Nagtatakbo na sya papunta sa pinto. Nung pagkabukas nya, bigla syang napahinto. Pumunta agad ako don sa pwesto nya.

"Hoy, anong tinutunga tunganga mo jan? Lagot ka na talaga sakin!" Hindi sya nagsasalita habang nakatingin sa loob ng bahay nila. Nakakatakot yung mga mata nya. Parang any minute makakapatay sya ng tao. Para syang lobong gutom na gutom.

Sinilip ko kung ano yung tinitignan nya.

(@_______@)

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi nya with authority. Pati boses nya, nakatakot. May sa halimaw talaga 'tong kumag na 'to.

"Masama bang dalawin ko kayo, dear brother?" Sabi nung lalaki habang nakikipaglaro kay Riri. Ano nga kasing pangalan nito? Eto yung nangharass sakin eh!

"Hi Kuya Shin! Ate Elle, pupunta ka din pala dito? Yeeeeey! Makakapaglaro na tayo!" Lumapit sya samin tsaka humalik sa pisngi ng kuya nya. Hinug naman nya ko tapos hinila papasok. "Ate Elle, sali ka samin ni kuya Rence! Naglulutu-lutuan kami."

Ang daming nakakalat na mga laruang pangluto sa sahig. Para ngang totoong kitchen utensils tong gamit nya. Hindi plastik. Ang astig. Wow lang.

"Nagkita ulit tayo, Elle." Sabi nung Rence habang nakangisi sakin.

"Anong ginagawa mo dito, ha? Ipapapulis talaga kita!"

"Para ano? Ipakulong ako? Pwede na rin, basta ba ikukulong nila ko sa puso mo e." May ngiti syang nangaakit. 

Elle, wag kang magpaakit. Wag!

Pero naakit ako e.

Ay Elle naman! Mamaya ka na shumonde!

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Ipapakulong kita ng harassment!"

"Magkakilala kayo?" Taas kilay na tanong ni Shin. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sya samin.

"Hindi!" Hindi ko naman talaga sya kilala. Kahit alam ko pangalan nya. Ang gulo.

"Oo, may problema ba?" Tiningnan ko ng masama si Rence. Sumandal sya don sa sofa na nakacross yung arms sa may batok nya. 

Bumalik nanaman yung mga mata ni Elle na parang mangangain. Bat parang ang itim ng aura sa bahay na 'to?

"Magkakilala pala kayo ate Elle ni Kuya? Yeeey, ade mas maganda. Mas magiging close pa kayo!" Napakahyper talaga nitong si Riri.

"Oo, Riri. Gusto ko maging close ka na sa babaeng magiging girlfriend ko."

"ANO?!" Sabay na sigaw namin ni Shin. Teka, bat nakikisigaw sya? Di naman sya yung magiging girlfriend nitong asungot na stalker na 'to ah?

Ang gwapong stalker naman nito.

"Talaga?! Eh diba magkadate kayo ni Kuya Shin nung Saturday, ate Elle?" Ugh. Sumasakit ulo ko sa mga nangyayari. 

"Hindi nga kami magkadate non Riri. Pwede ba Rence, wag mo ngang dumihan yung utak ni Riri. Kung ano-anong kasinungalingan ang sinasabi mo. Wag mo ko idamay sa kalokohan mo!"

"Diba totoo naman? Magiging girlfriend naman talaga kita." Ngumiti syang nakakaloko. "Pero anong kataksilan na yung naririnig ko, ha? Anong date yon?" Tumingin sya kay Shin na umiwas ng tingin. 

"Hindi nga date yon. Nagkita lang kami sa amusent park. Teka, bat ba ko nageexplain sayo. Tss."

"Eh dba sa kwarto ka pa nga ni Kuya Shin natulog, ate Elle?" Anak ka ng kamote! Pahamak na bata ka! Makukurot kita e. Kung hindi ka lang cute, baka pinaglalamayan ka na Riri.

"Sinong natulog sa kwarto ni Shin?"

Napatingin kami kung saan nanggaling yung boses. Palakad papunta samin si Lanz, Jelo, Allison at Gorje. 

Napahawak na lang ako sa noo ko. Jusko Lord, save me!

Author's Note

Yeeey! Mahaba-haba ang update ko. Js na kasi namin bukas, at birthday naman ng kapatid ko ngayon. So next time pa ko makakapgupdate. Anyways, ang dami ko nang naiisip na gustong mangyari sa buhay nilang 7. Hihihihihi. Next time ko na ipapakilala senyo kung sino si Rence at kung bakit galit na galit si Shin nung nakita nya si Rence. Ja'ne!

Strings of FateWhere stories live. Discover now