"Yes sir!" - A
"May party ba o mag-aaral kayo?"
"Syempre, package na yun no. Nakakahiya naman kung luma na yung damit ko." Konek naman?
"Oo na lang ako."
Mabilis na nagdaan yung exams. Nacheck na din ang mga testpapers namin agad, at nakapasa nga sa Elective ang bruha! Kailangan lang pala may inspirasyon para maintindihan. Sus. Mejo naging close na din yung tatlo samin. Sabay-sabay kaming kumakain tuwing lunch kasi pinag-uusapan pa yung kakantahin tsaka kung ano ano pang ka-ek-ek-an. At may nangangamoy na malansa!
"Hoy babaita! Magkwento ka naman no! Parang super close nyo na ni Jelo? Anong gayuma bang ginamit mo sknya?"
Nasa girl's locker room kami ngayon. Kakatapos lang ng practical exam naming Volleyball sa P.E. Feeling ko naman papasa ko kasi hilig ko talaga ang paglalaro non. Dapat nga sasali akong varsity sa dati kong school, yun nga lang hindi na naman ako mag-aaral don. Kaya what's the point?
"Baliw. Tawag don, CHARISMA." Kaw na maganda. Sige, wala naman akong sinabi, dba?
"Kdot. Pero ikwento mo nga kasi!"
"Di ka naman nagkwento, kaya di din ako magkekwento. Quits lang. Wahaha!" Sabi nya sabay dila.
"Halika na nga! Baka naghihintay na yung tatlo satin." Aya ni Allison sabay kuha ng duffel bag nya. Tapos na kasi magpractical ang boys. Sumunod naman kami.
Habang naglalakad kami, naalala ko naiwan ko pa yung mga books ko sa locker.
"Mauna na kayo. May kukunin lang ako sandali sa locker ko."
Sabi ko sabay takbo papuntang locker area. Malapit lang naman kaya hindi ako naligaw. Nung pagkakuha ko ng 4 na libro, nagtatakbo ko. Kaso may biglang bumunggo sakin.
"Ay lechugas na nalanta!" Kumalat sa floor yung mga libro kong hawak. Anakngtinapa naman! Wrong timing naman e. "Ano ba?! Bat di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Nagmamadali yung tao we!"
Iniabot nya yung kamay nya sakin.
"Sorry Miss. Pero sa pagkakaalam ko, bawal kasi ang tumakbo sa corridor." (~ ~,)
Ugh! Sino ba 'tong dimuho na to? Gusto nya na bang maglaho sa mundo?
"Ang kapal mo din------" Nung napatingin ako sa nakabunggo sakin, nagulat na lang ako.
"Shin?"
"Ha?" Wow, nagkaamnesia bigla? Naalog siguro ulo nito, naubos ang mga brain cells sa utak.
"Pangalan mo, nakalimutan mo? Timang." Tumayo na ko. Hayamu nga yung kamay nya. Mahawa pa ko sa germs sa katawan nya. Kaso.. parang wala naman. -___-
"Teka.. naaalala kita we." Hinawak nya yung baba nya na parang nag-iisip.
Penge ngang camera! Dali! Baka magkapera ko kung ibibigay ko sa Abercrombie yung picture nya habang nag-iisip. Ang hunk! Ay teka.. hindi ko naman pala kailngan ng pera. May pera kami. Tsaka ano daw? Hunk? Ew naman Elle.
"AH! Alam ko na! Ikaw yung babaeng nahulog sa pond. Tama?" Teka nga, ano bang pinagsasasabi nito? Eh diba nga sinamahan nya pa ko sa clinic. -___-a
*brain blast*
Dalawang Shin nga pala ang nakita ko nung time na yon. Hindi ito yung tunay na Shin!
"Teka nga, sino ka ba? Tsaka bat kamukha mo yung alien na si Shin? Ay teka, late na ko! Hinihintay na nila ko don." Akmang aalis na sana ko nang bigla nyang hinawakan yung braso ko. At nahulog nanaman ang mga libro ko. Anak ng @#@$%%&^!!!
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #13 (Confession)
Start from the beginning
