"I can help you, if you want. Madali lang naman yon e." Wow, effective ang pagpapacute mo Gorje! Idol na kita. Ikaw na.
"Sure!!!" Mas excited pa 'tong si Allison, sya na sumagot para sa kapatid nyang nazipper ata ang bibig. Bipolar na babae. Parang kanina lang we.. Nakalimutan na bigla si Lanz. "Punta ka samin bukas, since half-day lang naman tayo dahil may meeting pa ang mga teachers tungkol don sa gaganaping concert."
"Okay!" Nagpeace sign pa si Jelo. Yobong mo Gorje! Asensado.
"Dba kaya tayo nandito para don sa concert?" Walang kainte-interes na sabi ni Shin.
"Oo nga pala. So sino na nga kasi ang maglilead singer?" - L
Nagkibit balikat silang lahat.
"I think I can sing. Though I'm not really good, eh kung walang kakanta, ade ako na lang." Napalunok ako sa sinabi ko. Sure ka ba Elle sa sinabi mo? Di na ba pwedeng bawiin? TToTT
Nagtinginan sila, except kay Shin na halatang walang pakielam, tapos ngumiti sila sabay sabing, "Okay!"
"So yan, kumpleto na ang banda natin. Sayang kasi, wala na si Anya, de sana may----" Di na natuloy yung sinasabi ni Jelo kasi biglang parang sinapian ng demonyo si Lanz.
"Pwede ba, Jelo!" Napatay sya sa kinauupuan nya. Tinginan lahat sa table namin.
"Ay, sorry pre."
"Tss." Umupo na si Lanz at halatang nawala na sa mood. Tahimik ang lahat. Walang gustong magsalita. Itim na aura lang ni Lanz ang nararamdaman ko. Sino ba yung Anyang yon? Ang misteryoso ha.
"Uh.. kelan practice?" Pagbabasag ng katahimikan ni Shin.
"Pwede naman siguro kung sa third day ng exams. Free ba kayong lahat?" - A
"Yep." - J
Tumango lang si Lanz.
"Oo." - S
"Free ako."
"Ok, so agree tayo na sa third day ng exams. Ang tanong, saan?" - A
"Don nlng tayo sa bahay nyo, Shin. Namimiss ko na din tumambay sa recording studio nyo e." - J. Wow, so may recording studio sila sa bahay nila? Sya na mayaman. Baka nga may mall pa sa bahay nila eh. Siguro hindi ko lang nakita nung nagpunta ko sakanila.
Ok, OA na. =___=
Eh malay mo naman, dba? Yaman nila na 'yon e.
"Tsss." Nabadtrip nanaman bigla si Lanz.
"Chill ka lang, pre. Wag mo nang alalahanin yon." - S
"Halika na nga." tumayo na si Lanz at sumunod naman na yung dalawa.
Habang naglalakad sila palayo, humarap ulit si Jelo samin. "Gorje, bukas ha!" Sabay kindat.
Nagblush naman ang lola nya. Tumango na lang sya. Nung tuluyan nang nakalayo yung 3 prinsipe, este tatlong asungot... Ay teka si Shin lang pala yon.., bigla na lang kaming binato ni Gorje ng french fries!
"Ang sama nyo!" - G
"You're welcome." Nakangisi kong sabi.
"Oy bruha, obyus namang kinikilig ka no! Samin ka pa nagdeny! Haba ng hair mo, 'te. Abot hanggang Japan." - A
"Syempre, alagang Yuko Yamashita." Nagpeace sign pa ang lokaret.
"At dahil sa ginawa namin ni Allison para sayo, ililibre mo kami ng ice cream mamaya ha?" Oo na, ako na mukhang libre.
"Gusto nyo may cake pa e. Allison, mall tayo mamaya ha. Kailangan natin ng mga bagong damit tsaka nung pabango ni Elle. Sabihin din natin kay butler Sean na ipalinis yung buong bahay, lalo na yung library." - G
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #13 (Confession)
Start from the beginning
