Pagkatapos ay ginulantang niya ang mundo ko sa sunod niyang sinabi. "E kung kainin kitang gago ka! Walang kwenta ka." tiim bagang niyang saad.

Nang marinig ko iyon, isang nakakalokong ngiti ang gumapang sa labi ko at kahit alam kong hindi iyon ang ibig niyang sabihin, iba pa rin ang naging reaksyon niyon sa akin. Uminit ang katawan ko na parang sinisilaban ng apoy.

"Oh, you can also eat me baby. I would relish that too." saad ko sabay ngisi.

"Oh God! You pervert! Ibalik mo ko sa bahay ngayon din!" singhal niya sa akin.

This time, my face dropped its playfulness. Natulig ako sa kinatatayuan ko at ang mukha ko ay naging mala-bakal. Matigas at walang reaksyon.

So much for asking miracles. Mukhang pahihirapan niya talaga ako.

"Eat Deireen. Babantayan kita hanggang sa matapos ka, tapos sasamahan mo ko dahil kailangan kong matulog." mariin kong turan.

She must have seen my no-nonsense attitude and got intimidated by it because even if it's against her will, she took her seat. She glared at me before started eating.

"So now, I am going to be your prisoner too? Ganito ka ba kay Deireen dati? Namimilit." she said sarcastically.

I don't know why, but she provoked me further when she said that. My relationship with Dee was not perfect. Far from it. Still, I don't want it to be treated so casually. She loves me and I love her. And it's fucking perfect for the both of us.

I don't want people treating it casually, especially if that person is Dee trying to be someone else in front of me.

"Bakit mo pa ako tinatanong kung alam mo naman ang sagot diyan?" I counter attacked.

Bahagya siyang hindi nakapagsalita nang marinig niya iyon. Pero agad din siyang nakabawi.

"Nakakapagod kang kausap. I didn't realize that you are so close minded." she quipped.

"I am close minded when I knew the truth Dee. Mas mapapadali ang pag-alis natin dito kung aamin ka na." saad ko naman.

Huminga siya ng malalim. And then, "Aamin na ako! Fine. Ako si Deireen. Ako yung babaeng namatay nine months ago, now resurrected from the dead by some miracle. Now, let me the hell go!"

Itinapon niya ang hawak niyang kutsara't tinidor sa pinggan dahilan upang tumilapon ang mga pagkain sa mesa. She didn't even touch any of it, maliban sa isang subo ng itlog sa kanyang bibig.

"Dee, not that kind of admission please baby." I almost pleaded in despair.

"You want me to admit that I am Dee and expect to live happily ever after?"

"Well yeah. You love me and I love you too. That's the most rational explanation for this. Hindi ko alam kung bakit pintatagal mo pa itong hindi natin pagkakaunawaan." mahaba kong litanya sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko pero nanatili ang kanyang matalas na paningin sa akin.

"You are ruining my life with your stubborness!" saad niya sa akin. "Kung ako man si Dee, which I am not by the way, may karapatan pa rin siya na mamili kung mamahalin ka niya o hindi. And this work of abduction Ruzzia? This is way over the top!" hiyaw niya bago tumalilis paalis.

Way over the top. Totoo iyon. That's what I thought too before. But desperate times calls for desperate measures. And I can't live knowing that Dee won't be with me for life.

Narinig ko ang malakas na paglagapak ng pinto sa hamba niyon dahil sa galit niya at kahit alam kong hindi naman siya makakaalis sa bahay, I automatically checked the remote control to see if I locked the doors. Her roar of frustration was the evidence of that. Narealize niya pa lang yata na walang kwenta kahit ibuhos niya ang kanyang buong lakas sa pagbubukas ng pinto. Walang mangyayari.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon