10

11.3K 359 10
                                    

Deireen

"Okay, so make sure you don't overdo it babe. Alalahanin mo yung nangyari nung nakaraan. Nakikinig ka ba sa akin Deireen Luz!?" sigaw ng trainer ko nang manatiling nasa hangin ang paningin ko.

"Dee!" sigaw niya sabay sampal sa mukha ko.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sakit na naramdaman ko. Napalakas yata ang sampal niya dahil naramdaman ko ang pagguhit ng hapdi sa aking pisngi.

"Yes, I know." walang buhay kong saad.

Maingay sa background dahil sa mga tao na manunuod sa drag race ngayong gabi.  Halata ang excitement sa lahat dahil mas mataas ang palitan ng pera ngayon. Mas matayog ang taong kalaban ko at mukhang mapapasabak ako ngayong gabi.

May mga sasakyan din na nirerebolusyon para painitin at para masigurong maayos ang lagay ng makina.

"What is wrong with you woman?! We can't afford to loose, Dee! Pag natalo ka pa dito, mababawasan na ang pinupusta sayo, mababawasan ang makukuhang pera." bulyaw niya sa akin.

Pera. Napangiti ako ng mapait. Kung gusto niya ng pera, bakit hindi niya na lang kunin ang lahat ng pera ko. Kahit buong buhay niya hindi na siya magtrabaho kung pera lang naman ang habol niya.

"Okay. I'll give my life just to win this race for you Elle." bulong ko sa kawalan, hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga siya pero hindi ko iyon pinagtuunan pa ng pansin.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang yata ako ibibigay ang lahat sa drag race. Ngayon pa lang siguro ako magda-drag race ng totohanan.

Before this, lahat ng panalo ko ay puro lang dahil sa swerte o dahil sadyang walang kwenta ang mga kalaban ko. I never have given my true efforts with this sport kasi sa loob-loob ko, andun pa rin yung ingat. Yung takot.

Pero ngayon, iba na.

Wala nang takot.

Because when you are in love, you become brave. Kasi pag nasaktan ka,  magagawa mong gawin ang lahat, matanggal lang ang sakit. Makalimot man lang kahit konti.

"Racers ready!" sigaw ng commentator sa harap namin.

Ikinasa ko ang leather jacket hanggang sa leeg ko saka inayos ang gloves para maging mas madali ang hawak ko sa manibela.

Walang kakaba-kaba. Para akong lumulutang. Wala akong pakialam sa mundo.

Pinaandar ko ang kotse saka tinapakan ang accelerator. Nakita kong umusok ang likod ng kotse ko mula sa rearview mirror. Mula sa background ay naririnig ang malakas na hiyawan ng mga tao saka ang pag sigaw ng pangalan ko ng karamihan.

"DEI-REEN! DEI-REEN! DEI-REEN!"

Napangiti ako sa narinig. This is the place where I actually belong. Na hindi ko kailangang ipagpilitan ang sarili ko.

Itinaas ng babae sa harap namin ang isang puting tela, iwinagayway sa kanan at sa kaliwa saka inihulog sa semento.

Parang natigil ang lahat sa ingay. Nakasentro ang atensiyon ko sa tela hanggang sa maglapat ito sa sahig bago ko tinapakan ang gas.

Isang nakabibinging ingay ang pinakawalan ng mga tao hanggang sa mawala sila sa aking pandinig.

Mas itinodo ko ang bilis ng sasakyan pagkatapos ay ginamit na din ang nitro-boost. Pakiramdam ko ay nililipad ako ng hangin sa sobrang bilis, tinalo ko pa yata nito ang Nimbus 2000 ni Harry Potter. Hindi ko na makita ang kalaban ko at sigurado na din ako sa aking tagumpay.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now