25

12.7K 468 36
                                    

Deireen

"Come. It's almost evening. Kakain ka pa, napahaba yata ang tulog mo ah?" bungad sa akin ni Skye nang lumabas ako ng kwarto. Actually, hindi talaga ko masyadong nakatulog. More like thinking.

Thinking so much my head starts pounding so bad.

Itinapon ko ang paningin sa labas and sure enough, may halong dilim na ang papalubog na liwanag. May mga nakasinding ilaw na din mula sa iba't ibang mataas na buildings and the city lights started their mad blinking.

Last day almost done.

Bukas, iba nang buhay. Iba nang mga tao. Iba na ang lahat..

"Masakit ang ulo ko." saad ko nang muling ibalik ang tingin sa loob.

Nakabukas ang TV pero walang salitang maririnig doon. The churning of the display ceiling fan was a constant reminder na dapat ko na sanang papalitan iyon, but heck, aalis na din naman ako, what's the use? Araw araw ko iyong pinagpaliban until the time came na wala na talagang oras.

"May gamot ako. Halika na, kumain ka muna."

She pulled back a chair in front of the dining table and served me a plate. Napansin ko na nagluto siya ng adobong manok na nilagyan ng pinya, isa sa mga paborito kong ulam pinoy.

"Nag abala ka pa. May naiwan pa naman akong pagkain."

"Puro pizza ang nasa fridge. Don't tell me you've been living on nothing but crust and pepperoni this past days Dee. May death wish ka nga siguro talaga e." salubong ang kilay na turan niya.

Napangiwi ako. Yea, alam niya naman kasi na hindi ako magaling sa gawaing bahay. Still, a scolding is something she always does, tinatrato ako na parang maliit na bata.

"Skylar, magkalinawan nga tayo. Hindi porke mas matanda ka saken ng isang taon ay ginaganyan mo na ako ha.."

Umalab ang apoy sa kanyang mga mata. Ang tinidor na ginamit niyang panusok ng manok ay nabaling sa akin ang direksyon.

"Deireen Luz, makinig ka. Kung kailangang paluin kita ng kahoy para lang magtino ka, gagawin ko. Tandaan mo yan."

"Tss.."

Umirap na lang ako saka padabog na isinubo ang isang kutsarang kanin sabay kagat sa isang piraso ng manok na nilagay niya din sa pinggan ko.

Biglang natigil ang pagnguya ko nang sumabog ang lasa ng niluto niya sa bibig ko sabay tingin sa manok na hawak.

"Wow.." I breathed. "Ang sarap ha."

Tumaas ang isang kilay niya pagkatapos ay gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Ako pa ba? Duh."

Natawa ako. "Pero hindi naman ganito kasarap dati ah. I mean dati, masarap pero ngayon, perfection!"

A tell-tale blush started creeping its way from her neck to her cheeks hanggang sa umabot pa iyon sa dulo ng kanyang tainga. I eyed her critically and almost comically.

"Anong ibig sabihin ng blush?" tanong ko habang ngumunguya. "Don't tell me, lalaki ang nagturo--" natigil ako ng may biglang pumasok na ideya sa aking isipan.

"The father of the baby! Siya yung nagturo sayo no? Wow, nagbahay-bahayan ba kayo?" pang-aalaska ko sa kanya dahilan para lalong mamula ang kanyang mukha.

Umubo siya ng ilang beses bago muling nagsalita. "Hay naku, mahabang kwento. Kumain ka na lang dahil kung hindi, ibubuhos ko ang pagkain sa bibig mo at ng matigil ka."

"So meaning ikakasal ka na?"

"No! No way in hell!" sigaw niya na parang sinabi ko na magnganganak siya ng uod.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon