23

12.3K 419 32
                                    

Before reading.. Pakinggan mo muna bes ang kanta na Little do you know by alex and siera.. Thank you.
------------------

Deireen

Kinabukasan.

Pupungas-pungas na nagising ako sabay tingin sa espasyo sa tabi ko. Walang ebidensiya na may natulog doon at wala din akong naririnig na tao sa suite. Ibig sabihin ay mag-isa na lang ako dito sa loob at umalis na si Ruzzia.

The scene yesterday with Skye tried to worm its way to my memory pero hinadlangan ko iyon. Later, I guess. Kapag wala na akong dapat gawin, saka ko pag-iisipan kung paano ko aayusin ang relasyon namin but now.. I have to do my job right.

Kasi, ito na ang last day ko sa office.

This is the end of my life here with the people I came to love.

Pagtingin ko sa orasan, napansin ko na  tinanghali na ako ng gising at male-late na akong pumasok sa opisina. Ni hindi ko na nagawa pang mag-almusal dahil sa sobrang pagmamadali. Kahit ang kape na kadalasang dinadala ko ay nawala na din sa aking isipan.

Humahangos akong dumating sa conference hall at sa sobrang pagmamadali ko, napalakas ang pagbukas ko ng pinto dahilan para tumama iyon sa pader at gumawa ng hindi mununting ingay. Ang mga tao na nagtitipon ay napatunghay mula sa mga papel na hawak-hawak habang ang iba naman ay sumimangot sa gawi ko.

Kasalukuyan silang nasa meeting ngayon kasama ang buong stock-holders at mukhang sa tanawin na bumungad sa akin, ay kanina pa silang nagsisimula.

Namula ako sa sobrang kahihiyan sabay libot ng paningin sa paligid para mahanap ang pamilyar na mukha ni Ruzzia. Sa halip ay si Giana ang nakita ko na nakangiti sa akin kaya dumiretso ako sa gawi niya habang panaka-nakang yumuyuko upang humingi ng pasensiya sa pang-iistorbo na ginawa ko.

Kung hindi pa ako magreresign ay baka nanginginig na ako ngayon sa takot na baka patalsikin ako ni Ruzz ngunit dahil ngayong araw na lang ako, wala na akong masyadong pakialam. Ganun pa man, nakakahiya pa rin ang nangyari kaya hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha.

Paglapit ko kay Giana, agad kong inilabas ang mga kakailanganing gamit ko saka bumulong.

"Wala pa ba si Sir Ruzzia?" tanong ko sa kanya habang muling iniikot ang paningin sa paligid.

Sa apat kasi, tatlo lang ang napansin ko na kasama namin ngayon. Bawat sekretarya nila ay nasa tabi nila at nagsusulat o nagpapaka-busy sa kung ano mang ipinag-uutos ng mga amo nila. Tanging si Giana lang ang nakatengga at walang ginagawa dahil busy si Sir Rio sa kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Proceed." narinig kong saad ni Sir Ichiro sa nagsasalitang babae sa harap. Mukhang natigil siya ng dumating ako kaya lalo akong nanliit.

"Wala pa nga e. Kanina pa siyang tinatawagan ng secretary ni Sir Mexico pero hindi macontact." ganting bulong ni Giana.

Tumango-tango ako saka nakinig sa nagsasalita. Kung hindi siya makakarating,  ang ibig sabihin lang nito ay kailangan kong makinig ng mabuti at magtala para ako ang magsabi ng mga naganap sa pulong.

"The expansion was a great endeavor but since the Empire has grown to exceed more than all other Corporations, I say this is..."

Nagpatuloy ang babae sa pagsasalita habang ako naman ay nalunod na sa pagsusulat. Pinag-usapan nila ang tungkol sa empire at sa project na ginagawa ni Ruzzia. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit wala ang leader ng project na ito gayong halos pa lang ay magpawis siya ng dugo para lang maisakatuparan ang pangarap niya para sa Emperyo. Isa pa, sigurado din ako na alam niya ang tungkol  sa meeting na gagawin ngayon kaya palaisipan sa akin ang kayang kawalan.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now