24

11.9K 346 19
                                    

Deireen


I moved dazedly, almost out of my mind. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko sigurado kung kailangan ko pa bang tapusin ang araw na to o umuwi na lang at itulog ang sakit--- at magdasal na sana hindi na ako magising pa pagkatapos niyon.

Eventually, my feet made the decision for me because the next thing I knew, I am in front of the elevator and my hand is already pressing the button.

Out of the corner of my eye, I saw something move. Sinundan ko iyon ng tingin at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Ruzz.

I immediately took cover. Nagtago ako sa halaman na matatagpuan sa hindi kalayuan at naupo sa gilid niyon.

Mula sa baba ay may maliit na butas na kung saan mapapanood ang nasa kabilang ibayo ng hallway kaya doon ko pinagmasdan ang tao na mahal na mahal ko. 

Nakakunot ang noo niya at inililibot niya ang tingin ss paligid, pagkatapos ay maya't maya na mapapasabunot ng buhok at magpapapakawala ng mahinang mura.

My tears started anew. Sa lakas ng iyak ko ay natakot ako na baka makagawa ako ng ingay at dalhin siya nito sa kinaroroonan ko kaya kinagat ko ang buko ng aking hintuturo. 

Ng malakas.

My heart is constricting and I am depriving myself of precious air because I'm afraid to create even a small noise.

"Dee! Deireen!" he was looking over at the comfort room kaya nagpasalamat ako sa paa ko na hindi ako dinala dun. Yes, that would be the first place that he'll come looking for me.

Lumabas siya na lalong madilim ang mukha ng hindi ako makita sa loob. Pagkatapos ay humahangos na binalikan niya ang conference hall.

That was my cue to go. Pinindot kong muli ang button sa elevstor hanggang sa makarating iyon sa akin at bumukas. Agad akong pumasok at salampak na naupo sa tabi. Inikot ko ang mga braso ko sa dalawa kong nakatuping paa saka nagpatuloy sa pag-iyak.

God, kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magpaalam sa kanya at ang isipin na kahit kailan ay hindi ko na siya makikita pa, sana hindi na lang ako pumasok ngayon. Sana sinunod ko na lang si mommy. Sana..

Ang daming sana pero wala na din naman akong magagawa.

Loving too much is sucking my soul until nothing was left. Yun ang isang bagay na natutunan ko, but let me live my life again and I would still choose him. Over and over.

Nang bumukas muli ang elevator, lumabas ako at dire-diretsong tinahak ang revolving door sa looby. Inilibot ko ang paningin sa labas ngunit hindi ko nakikita ang paligid. Para akong nasa isang malaking bula, wala akong maramdaman, wala akong marinig ngunit patuloy lang ako sa paglakad.

Mula sa di kalayuan ay biglang may tumawag ng pangalan ko.

For a moment, I stood frozen, wondering how fast Ruzzia found me, but through the haze, I realized one thing. That it was a woman's voice.

A familiar woman's voice.

Pumihit ako at hindi nga nagkamali ang aking hinala dahil nang mga orad na iyon ay naglalakad palapit sa akin si Skye. Iyon pa rin ang damit niya kagabi. Ni hindi ko alam kung nakatulog ba siya ng maayos, kung saan siya natulog, kung hindi siya napahamak but seeing that she's whole, although, a little haggard was enough to make me light-headed with relief.

"Dee.." untag niya ng makalapit siya sa akin.

"Skylar..." saad ko bago humagulhol ng iyak. It was just like before, kapag nasasaktan ako, siya pa rin ang dumadalo sa akin. My big sister at heart.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now