28

12K 440 10
                                    

Deireen

I woke up to a room bathed with light streaming from the sun. Kinusot ko ang mata ko at tumingin kay Ruzz.

A smile tugged from deep within me as I looked at his disheveled state. May tumubo nang kaunting balbas sa kanyang baba at magulo ang buhok niya tempting me to comb it with my fingers. But I am afraid of waking him up kaya nagkasya na lang ako sa pagtingin. Nakataob siya sa kama habang ang isang kamay ay nakapulupot sa aking beywang na parang isang bata na aagawan ng laruan.

I felt so contented and loved and sated that I can never really ask for more. But I realized na ngayon din pala ang dating ni mommy para kunin ako.

Dahan-dahan kong binuhat ang kamay niya paalis pero natigil ako nang biglang gumalaw siya at lalong humigpit iyon.

Napapikit ako.

My mother could be traveling as of the moment at siguradong pagdating nun, didiretso yun dito. She won't waste a freaking time in taking me away from this place lalo kapag ganitong sitwasyon ang maabutan niya.

Hinayaan kong makatulog siya ng mahimbing saka sinubukan muling tanggalin ang pagkakayapos niya sa akin. The second attemp was successfuly maneuvered.

Agad akong naligo, nagpalit ng damit saka bumaba para masalubong ko si mommy at maaya siya sa ibang lugar na pwede naming pag-usapan ng mabuti.

Wala pang ilang minuto ang nakararaan sa paghihintay ko ng may tumigil na itim na SUV sa harap ng building. The dark tinted glass lowered revealing my mother's worried face.

"Are you okay? Why are you out here?" tanong niya.

Binalikan ko ng tingin ng building. Everything was as it should be. Hindi pa nagigising si Ruzz, kaya for sure, I still have time to talk to mom, come back and slip back into the bed and act like I just woke up.

"Can I talk to you somewhere please?" pakiusap ko.

A slightly bewildered expression came over her face but it was promptly replaced with the usual no-nonesense face. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ko siya inaaya papasok sa unit.

"Sure." simpleng saad niya saka binuksan ang pinto.

Pumasok ako sa sasakyan, at muling binalikan ng tingin ang building. I am not really confident in leaving him there, natatakot ako na baka pagbalik ko ay wala na siya.

Still, I took a fortefying breath and squared my shoulders.

Dinala ako ni mom sa isang low-quality restaurant. Pagkaupong-pagkaupo namin, I didn't bother with the pleasantries and stuff like we usually do. We'll have a lot of that after I'm healed. Ang importante ngayon ay ang masabi ko ang kailangan kong sabihin and come back to Ruzz before he even realize that I am gone.

I looked at my mom noting her graying hair, her a slim body and the lines that bracketed her mouth. I know I put those there and I am sorry for it. Still, I have to do this.

"I can't go with you." I gave her the cut direct.

Napasinghap siya at nanigas sa kanyang kinauupuan, almost spilling the smoking hot coffee all over her clothes.

"W-what d-do you mean Dee?"

"I mean, hindi ako sasama sa'yo mom, I'm so sorry." ibinaba ko ang mga mata ko sa mesa. I can't bear to look at her now.

"Deireen, we've talked over this! Ano to? Hihintaying mong mamatay habang naghahabol ka sa walang-kwentang lalaking iyon?" malakas na tili niya.

She totally forgot that we were in a restaurant at na dahil sa tili niya ay pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now