9

10.9K 375 41
                                    

Deireen

Maranasan nyo na bang mabuhay na walang pakialam sa mundo? Yung tipong gigising ka, gagawin ang trabaho mo, paparty o kung anong pwedeng diversion sa buhay, matutulog ulit tapos balik na naman. Yung tipong ginagawa mo ang mga dati mong gawain pero parang wala din namang halaga?

Iyan kasi ang nararamdaman ko nitong mga huling araw.

Nagkita kami ni Zed that night pero pinauwi ko na din naman siya dahil wala ako sa mood makipag-usap. Thankfully, he didn't ask me why I am like this.

Akala ko ay hindi ako makakatulog nung gabing iyon pero nakakapagtaka na pagkalapat ng katawan ko sa kama ay hindi na ako nagising hangang sumapit ang umaga. Naligo ako, kumuha ng kape sa starbucks saka inayos nang muli ang opisina.

Ngayon ko lang napagtanto na ganito pala ang pakiramdam kapag nawalan ka na nang pag-asa.

Yung dating mga pinanghahawakan kong pangarap para sa aming dalawa ay tuluyan nang naglaho kasama ng oras. Hindi ko na rin naman iyon hinabol pa. Hinayaan ko na lang dahil wala na din namang halaga.

Sa ngayon, ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay ang isang buwan.

Isang buwan na makakasama ko siya bago siya tuluyang mawala sa buhay ko. Isang buwan na susulitin kong gawin ang mga ala-ala na babaunin ko hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Ilang araw na rin na dumarating ako bago siya, pagkatapos ay aalis lang pagkaalis niya. Miminsan ko na lang din siyang kinakausap at iyon ay patungkol lamang sa mga pinapagawa niyang mga dokumento.

Pinagkakasya ko na lang din ang sarili ko sa pagsulyap sa kanya sa malayo habang inuukit sa isipan ang iba't ibang mukha ng kanyang pagkatao. Ang itsura niya pag seryoso, pag mainit ang ulo, pag nakangiti, pag tumitingin sa kawalan.

Sa lahat ng iyon, ang pinakapaborito ko ay iyong kapag magkadikit ang dalawa niyang kilay sa inis. Alam ko kasi na kapag nangyayari iyon, ako ang dahilan. Samantalang ang pinakaaayaw ko naman ay iyong lumilipad ang isip niya. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun. Iniisip niya na naman ang isang tao na hinding hindi na mapapasakanya.

At ngayon nga, mukhang nasa pluto na naman ang kanyang isipan, kanina ko pa kasing tinatawag ang pangalan niya kaso hindi niya ako pinapansin. Magpapaperma pa man din ako ng importanteng papeles na ibibigay ko din sa mga kapatid niya.

"Mr. Montereal!" sigaw ko sa tainga niya nung mawalan na ako ng pasensiya.

Napatalon siya sa gulat saka asar na bumaling sa gawi ko. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis saka ibinigay sa kanya ang mga papel.

"Please sign this over so that I can give it to your brothers." pormal kong saad.

Lumipat ang tingin niya sa mga papel na hawak ko.

"T-thank you."

Nagtatakang sinipat ko ang mukha niya.

"May problema po ba kayo?" tanong ko pagdaka nung magsimula na siyang magtrabaho.

Tumunghay siya kaya naghinang ang mga namin. Napansin ko ang marahang pagdampi ng kulay sa kanyang pisngi kaya lalo akong nagtaka.

"H-huh?" nauutal niyang tugon.

"Bakit po kayo--" itatanong ko sana kung bakit siya namumula kaso naalala ko yung sinabi niya ilang araw na ang nakararaan tungkol sa kung paano ako nakakasagabal sa kanila. Baka idagdag niya pa ang oras na gugugulin niya sa pagsagot sa akin kaya nanahimik na lang ako.

"Bakit ano?" tanong niya pagdaka nung hindi ko na itinuloy ang tanong.

"Wala po. Sige perma na po kayo." saad ko sabay turo sa mga papeles na ibinigay ko sa kanya.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now