String #12 (Out with the old, in with the new)

Start from the beginning
                                        

TT______TT

Tik tok.

Tik tok.

Tik tok.

20 minutes.

Tik tok.

Tik tok. 

Tik tok. 

30 minutes. Kung ano ano pa ang ginawa nya sa buhok ko. Kinulayan pa yata ng light brown at konting highlights. Pwede ba 'to sa school? O_____O

Tik tok.

Tik tok.

Tik tok.

1 hour . Sinimula nang gupitan yung buhok ko. Waaaaah, gusto kong pulutin yung buhok ko sa sahig. Ang haba ng naputol. TT___TT

Tik tok. 

Tik tok.

Tik tok.

Sa wakas, tapos naaaaaa! Nung pagtingin ko sa salamin..

"Ako ba 'to?"

"Woaaaaaaaaw. Elle, look at you. Kung di lang kita kapatid, baka niligawan na kita."

"Haha. You never fail me, Jane. Salamat ha!"

Woaw. Hindi pa din ako makapaniwala. Parang from Ugly Betty to Marian Rivera we. Yung buhok ko kasi, kamukha nung buhok ni Marian na hanggang balikat. 

"Lika na, di pa tapos ang makeover sayo!" Hinila na ulit ako ni Ate Freya at nagsimula kaming maglakad lakad sa mall. Pumasok kami sa isang shop ng damit.

Napansin kong tumitingin samin yung mga tao tas nagbubulungan.

"May dumi ba tayo sa mukha?" Tanong ko.

"Ano ka ba Eunice, ikaw yung pinagtitinginan nila. See, ganda ganda mo na talaga." Ako daw? Hindi ko makita, ang labo e. Naghanap hanap na ulit kami ng damit.

"Models ba sila?"

"Gaga, db si Freya at Kleint yon?"

"Ay oo nga! Ang swerte talaga nila sa isa't isa. Nakakainggit!"

"Ang ganda din nung kasama nila oh."

"Yan  ba yung kapatid ni Kleint?"

"Wah? Imposible! Hnd naman palaayos yun diba?"

"Nung nakita ko nga yun sa interview ni Kleint sa isang magazine, di ko akalaing kapatid nya yun e."

"Pero grabe, ang ganda nya!"

Di ko alam kung maiinsulto ako o matutuwa eh. Nagbulungan pa sila. Rinig much, mga 'te. Pero in fairness, nagwowork nga yung makeover. Hehehe. Bumili ng sandamakmak na damit si ate freya para sakin tapos umalis na kami. Hindi pa din mawala yung tingin ng mga tao samin. Nakakahiya na 'to. =____=

*****

Nagpahatid na 'ko kay manong Jerry sa school. Nung pagbaba ko, tinginan yung mga tao. Swear, hindi na maganda 'to.

"Uy, sino yon? Transferee?"

"Ang ganda nya!"

"Diba si Elle Marquez yun? Yung kapatid ni Kleint Marquez?"

"Oo nga no! Grabe, ang ganda nya ngayon."

"Bagay sa kanya yung hairstyle nya. Ang cute pa nung damit nya!"

"Pagupit din kaya tayong ganon?"

"Lika. Sige maya!"

Ngayon lang yata nila nalaman na dito pala ko nag-aaral. Nakakalungkot naman. TT___TT Ganon ba ko kapangit non? Naglakad na 'ko papuntang room. Oy, in fairness, hindi na ko naliligaw papunta sa room! Hahaha.

Pagpasok ko ng room....

O_____O

O______O

O___________O

Oa na kayo, guys. Kailangan nandudumilat yung mga mata nyo? Ganon talaga? Umupo na 'ko sa seat ko. Hindi pa din naalis yung tingin nila sakin. Lumapit yung ilang babae sakin, may iba ding lalaki.

"Uy Elle, ang ganda ganda mo!" Paulit ulit nilang sinasabi. Wag kayong ganyan, baka magkaron nko ng helmet sa ulo. Haha

"Elle! Ang pretty pretty mo!" Sabay na sabi nung magkapatid. Lagot kayo ngayon sakin!

"May kasalana pa kayo sakin!! Iniwan nyo ko!" Napahawak ako sa bewang ko.

"Sorry, die-hard fan kasi kami ng CnBlue. And ikamamatay namin kung di namin makikita yung performance nila." - Gorje with matching paawa effect.

"Sorry na! ititreat ka na lang namin mamaya." - Allison.

"Oo nga. Pagbigyan mo na kami, since ang ganda ganda mo naman ngayon." - Gorje

"Buti hindi ka inabutan ng bagyo nun." - Allison.

"Actually inabutan nga ako. Nagstay ako don sa bahay nila Sh-----" Tae, di ko pwedeng sabihin sakanila. >.< Baka kung anong isipin nila. Pero huli na yata. May ngiting wagi sila sa mga labi nila.

"Kaninong bahay?" Slow mo nilang sinabi habang paupo sa tabi ko. Grabe yung ngiti nila, sinapian yata ng demonyo 'tong dalawa. Pesteng bibig 'to! Pahamak! Napatingin ako sa kinauupuan ni Shin. Sobrang seryoso ng itsura nya habang nakatingin sakin. Iniwas naman nya agad yung tingin nya.

Waaaah! Bat ba ang sungit sungit nanaman nya! >______< Bipolar na kabute!

Strings of FateWhere stories live. Discover now